Nagising ako dahil sa hindi matapos tapos na tunog ng cellphone ko. Napabangon ako bigla.. Andito nako sa kwarto ko? Teka, anong nangyrai kagabi?
Tiningnan ko yung orasan, malapit na mag 1pm na.. Grabe naman yung tulog ko.. Ilang saglit pa akong nakatulala bago ko tamad na kinuha yung cellphone ko..
*mokong is calling....
Wtf? Anong kailangan neto? Ang aga aga pa eh..
"Hello?" Tamad kong sinabi.
"Where are you???"
"Anong kailangan mo? Ang aga aga nambubulabog ka"
"It's already 1 p.m. in the afternoon and you're supposed to be here!"
"At bakit nanaman ba??"
"Para sa project natin, ngayon kung ayaw mong ako pa yung pumunta jan para hilahin ka papunta dito ay ngayon palang kumilos kana."
"Oo na, oo na. Ikaw naman laging panalo eh! Magsama kayo!!!" Sabi ko tapos inend ko na yung call.
Binigay ko lahat ng lakas ko para makabangon. Dumiretso ako sa banyo tapos nagshower ako para gumaan yung pakiramdam ko..
Nag bihis lang ako ng tshirt na mejo malaki sakin tapos nag denim shorts lang and flat shoes.Nagmadali akong bumaba sa hagdan tapos palabas.
"Where are you going baby girl?" Tanong sakin ni dad na nagbabasa ng newspaper sa sala.
"Gagawa lang po ng project dad." Ngiti ko tapos naglakad nanaman ako.
"Hindi ka muna kakain dito? Wala ka pang kinakain." Sabi niya sakin pero ako dirediretso pa din ako sa paglalakad.
Sa totoo lang kasi ayoko muna sila harapin ni mom.. Nahihiya ako sa nangyari, hindi ko kasi alam kung paano ba ako nakauwi.. Kailangan matanong ko muna si Chris about sa nangyari..
"No na po dad, kanina pang 9am yung meeting namin..late na po ako." Sigaw ko.
"Saan yung meeting niyo Aj?" Sigaw ni dad, nakasilip na siya sa main door namin.
"Jan lang po!!" Sigaw ko naman tapos lumabas na ako agad ng gate.
Nakahinga ako nang maayos after nun..
Naglakad ako papunta sa street nila mokong.. Hanggang sa mapunta ako sa tapat ng pagkalaki laki nilang gate.. Hanggang ngayon nalulula pa din ako sa laki ng gate nila..
"Hi mam! Kanina pa po kayo inaantay ni sir!" Biglang may nagsalita dun sa maliit na radio.
Tapos ilang saglit lang, nagbukas na agad yung gate.
"Magandang hapon po mam!" Bati sakin ni kuya guard.
"Magandang hapon din po! Aj nalang po itawag niyo sakin kuya." Ngiti ko sa kanya.
Nakita ko din si ate Sally na nagmamadali palapit sakin, sasalubungin niya ata ako.
"Magandang hapon Aj! Buti naman at napadalaw ka na uli.." Masayang bati niya sakin.
"Magandang hapomn din po ate Sally.. Naku, wala po yun..may kailangan lang po kasing gawin.." Ngiti ko sa kanya, nagpaalam na samin si kuya guard kaya si ate Sally nalang yung kasama kong maglakad papunta sa pintuan nila mokong.
"Natutuwa ako dahil sumisigla yung alaga ko. Alam mo ba kanina pa yan hindi mapakali sa kakaantay sayo.. Tawag nang tawag sa amin pati sa guard house, tinatanong kung dumating na daw ba yung bisita niya.." Natatawang kwento sakin ni ate Sally.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Novela JuvenilBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...