The moves

3.2K 68 1
                                    

Mas napaaga ang pasok ko ngayon at siniguradong hindi na ako magkakamali ng pasok ng classroom. Maaga umalis si mommy at daddy kaya nagtaxi nalang ako papuntang school.

Nang pumunta ako sa grounds para sa flag ceremony ay nanlaki ang mga mata ko!

Mukang di nanaman maganda tong araw ko. (-_-)

Nakita ko ang mga panget na kausap si mokong. Tuwang tuwa sila at sobrang pula na ng kanilang pisngi. Parang papatigilin nila ang oras kung kaya nila. Ni hindi ko sila matingnan at ako din ay di nila pinapansin. Nakuuu binubwisit nanaman ako netong mokong nato! Kaya ang tanging ginawa ko nalang ay magsaway ng mga estudyanteng pasaway at hindi nakapila.

"Aj, tawag ka ni ma'am Bel magl-lead ka daw ng rosary." Sabi ni Dan, isa sa mga co-student officer ko.

Tumango ako at pumunta na kay Ms. Bel na nasa Audio room. Di na ako nagpaalam sa mga panget dahil humaling na humaling pa din sila kay mokong tapos may mga nakisali pang ibang mga babae sa kanila. Hay nakuuu mga babae nga naman oh.

Nagsimula na ang flagceremony..hanggang sa natapos na din ang rosary. Buti nalang di ako nagkamali o kinabahan, nakakahiya talaga kung sakali dahil naka mic kami habang naglelead.

Pinaguide pa muna kami ni Ms. Bel sa mga primary students na papasok sa kanilang classroom. Yung iba super cute, yung iba naman super kulit. Nakakapagod talaga trabaho namin pero masaya din lalo na pag may activities na off-campus.

Nang matapos ang trabaho ko bilang student council ay bumalik na ako sa room. Sinalubong agad ako ni Cathy.

"Pangs!! O-M-G!! Gravity talaga! Nakausap namin si-" tinakpan ko ang bibig nya.

"Pangs, oo alam ko. Ni di niyo nga ako napansin eh. Tsaka I don't really care. S-O-R-R-Y". Iniwan ko sya at umupo ako sa upuan ko, sakto lang dahil dumating na din agad ang teacher namin.

Nang matapos ang dalawang boring na subject ay sabay-sabay nakami nila Cathy at Nina na nagpunta ng canteen para kumain. Malaki ang canteen namin, dalawa ang palapag nito. Bumili ako ng hotdog-bacon sandwich at rootbeer. Sila panget naman ay bumili din ng kanila. Nang makaupo kami sa table ay agad namin nilantakan ang binili naming pagkain.

"Ang bait nya pangs! At super pogi pa!" Ani Cathy.

"Ang galing nya din magpatawa, lalo akong naiinlove." Ani naman Nina.

Tamad akong tumango, alam kong si mokong ang topic nila.

"Basta mamaya ha? Movie-foodie!" Sagot ko sa sakanilang dalawa. Mas lalo silang ngumisi.

"Yeeees pangs" sabi ni Cathy sabay kindat. Ang weird na nila omg. Dulot talaga to nung mokong na yun.

Pabalik na kami ng room nang biglang may sumabay ng lakad samin..si Shane. Kabilang sya sa sikat na grupo saming school, kasama nya rin sila Rick, Paul, CJ, Jeron, Axl, ang kambal na si Brix at Brent at si mokong.

Lumapit sakin si Shane at lumapit din si Rick.

"Hi Aj! Kinakamusta ka pala netong kaibigan ko." Sabi ni Shane sabay akbay kay Rick.

"Umm.. Okay lang, ganun pa din. Ahh sige ah una na ako kasi may pinapagawa pa sakin si Ma'am Bel." Pagsisinungaling ko sabay alis.

Naiirita talaga ako sa mga yun dahil bukod sa pasaway, mahahangin pa!

Iniwan ko yung mga panget. Bahala na, magpapaliwanag nalang ako mamaya, for sure naman maiintindihan nila ako.

Nang maguwian ay niyaya ko na sila Cathy na lumabas agad para tingnan kung nandun na yung sundo namin. Agad naman silang pumayag pero parang may kakaiba sakanila ngayon.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon