Nailabas ko lang ang galit ko nang nakaalis ako sa office niya. Sobrang high blood ako at pakiramdam ko kumain ako ng sandamakmak na taba ng baboy dahil sa sakit ng batok ko!
"Grabe na talaga to! Kasalanan niya talaga to eh! Sobrang tahimik ng buhay ko nung wala siya tapos ngayon... It's a disaster!!! Ilang beses na akong napagalitan dahil sa kanya, inagaw niya yung atensyon nila pangs tapos pati ni dad.. lagi niya akong binubwisit then ngayon? Napunta ako sa ganitong sitwasyon nang dahil lang sa kanya!" Sigaw ko sa sarili ko.
Ilang saglit pa ang lumipas hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa faculty office at dali-dali kong hinanap si mam Bel.
"Hi Aj!" Bati sakin ng ibang mga teachers na nasa faculty din. Nagsmile ako bilang sagot. Wala ako sa mood makipag kamustahan sa kanila.
"Oh hi Aj! Ano pang ginagawa mo dito? Diba hanggang 2 p.m. lang kayo?" Masayang bati sakin ni mam Bel.
"Good afternoon po mam, yes po actually pauwi na rin po ako.. Ummm.. Diba po may list kayo about sa mga info ng bawat students?" Hingal kong tanong sa kanya, ang bilis kasi ng lakad ko kanina eh.
"Yes Aj, naka save lahat ng data dito sa computer." Masaya niyang sagot.
"Gusto ko lang po sana itanong yung address ni mok-, I mean.. ni Eron po.." Dire-diretso kong sabi.
"Ni mr. Alford? Sure I can give you his address but what's your purpose?" Nangingiti na si mam, mukang iba yung iniisip niya.
"Ay.. Ah wala po mam.. Para lang po sa project namin. Absent po kasi siya today." Pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at kung bakit nandito ako't nakatayo sa harap ni mam Bel, basta ang alam ko lang, gusto kong puntahan si mokong ngayon mismo.. Kailangan ko siyang makita.. Hindi para humingi ng sorry kundi para iconfront siya, at ibigay sa kanya tong test papers na to kasi hindi ko naman dapat magiging trabaho to kung hindi dahil sa kanya! >(
After ng ilang click at type sa computer, may sinulat si mam sa isang maliit na sticky-note tapos bingay niya yun sakin. Nag thank you ako then nagpaalam din agad. Nagwave lang ako, nagsmile tapos sibat na.
Halos mahulog na yung mga test papers dahil sa bilis ng lakad ko palabas ng campus. Ang nakakinis pa, malapit na talagang bumigay yung brown envelope, hindi ko na alam kung saan ako hahawak para hindi siya tuluyang masira kaya niyakap ko nalang.
Pumara ako ng taxi tapos pagkasakay ko inabot ko sa driver yung sticky note na binigay ni mam Bel.
"Kuya pakidala nalang po ako sa exact address na yan." Sabi ko habang inaayos uli yung nagkagulo-gulong mga test papers. Kinuha ko yung hair clamp ko sa bag tapos inipit ko yung test papers gamit yun.
"Sige po mam, malapit lang naman ito.." Sagot naman sakin nung driver. Tinanguan ko lang siya tapos inayos ko yung mga gamit ko.
Mga ilang minuto lang ang lumipas napansin kong mejo bumagal yung takbo ng taxi.. Lumingon lingon ako sa palagid.. Wait, parang alam ko to..
Kanto to ng bahay namin ah?! :0
Dahan dahang nilampasan ni kuya driver yung kanto namin.. Yes my friend, yung kanto namin! Natanaw ko nga yung gate namin eh!
"Kuya patingin nga po nung papel na binigay ko.." Sabi ko habang nakahawak pa sa driver's seat para intense.
Inabot niya sakin yung sticky note tapos agad kong binasa yung nakasulat.. Hindi ko na nga kailangan basahin pa ng buo eh kasi paglapat na paglapat palang ng mga mata ko, yung word na Mckinley na agad yung nakita ko.. Which means asa iisang subdivision nga lang talaga kami.. Naalala ko, yun yung sinabi ni Nina nung pinahatid niya ako kay mokong dati pero hindi ko naman inakala na magkalapit lang talaga kami.. Kahit papano naman malaki din tong Mckinley noh.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...