Hi! This is the last chapter of TYBFMB. Maraming salamat sa pag-babasa. Bitin? Wait! There's more!! There will be a Book 2! It will have Eron's POV and their future together!! I'll be making it specially for you guys! Thank you so much!! :) :*Finished: November 24, 2016
*****
"Where do you want to go?" Malambing na tanong sakin ni mokong habang nakahawak siya sa kamay ko. Pinaglalaruan niya ang aking mga daliri.
"Umm.. K-Kahit saan.. Basta wag sa bahay.." Sagot ko kay mokong habang nakatulala ako sa labas..
Ilang saglit pa ang lumipas bago ako nahimasmasan sa pag-iyak. Siya ang naging dahilan kung bakit mas lalong tumibay ang loob ko. Ginawa niya ang lahat para mapatahan ako, hindi niya hinayaang umiyak ako mag-isa..
"A-are you sure?" Narinig ko ang pag-aalala mula sa kanya.
Dahan dahan ko siyang tiningnan at tumango. Agad din akong nagiwas ng tingin sa kanya.
Ayoko pang umuwi.. Hindi pa ako handa na harapin si dad.. Nabigo ko siya, hindi ko siya natulungan at masakit para sakin na isipin yun. Nagkahalo-halo na rin ang emosyon ko dahil hindi ko maitatago sa sarili ko na galit din ako sa kanya.. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya yung ganung klase ng bagay sa taong pinagkatiwalaan siya..
Humarap si mokong sa manibela at agad pinaandar ang kanyang sasakyan. Dumaan kami sa pamilyar na daan.
"A-ayoko pang umuwi.." Hinarap ko siya dahil daan patungo sa bahay namin yung tinatahak niya.
"I know baby girl.. Hindi kita iuuwi.." Kalmado niyang sinabi. Pagkatapos nun ay nilampasan niya yung street namin.
Huminga ako ng malalim nang ipasok niya ang kotse niya sa gate nila. Tinanguan agad siya ng mga security guard.
Lumabas siya at tumakbo sa may pintuan ko para pag buksan ako ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako papasok ng kanilang bahay. Sinalubong kami agad ni ate Sally at ng iba pang kasambahay, lumapit lang si mokong sa kanila at para bang inutusan sila kaya agad silang nagalisan.
Dalawang kasambahay lang ang natira at lumapit sakin.
"Tara na po ma'am.." Ngiti nung isang kasambahay at tinuro sakin ang daan papunta sa isang kwarto.
Nakatingin ako kay mokong habang hinihila nila ako papunta dun pero ngiti lang ang sinukli niya sakin.
"Dito po ma'am, pili po kayo ng damit.." Ngiti sakin nung isa habang pinapasok ako sa isang walk-in closet. Tumingala ako sa dami ng damit pang babae na nakasabit.
"B-bakit?" Hinarap ko yung kasambahay.
"Utos lang po ni sir.. Pagbihisin daw po namin kayo.." Nahihiyang sagot sakin nung isa.
Mukang wala na ata akong magagawa.. Ano kayang binabalak ni mokong?
"Pili kayo ng kumportableng damit ma'am.." Ngiti niya pa sakin.
Inikot ko ang mga mata ko, pinili ko ang fitted white shirt at sweat pants.. Ito yung napupusuan ng mood ko ngayon.. Binigyan din nila ako ng simpleng slip-on na sneakers. Wala ako sa mood mag-ayos kaya hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at saka lumabas na sa kwarto para harapin si mokong.
"Let's go?" Nakangiti niyang sinabi sakin, asa tapat lang siya ng pintuan ng kwarto mukang kanina pa ako hinihintay.
Agad kaming lumabas at nakita ko ang itim niyang Chevrolet Silverado'ng pickup truck na nakahanda na. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay doon.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...