Move On

1.7K 87 13
                                    



Ibang kotse ang dala ni mokong nang sunduin niya ako. Isang pickup truck, bagay na bagay sa matcho niyang katawan. Naka brush up ang kanyang buhok kaya kitang kita ko ang napakagwapo niyang mukha. Parang ang blooming niya ata ngayon.. Nakasandal pa siya sa kotse niya habang tinitingnan ang bawat paghakbang ko. Tumigil lang ako sa paglakad nang nag-ayos siya ng tayo.

Lumapit siya sakin at kumunot ang noo niya. Tinitigan niya ako na para bang iniimbestigahan niya yung suot ko eh nakauniform lang naman ako..

"What??" Nangingiti kong tanong sa kanya.

Lumapit pa siya saka yumuko para itapat yung mukha ni sa may bandang leeg ko.

"Eron!" Saway ko sa kanya dahil sobrang lapit na ng mukha niya.

"Where is it?" Wala siyang pakialam sa pagsaway ko sa kanya.

"I'm wearing it!" Natatawa kong sigaw saka ko nilabas yung necklace na bigay niya na nakapailalim sa loob ng uniform ko.

Natigilan siya nang makita niya yung kwintas. Dahan dahan niyang inangat yung mukha niya at tinapat ito sa mukha ko. Hindi siya kumukurap habang nakatitig sakin, saka naman niya ako binigyan mg marahan na ngiti.

"Ingatan mo yan ha?" Bulong niya sakin.

"At kung pwede lang.. Um.. Wag mong ibibigay sa iba.." Nahihiya niyang sinabi.

"Sa isang tao lang naman to nakalaan eh.." Nagsmirk ako.agad kong nakita ang paglaki ng kanyang mga mata, parang bata na biglang sumaya.

"W-what did you say?" Nangingiti niyang tanong sakin.

"Ang sabi ko, malalate na tayo." Tinaasan ko siya ng kilay saka ako naglakad papunta sa kotse niya. Iniwan ko siyang nakangiti at nakatulala. Ilang saglit pa ang lumipas bago niya ginulo ng bahagya ang buhok niya at saka naglakad papunta sa sasakyan niya.

Nagmadali kami sa byahe dahil baka malate kami pero nasobrahan ata you ng pagmamadali niyang magdrive kaya napaaga pa kami ng dating.

Habang naglalakad kami ni mokong papunta sa gate ng school ay natanaw ko na agad sila Rick.. Oo nag-aantay talaga sila sa may gate. Nagmadaling tumakbo palapit sakin si Rick nang makita niya ako.

"Good morning my princess.. For you.." Malambing niyang sabi saka inabot yung rose na may nakasabit na maliit na teddy bear na merong hawak na heart.

"T-thank you.." Pinilit kong ngumiti.

"Let's go Aj.." Sinubukan hawakan ni mokong yung braso ko pero hinila agad ako ni Rick.

"Samahan na kita paakyat prinsesa ko?" Ngiti niya. Hindi ko na alam kung kanino ako titingin. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya talagang poker face lang ako. Sinimulan kong maglakad papunta sa room. Parehas silang nasa magkabilang gilid ko, hindi talaga sila nagpapigil sa pagsabay sakin paakyat.

"Princess, ako nalang maghahatid sayo pauwi.. Diba bro, sira kotse mo?" Mayabang na sabi ni Rick.

"Okay na yung kotse ko bro. Ako na maghahatid kay Aj." Mariing sabi ni mokong.

"Tss.. Nagbibiro ka ba pare? Napuruhan yung kotse mo pano yung magiging okay?" Sabi naman ni Rick.

"Yun lang ba kaya niyo bro?" Sagot ni mokong,

Agad humakbang si Rick palapit kay mokong at binigyan ito ng malakas na tulak.

"Mayabang ka ah?! Mag-antay ka lang pare." Mayabang na sabi ni Rick.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon