Para akong naging zombie. Naging manhid nalang sa bawat araw na nakikita ko si Rosella at mokong na mas lalong nagkakalapit."Baby! Dito muna ako ha?" Malambing na sabi ni Rosella kay mokong, saka naman siya tumayo at lumapit samin ni Nina.
"Hi girls! Labas tayo mamaya?" Ngiti niya samin.
"Sure.. Wala naman kaming gagawin mamaya.." Ngiti ko sa kanya.
Kahit papano naman ay mabait parin ako noh. Nang tumagal na ay nakita ko kung gaano kabuti si Rosella kaya mas madali namin siyang napakisamahan nila pangs. Malakas din yung sense of humor niya, yun nga lang party girl pala talaga siya kaya lumabas na din yung tinatago niyang self-confidence kung baga.
"Pero okay lang ba kung isama ko si Eron?" Nagpacute siya samin.
Yan lang ang ayaw ko sa kanya.. Sobrang clingy niya kay mokong at walang araw na hindi mo sila makikitang magkasama.
"Rosella girl, I think mas better kung tayo tayo lang para mamiss ka naman ng baby mo!" Ngiti naman ni Nina.
"Hmm.. Sige na nga magpapamiss muna ako sa baby ko. Sige girls tayo nalang treat ko kayo!" Excited na sabi ni Rosella.
"Alright girl!" Ngiti naman ni Nina.
Ngumiti din ako at pinanood si Rosella na masayang bumalik sa tabi ni mokong. Agad namang inalalayan ni mokong si Rosella na makaupo sa tabi niya.
***
After ng klase ay sa kotse nila Rosella kami sumakay, pumunta kami sa isang icecream parlor at umorder ng sandamakmak na ice cream.
"I know naman si Aj kay papa Rick na yan.. Eh how about you girls?" Ngiti samin ni Rosella.
Speaking of Rick, after nung insedente na yun ay hindi ko naiwasang malayo yung loob ko sa kanya. Pinatawad ko naman siya dahil sinabi niya na nadala lang daw siya sa sitwasyon na sinabayan pa ng alak. Grabe din yung bawi na ginawa niya, halos araw-araw niya akong bigyan ng bulaklak nung hindi ko pa siya pinapansin.. Nagtataka na sila pangs dahil parang nasosobrahan naman sa kasweetan si Rick pero hindi ko nalang sinabi sa kanila yung nangyari. Hindi ko rin sigurado kung alam ba nila Shane yung nangyari dahil maski sila ay nagtataka mga naging kilos ni Rick.
"Me, I have a crush on someone.." Nanihiyang sabi ni Nina.
"Omg sino?!" Sabay pa sila Cathy at Rosella na nagtanong.
"Basta he's perfect!! Secret muna!!" Sigaw ni Nina saka siya kumain ng icecream.
"That's so unfair!" Sabi ni Rosella pero dinilaan lang sila ni Nina.
"How about you Cathy?" Ngiti naman ni Rosella.
"Nope, wala. I don't like dating guys na same yung school namin." Mataray na sabi ni Cathy.
Matagal na naming alam yun ni Nina, for Rosella's sake lang kaya niya inulit.
Totoo yung sinabi niya kaya kahit gaano karami yung nanligaw kay Cathy sa school ay ni-isa walang pumasa.
"Hay.. Akala ko pa naman may makakarelate sakin.." Malungkot na sabi ni Rosella saka siya kumain ng ice cream.
"Makakarelate saan girl?" Tanong ni Cathy.
"Nothing girl.. Yung feeling ng pagkasawa.. You know.." Maarte niyang sabi samin.
Kumunot yung noo nung dalawa. Hindi namin siya naintindihan.
"Ikaw girl, do you feel that sometimes?" Sakin binaling ni Rosella yung tingin niya.
"H-ha? Hindi ko alam.." Nagkibit balikat ako.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...