Papasok ba ako? O hindi?Ang tamang tanong siguro ay kung kaya ko bang pumasok? Oo kaya kong pumasok pero, kaya ko ba siyang lapitan? Kaya ko ba siyang tingnan?
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari.. Ilang beses ko din pinaghahaplos yung ilong ko at dinasal na sana hindi nalang natapos ang kahapon..
Wala naman akong sakit kaya wala akong choice kundi ang pumasok.. Kaya naghanda ako agad para hindi malate..
"Parang may iba sayo ngayon baby girl.." Ngiti ni dad sakin habang inaayos ko yung seatbelt ko.
"Ha? Ano po yun dad?" Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ngingiti nalang.
"Are you wearing makeup??" Mapangasar na tanong sakin ni dad.
"Of course not dad!! Umm.. Lip tint lang yan.." Sagot ko sa kanya..
Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang hinawakan nung kamay ko kanina yung lip tint.. At syempre naglagay na rin ako ng onting blush on.
"Are you doing this for someone anak? Who's the lucky guy?" Ngiti sakin ni dad.
Agad ko siyang sinapak ng bahagya.
"Please stop it dad!! Wala po!!" Sagot ko sa kanya.
"Is it Chris?" Mas lalong naging mapangasar yung tono niya.
"Ha? Hindi po dad no!" Sagot ko naman.
"Si Eron?" Ngiti niya pa.
"Daddy!! Late na po ako!!" Sigaw ko sa kotse. Saka siya tumawa at pinaandar yung kotse.
***
Pagkapasok ko sa room after ng flag ceremony ay mga mata niya agad yung nakita ko at ang napakaganda niyang ngiti na para bang binabati ako ng magandang umaga.
"Aj, come with me sa office." Nabaling yung tingin ko kay sir Jay.
Kala ko pa naman good morning na. -.-
"Bakit po sir?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka ako dahil magsisimula na yung next class namin..malalate ako kapag sumama ako sa kanya.
"Basta." Naka smirk niyang sagot at saka lumakad palabas ng room.
Hindi lang mga kklase ko ang nakatingin sakin kundi pati yung ibang mga babae paglabas ko.
Sinadya kong bagalan yung paglakad ko para mauna sakin si sir Jay. Hinayaan ko rin siya na maunang pumasok sa office niya. Nang hawakan niya ang doorknob ay nilingon niya ako. Tapos tumango siya bilang senyas na bilisan ko yung paglakad ko.
Inantay niya akong makarating bago niya buksan yung pinto at pinauna niya rin akong pumasok.
"Sir ano po ba yun?" Malumanay kong tanong sa kanya.
"See this? Check this papers." Utos niya sakin saka niya nilapag yung mga papel sa coffee table.
"Okay po sir.." Tamad kong sagot saka ko dinampot yung mga papel at naglakad palapit sa pinto.
"Where are you going?" Nakataas yung kilay ni sir Jay.
"Pabalik po sa room sir.." Sagot ko sa kanya.
"Dito mo yan gagawin. Do it now." Nakatutok lang siya sa laptop niya habang sinasabi yun.
"Pero sir.. May klase po ako.." Paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...