Nagsiupo na ang lahat at tumahimik nang dumating ang sumunod na teacher namin, mukang masungit.
"Good morning class, I am Ms. Elle Basuedas and I will be your english teacher for the whole school year. I don't like naughty students. Whispers, murmurs, and other unnecessary noises are not allowed when I'm around! Understand?!" Sabay palo nya sa kanyang lamesa gamit ang kanang kamay.
Nagulat kami sa ginawa nya, ganto ba talaga ang highschool life? Nakakapanibago naman, parang nuong elementary kami, lahat ng teacher ay patweetums lang samin pero ngayon mukang terror at masusungit.
Nag simula na mag turo si Ms. Elle, wala daw kaming dapat sayangin na oras, ni hindi nya na kami pinagpakilala sa isa't-isa..samantalang nong elementary ay laging may "introduce yourself" bago mag simula ang regular class.
Hindi ko mapigilang lumingon sa likod at tingnan yung lalaking nakaaway ko kanina. Nakapikit siya at naglilikot ang mga daliri, halatang hindi nakikinig. Tamad.
Pero oo nga, gwapo sya.. Matangos ang ilong, di gaano kaputian ang balat na syang mas nagpapogi sa kanya, manipis ang mapupulang labi, malalim na mga mata at sobrang lakas ng dating.. hindi na ako magtataka kung bat ito ang crush ng mga panget na yun. Pero ako, di ako maakit dahil magaspang ang ugali nya. Kaya never! Not even crush! Bastos sya at walang modo!
Natigilan ako sa pagkausap sa sarili nang biglang sumigaw si Ms. Elle.
"You!" Tinuro ang lalaki na kanina ko pa pinagmamasdan.
"Yes you! Get out of this room now! What did I say about noises!? Why do you keep on tapping your pen on your arm-chair?! GET OUT!! RIGHT NOW!!" Umalingawngaw ang boses ng teacher namin sa buong room. Di ko rin sya gets, ayaw niya ng maingay pero sya naman tong sobrang lakas ng boses.
Walang reaksyon sa mukha ng lalaki at agad syang tumayo para lumabas. Panay pa din ang dakdak ni Ms. Elle hanggang sa makalabas nang tuluyan ang lalaki.
"Buti nga sakanya" bulong ko habang naka ngisi. May parte sakin ang nagdidiwang, pero meron din namang naaawa, hindi naman ako ganun kasama noh.
Nang nagturo muli si Ms. Elle ay bigla akong kinalabit ng nasa likod ko, si Cathy. Binigyan nya ako ng kapirasong papel at binasa ko ang nakasulat dito.
"Pangs yung crush ko! Huhuhu! Nakakainis naman si ma'am!
-Capangs "Magsusulat na sana ako ng sagot ko para kay Cathy nang may biglang humablot ng kapirasong papel na hawak ko. "Miss, did I tell you to write something?" Sarkastikong tanong ni Ms. Elle. "N-no ma'am. S-sorry ma'am" nanginginig na ang boses ko sa kaba. Binato niya ang papel na hawak niya..whoo! Buti nalang hindi niya nabasa yung message ni Cathy!
Lagi nalang ganto, pag may kabulastugang ginawa ang dalawa kong kaibigan, ako lagi ang napapagalitan o nahuhuli. Ewan ko nga ba kung bakit napakaswerte nila.
"Such a disrespectful lady." Umiiling iling pa siya habang sinasabi yun!
Nanlaki ang tenga ko at naginit ang ulo ko sa sinabi nya! Pero Aj, teacher mo yan. Breathe-in, breathe-out yan nalang ang ginawa ko.
"Will you please go out and-" di pa sya tapos sa sasabihin nya ay tumayo na ako at lumabas nang hindi lumilingon.
"Disrespectful pala ah?! Haaaaay! Bat ba ang malas ko ngayon?!" Sabi ko sabay niyuko ang ulo sa lamesa ng shed na inuupuan ko. Labing limang minuto pa ako nanatiling nakaganito nang maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Agad akong umayos ng upo at nanlaki ang mata sa nakita ko.
"Nakita kita pinalabas ka kanina, so pasaway ka din pala?" Sabi nung lalaki na kinakainisan ko. Agad ko syang inirapan,
"Pwede ba? I'm not like you! At isa pa bat ka ba nakikiupo dito? Close ba tayo?" Sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.
Ayoko syang makita dahil mas lalo akong naiirita. Nainis pa ako nang inusog nya ang pwet nya at lumapit lalo sakin. Magkadikit na ang mga braso namin sa sobrang lapit nya.
"O ayan, am I close enough to you?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"New student ako dito. Ikaw lang ang classmate ko na nasa labas ng room. Do I have a choice?" Sabi nya at biglang ngumiti na parang nangaasar pa.
"Bwisit ka talaga! Kanina ka pang umaga! At kung choice lang din, oo meron ka! You can choose to stay away from me! Awaaaay from me! Okay?" Halos pasigaw kong sabi, haaay nakakainis talaga sya!
"Teka, galit ka ba? Anong kaninang umaga?-" natigilan sya saglit bago ulit nagsalita. "Ahhh, ikaw yung babae kanina?" Sabi nya at tinapat ang mukha sakin.
What?! Hindi nya ako naalala!?
"Oo! Ako yung babae kanina na binastos mo! Infareness kapal mo din eh noh? Pagkatapos mong tingnan ang dibdib ko kanina di ka man lang na-aawkward na kausapin ako ngayon!?" Nagiinit na ang pisngi ko habang sinasabi yun sa kanya ngunit bigla syang humagalpak sa tawa. Mas lalo ko syang tiningnan ng masama.
"What were you thinking? Dibdib? You mean your boobs?" Tumawa pa siya lalo.
"Ang tiningnan ko kanina ay yung name-plate mo! Gusto ko lang malaman kung anong year mo na dahil ang pangit naman siguro tingnan kung binubungangaan ako ng isang grade six student diba? But then nakita kong 1st year kana.. kaya ko din pala nasabi na dapat alamin mo kung tama ba room mo. I did not see that coming!" Sinabi nya habang hinahabol ang hininga sa kakatawa.
At ako naman ay gusto nang magpalamon sa inuupuan ko sa sobrang kahihiyan. Hindi ako makaisip ng pang-comeback. Oo nga pala yung name-plate namin ang nagsisilbing I.D. namin at nakapin ito sa kaliwang dibdib ko banda. Omg Aj! :-(
"Eh bat ba kasi nandun ka sa classroom na yun?!" Pagalit kong sinabi nang mejo makabawi.
"Yun lang kasi yung room na walang tao, I was sleepy that's why. And I can't imagine myself looking at your baby 'boobie', meron ba?" Humagalpak ulit sya sa tawa. Agad akong namula at pinag-sasapak sya.
Tang ina naman kasi Aj, bat ka di nagisip at bigla nalang sinabi yun! Sa inis siguro? Haaay ewan basta lalo akong nabubuysit dito!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at agad na tumakbo palayo sa mokong na yun.
"Hey! Wait!" Sigaw nya pero di ko sya nilingon, pumasok nalang ako sa restroom.
Nang makarating doon ay agad kong tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Namumula padin ako, binasa ko ang kamay ko at hinugasan ang mukha ko.
"Grabe naman tong araw nato. Haaay sana matapos na to! Di ko na kinakaya." Sabi ko sa sarili sabay buntong hininga.
Nanatili lang ako sa tapat ng salamin nang biglang may nagsalita.
"Are you really that clumsy? Mali ka nanaman ng pinasukan." Sabi ng isang lalaki na nakatayo at nakahilid sa tabi ng pintuan ng CR. Di ko sya gaano makita dahil sa tubig sa mata ko. Nang mapunasan ko ito ay kumabog ang dibdib ko.
"Ikaw nanaman!? Stalker ka ba or what? At pati sa CR sinundan moko!?" Sabi ko pero nakangiting aso na sya.
"CR po ito ng boys, miss clumsy."
What?! Ano ba nangyayari sakin! Agad ko syang tinulak palabas ng pinto upang makita ang sign, "MALE". Wtf! Wrong turn! (◎_◎;)
----------------------------------
☠ Read * Comment * Vote ☠
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...