Maaga kaming ginising ng mga teachers, nagdoorbell sila sa bawat room para magising ang lahat. Dumating na rin sa room namin yung free breakfast kaya sabay-sabay kaming kumain nila Chen at Zoey."San ka pala galing kahapon Aj? Wala ka pagdating namin eeh.." Tanong sakin ni Chen. Nagbibihis na kami ngayon at naghahanda para sa pag-alis. 6:30 kasi ang call time namin sa baba ng hotel.
"Um.. Naglibot lang din ako kahapon.." Ngiti ko habang nagsusuot ng socks.
"Ikaw lang?" Biglang sambit ni Zoey.
Agad akong umiling at ngumiti.
"Kasama ko yung partner ko.." Ngiti ko.
"Ohhh.. Nakapunta na kayo sa Burnham?" Ngiti naman ni Zoey.
Tumango ako at ngumiti.
"Hmm.. Sa Wright Park?" Tanong naman ni Chen.
"Baka mamaya siguro.." Ngiti ko naman.
Tumango sila at ngumiti saka nagpatuloy sa paghahanda.
Nang makababa kami sa lobby ay naroon na halos lahat. Agad kong nakita si mokong tapos pinapunta niya ako sa tabi niya. Agad akong ngumiti at lumapit sa kanya.
Aga aga ah? :">
"Sabi ni ma'am Simantra, magsama-sama daw yung magpapartner.." Bulong niya sakin.
"Oh.. Okay.." Ngumiti ako at tumango tango.
Humarap siya sakin at tiningnan ang suot ko. Tapos inangat niya yung kamay niya at inayos yung scarf ko. Hindi ko mapigilang mangiti dahil sa ginawa niya.
Nang makumpleto ang lahat ay sumakay kami sa shuttle service ng hotel at nagpahatid sa isang building na mukang stadium dahil sa laki. Napakaraming tao ang naroon. Pumila kami sa entrance at binigyan kami ng kanya kanyang ticket ni ma'am Simantra.
"This is going to be boring." Bulong sakin ni mokong.
Siniko ko siya sa sa tyan kaya agad siyang napaatras.
"What?" Nakangisi niyang sinabi sakin.
Nagpout ako at inirapan siya.
Natawa tuloy siya at pinisil yung pisngi ko.
Pagpasok sa loob ay para kaming nasa theater na may malaking stage at screen. Sobrang lively nung music, may mga cameras din para sa live streaming and may mga reporters. May mga sikat na fashion designers din ang kasama kaya hindi ko napigilang maexcite.
Agad agad nagsimula yung event. May mga nagsayaw at kumanta para sa opening then may mga pinakitang videos na itong Philippine Fashion Fiesta pala ay event for a cause, lahat ng kikitain sa mabebentang dress ay mapupunta sa mga katutubo dito sa Baguio, para sa pag-papalagay ng kuryente sa mga lugar na kadiliman ang bumabalot pagsapit ng gabi. May mga ilang katutubo din silang ininterview kaya't hindi ko mapigilang lumuha. Sobrang hirap pala ng buhay nila.. Hindi man lang nila maranasan makanood sa TV at hirap sila makapagaral sa gabi dahil walang ilaw, tapos wala pa silang ref! Pano nalang yung food nila?:(
Nagsimula na rin yung Fashion Show, minsan pagninilingon ko si mokong, nakikita kong nakapikit siya kaya sinasampal ko siya nang bahagya o kaya pinipitik ko yung ilong niya. Agad nanaman siyang gigising at aarte na parang nanunuod kaya natatawa ako sa kanya.
"Ma'am we have a problem!" Biglang sigaw nung isang bakla sa mga teachers. Mukang yung bakla na yun ay isa sa mga naghahandle ng event dahil sa special pass na ID niya.
Napatayo si ma'am Simantra saka lumapit sa kanya. Mahina silang nagusap. Pagkatapos ng ilang saglit ay agad humarap sakin sila ma'am.
"Aj! Come here!" Tinawag ako ni ma'am.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...