After ng roller coaster feelings nung weekend ay excited akong pumasok sa school. Siguro naman hindi na badmood si Eron ngayon and mas magiging maganda yung samahan namin dahil mas naging close kami netong mga nakaraang araw.. Wala na din akong balak na awayin or sungitan pa siya..Paakyat nako ng room nang bigla kong makasalubong si Rick..
"Good morning Aj!" Masayang bati niya sakin, "hatid na kita sa room niyo?" Dagdag niya pa..
"O-okay.." Sagot ko dahil gusto ko nang makapaakyat sa room para makita si Eron.
"Nakauwi ka ba ng maayos kahapon?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami sa hallway.
"Oo naman.." Ngiti ko sa kanya
Pagkapasok namin sa room ay hindi nga ako nagkamali, andun si Eron.. Nakita kong nakatingin siya samin kaya nginitian ko siya, pero hindi niya yun pinansin, parang ngang hindi na niya ako kilala tapos hiniga niya pa yung ulo niya sa desk niya.
Konti nalang yung tao sa room dahil nagsibabaan na sa school grounds para sa flag ceremony..
Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalapag yung bag ko sa upuan..
"Let's go?" Yaya sakin ni Rick.. Nakalimutan kong kasama ko pala siya.
"Sige p-pero.." Nilingon ko uli si Eron.. Tapos lalakad sana ako papunta sa kanya para ayain siya bumaba pero bigla akong pinigilan ni Rick..
"Halika na, malalate na tayo sa baba.. Officer ka pa naman diba? Baka mapagalitan ka.." Totoo yung sinabi ni Rick pero hindi ko rin dapat hayaan na may maiwang estudyante sa room habang flag ceremony..
"Officer ako kaya kailangan kong pagsabihan si Eron.." Paliwanag ko kay Rick tapos tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sakin..
"Bababa din yan.." Sagot naman niya pero hindi ko siya pinansin..
Lumakad ako palapit kay Eron.. Gigisingin ko siya sa pinakamalambing na paraan.. :>
Ipapatong ko na sana yung kamay ko sa likod niya nang bigla siyang tumayo at naglakad na parang wala ako sa harap niya..parang dumaan siya sa hangin.. Tapos dire-diretso siyang lumabas ng room.
"Una nako bro." Nagpaalam siya kay Rick then umalis na siya..
"Told you.." Sabi sakin ni Rick..
Biglang sumikip yung dibdib ko.. naiwan akong nakanganga.. Anong nangyari?
"Halika na Aj.." Lumapit sakin si Rick at hinawakan uli yung braso ko.. Tiningnan ko siya at nagfake smile saka ako nagpatianod sa pagbaba kasama siya. Naghiwalay lang kami nang magpunta kami sa kanya kanyang pila.
"Hey pangs! Ang aga aga, Rick agad ah..." Pang aasar sakin ni Nina.
"Ah, wala yun pangs.." Tamad kong sagot sa kanya habang hinahanap si mokong sa pila.. Pero wala siya.. Asan kaya yun?
"Kakahatid lang sayo, hinahanap mo na agad?" Sabi naman ni Cathy.
Tumingin ako sa kanilang dalawa.
"Tigilan niyo nga ako, hindi si Rick yung hinahanap ko." Sabi ko sabay lingon nanaman sa paligid.
"Eh sino?" Tanong ni Cathy.
"Si ano.." Tinakpan ko yung bibig ko.. Muntik ko nang masabi sa kanila... Omg!
"Si mam Bel! Sabi niya kasi maglelead daw kami ng rosary." Pagsisinungaling ko.
"Pangs, second year yung magllead ngayon." Sagot naman ni Nina.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...