A Love Untold

3K 61 10
                                    

Ilang araw nang absent si mokong kaya sobrang nagui-guilty pa rin ako, kaso hindi ko naman siya magawang puntahan sa kanila kasi baka isipin niya namimihasa ako tapos isipin pa niya na concerned ako sa kanya.. Nooo!

Isa lang din ang dahilan kung bakit ako masaya ngayong araw na to... And it's because today is Friday!! Plus may usapan pa kami nila pangs na magmall today after class.. Yasss!

Pero bago ang lahat kailangan ko muna magfocus sa seatwork ko ngayon.. Math ang subject namin kaya siguro lumilipad yung utak ko.

Babasahin ko na sana for the 7th time yung question na hindi ko maintindihan kaso bigla akong tinawag nung professor namin si mam Dollores...

"Ms. Go" ani niya,

"Yes mam?" Nagtataka kong tanong, hindi naman ako nangongopya ah, baka nakita niyang nagdday dream ako??

"Sir Jay wants to talk to you in his office right now." Ikinagulat ko yung sinabi niya.

"Ngayon na talaga mam? How about the seatwork?" Tanong ko.

"It's fine, you're excused." Pagpapahiwatig niya na dapat nakong umalis ng room.

Wala akong nagawa kundi sumunod..

Araw araw akong pinapapunta ni sir Jay sa office niya, kahit minsan walang sense yung mga pinagsasabi niya kung bakit niya ako pinapatawag. Sa totoo lang naiinis nako.. Hindi niya matanggap yung reason na kaya ko dinala yung phone ko ay dahil kailangan kong kontakin si mommy after class that day, though gawa gawa ko lang yun.. Pero napaka unfair talaga, first offense palang naman eh :(

Kumatok ako sa pintuan ng office niya.

"Come in Aj,"

"Good morning sir! Bakit niyo po pala ako pinatawag?"

"Umupo ka muna dito tapos sasabihin ko sayo." Sabi niya habang tinatapik yung natitirang space sa wooden sofa sa loob ng office niya, doon din siya nakaupo.

"Ay okay lang sir, babalik din po kasi ako agad sa room kasi may seatwork po-" hindi na niya ako pinatapos,

"I know Aj, kaya nga inexcuse kita kay mam Dollores eh" sabi niya habang nakasmirk, parang alam na alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko sa room.

"Sige na, umupo kana. Mejo mahaba yung sasabihin ko sayo, ayoko naman nangangalay yung assistant ko." Dagdag niya pa.

Tamad akong naglakad palapit sa kanya at umupo sa tabi niya, umusog ako ng konti palayo sa kanya pero siya naman umusog papalapit sakin.

Ang nakakakilabot pa, pinosition niya yung kamay niya na parang nakaakbay sakin pero sa sandalan ng sofa nakapatong.

"Ganito kasi yun Aj.. Magkakaroon ako ng program para sa mga third year students. Outreach program yun na sila yung maghahandle. For sure magiging busy lahat lalo na ako dahil madaming aasikasuhin before, during and after the event. So gusto kong sumama ka bilang, assistant ko." Napanganga ako sa sinabi niya, seryoso ba siya?

"Sir pero higher level naman po yung maghahandle, so kaya naman po siguro nila yun and for sure po makakakuha rin po kayo ng assistant sa batch nila like yung isa ko pong kamember sa student council.. Si ano po -" hindi nanaman niya ako pinatapos.

"No Aj.. It will be you because I trust you." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Unti unti kong binawi yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya,

Natauhan naman siya at binawi din yung kamay niya nung naramdaman niyang na awkward ako sa kanya.

"Tsaka maganda naman yung program eh, maeenjoy mo yun dahil marami tayong matutulungan." Sabi niya tapos tumayo siya at naglakad lakad sa office niya.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon