Lumipas ang mga isang linggo na pilit kong iniwasan si mokong. Sa totoo lang kasi hindi ko pa talaga nalilimutan lahat ng nangyari. Hindi parin nawawala yung sakit lalo na kapag hindi sinasadyang masulyapan ko siya..Pero kahit na sobrang hirap, wala akong choice kundi ang pumasok at harapin siya. Hindi ko na rin sinabi kila pangs yung about sa nangyari.. Ayoko naman kasi silang maawa sakin.. Sa dami ng natulong nila sakin, nakakahiya na kung mahihirapan nanaman sila kapag nakita nila akong malungkot.
Mas naging malapit na rin si Chris at si Nina.. Hindi ko alam pero mukang may tinatago din yung dalawa, siguro may something din na nangyari sa kanila habang asa Baguio ako.. Yun nga lang hindi gaya nung sakin, maganda yung kinalabasan ng kanila..
Actually, uwian na namin ngayon pero nagstay muna ako sa mini-park para palipasin yung mga naglalabasan na estudyante, ayokong makisabay sa ingay nila. Tutal naman hindi ako susunduin ni dad and magtataxi lang ako kaya okay lang kahit tumambay muna ako dito.. Si Rick, kasama ko siya kanina pero may kinailangan siyang gawin para sa isang subject niya kaya umalis muna siya..
Mga quarter to 5 na kaya naisipan kong umalis na.. Hindi ko na siguro aantayin si Rick na bumalik..magttext nalang ako sa kanya kapag nakauwi na ako..
Kinuha ko lahat ng gamit ko at umalis mula sa shed kung saan ako nakaupo. Marahan akong naglakad palabas ng mini park.
"Hoy Aj! Magusap nga tayo!" Boses ng isang babae yung narinig ko.
Agad akong humarap para malaman kung sino yung parang galit na tumawag sakin.
"Rosella? Bakit?" Nag-aalala kong tanong.. Kitang kita ko sa mga mata ni Rosella na umiyak siya. Masama ang tingin niya sakin at padabog siyang lumapit.
"Pinagkatiwalaan kita Aj! Akala ko kaibigan kita?! Pero bakit?! Bakit mo sinabi kay Eron yung mga nalalaman mo?!" Galit niyang sabi sakin.
Napaatras ako dahil sa paraan ng pagsasalita niya, parang gusto niya akong lamunin ng buhay.
"Rosella.. Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!" Sagot ko naman sa kanya.
"Wag mo na nga akong lokohin! Aj, ikaw lang ang nakakaalam na may sinasabay ako kay Eron! At nangako ka sakin na hindi mo yun sasabihin sa kanya! Diba sinasabi ko naman sayong ititigil ko din yun?! Bakit hindi ka makaantay?!" Halos pasigaw niyang sabi sakin.
"Rosella kahit pa anong sabihin mo, mali yung ginagawa mo! Kaya kung malaman man yun ni Eron, karapatan niyang masaktan.. Kahit pa sabihin mong ititigil mo yung ginagawa mo, hindi mo na mababago yung fact na niloko mo siya.." Paliwanag ko sa kanya.
"Edi inamin mo din! Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Basta ang alam ko lang, ikaw ang dahilan kung bakit niya ako iniwan Aj!! Ikaw!" Halos maiyak na si Rosella.
"Hindi ako ang dahilan Rosella, kundi yang mga ginagawa mo!" Naiinis kong sagot sa kanya. Kapal ng face, ako pa talaga sisihin!?
"No Aj! I saw him.." Tumulo yung luha niya.. "Nakita ko kung paano ka niya tingnan.. Nakita ko kung paano ka niya ngitian.. At yung picture.. Wag mong sabihing hindi kayo nagkasama sa Baguio..dahil nakita ko mismo sa phone niya yung pictures niyo!!" Walang akong nasagot sa mga sinabi niya.
"Kaya wag mo isipin na hahayaan ko lang na maging masaya ka..girl..?! Hindi pa tayo tapos!" Mataray niyang sinabi sakin. Saka siya naglakad palapit sabay binunggo pa ako sa balikat.
Nag-iba yung simoy ng hangin pagkasabi niya nun sakin. Hindi maganda yung kutob ko.. Pero kung talaga ngang hiwalay na sila.. Ibig sabihin.. Malaya na yung mokong ko.. Pwede na kami.. Ganun ba yun?
May parte sakin ang sumaya, meron ding nanatiling malungkot dahil sa mga sinabi ni Rosella.. Mejo naguiguilty kasi ako dahil sinabi ko naman talaga kay mokong yung panlolokong ginagawa ni Rosella sa kanya.. Pero kahit naman hindi ko sabihin, alam na naman yun ni mokong dahil sinabi na sa kanya ni Brix..so dapat hindi ako maguilty! Diba? Hay nakakainis naman.. Ayoko naman ng may kaaway eh.. :(
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Genç KurguBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...