Dinner Date

3.8K 84 2
                                    

Sabay-sabay kami nila Cathy lumabas ng room nang naguwian na. Laking pasalamat ko dahil mabilis nila akong niyayang umuwi, di ko na nakita kung anong ginagawa ni mokong.

Habang naglalakad ay todo tanong sila saakin.

"Pangs! Ano? Mabait ba sya? Pano kayo nagkausap? Bat sya nagpuntang clinic? Close na ba talaga kayo? Pano mo in-approach??" Pangungulit nila saakin.

"Wait nga mga panget. First of all, HINDI kami close at hindi ko siya in-approach! At hindi sa sinisiraan ko sya ha pero hindi sya mabait. Kinailangan ko lang sya samahan sa clinic dahil new student sya, hindi nya alam kung paano pumunta dun, parang tanga lang di ba?" Seryosong sabi ko pero wala silang pakialam sa paninira ko kay mokong.

"Hala kawawa naman sya, anong sakit nya pangs?" Awang awa na tanong ni Nina.

"Sana pala hindi na ako pumunta ng canteen para ako nalang sumama sa kanya" panghihinayang ni Cathy.

Sa buong paguusap namin ay si mokong lang ang topic nilang dalawa, kaya rinding rindi ako sakanila.

"Movie tayo sa bahay!" Yaya ni Cathy nang matapos namin kainin ang Siomai na inorder namin sa tindahan sa tapat ng school.

Buti nalang nag change topic na sila kala ko forever mokong na ang lalabas sa bibig nila.

"Ay pangs hindi ako pwede kasi magkikita kami ni daddy ngayon. Susunduin nya ako." Sagot ko.

"Ay sayang naman pangs may mga bagong CD pa naman ako." Ani ni Cathy at tumango naman si Nina bilang pagsangayon.

"Bukas nalang mga panget! Ako bahala sa food!" Bawi kong sagot sa kanila at agad naman silang sumang ayon.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil dumating na din ang sundo ni Cathy. Isang puting Fortuner ang sundo ni Cathy, driver nila ang sumundo sa kanya, sinabay na niya si Nina dahil sa iisang village lang naman sila nakatira.

Bumalik ako sa school at umupo sa bench malapit sa waiting area. Dito ko na lang aantayin si Dad para makita ko sya agad. Naglaro nalang ako ng games sa iphone 5 ko para malibang.

Habang iniikot ang mata sa paligid para tingnan kung andyan na ba si daddy ay maling tao ang nahagilap ng mga mata ko. Si mokong kasama ang sikat na grupo sa aming paaralan. Sikat ang grupo na yun dahil pasaway pero di maikakaila na talentado din sila lalo na sa pagsasayaw, at sa sports. Halos lahat sila ay may itsura na angat sa iba pero yung kay mokong, angat na angat sa kanilang lahat. Kaya siguro nila ito kinaibigan o baka naman si mokong ang kapal muks na nakipagkaibigan sa kanila.

Well I don't care! _φ( ̄ー ̄ )

Nilipat ko ang tingin ko sa ibang direksyon kasi napansin ko na kinakausap ni Rick si mokong tapos parang nakatingin pa sila saakin. Ayokong mag-assume pero ramdam ko, ako yung pinaguusapan nila. Hindi na ako tumingin pa ulit sa kung saan sila naroon at nag patuloy nalang sa paglalaro ng games sa phone.

Asan na kaya si daddy? =(

Ilang sandali pa ay may pumarada nang BMW sa harap ko at agad na akong tumayo.

"Sorry baby girl, daddy's late" sabi nya sabay halik sa noo ko pagkasakay ko sa sasakyan.

"O dad alam mo na kung kanino ko namana ang pagiging late ha?" Sabay tumawa ako ng malakas habang inaayos ang seatbelt.

"Loko ka talaga Aj. Yan naman ang namana mo sa mommy mo" tumawa din sya at pinaandar na ang sasakyan.

Alam ko na kaya niya nasabi yun ay dahil makulit si mommy, parang si daddy pero mas seryoso sya dito lalo na pag seryoso ang sitwasyon..ayaw na nya ng joke. Lagi pang busy si mommy sa work nya dahil pinupush nya ang kanyang promotion. Si daddy naman ay may business, ayaw ni mommy makialam doon dahil sa kasabihan na pangit daw pag mag-asawa ang nagpapaandar ng negosyo.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon