"You must be here before 7 a.m. Okay? Ikaw ang hahawak ng attendance sheet and ikaw din yung magoobserve sa mga students kung ginagawa ba nila yung acivity nang tama." Sabi sakin ni sir Jay.
Habang yung iba ay pinapaseat work niya, ako naman ay kinakausap niya sa may corridor sa tapat ng room namin.
"Nakauniform po ba sir?" Tanong ko sa kanya.
"Mag white shirt ka lang and black pants, tapos magdala ka na din ng extra shirt.. Baka pagpawisan ka sa activity na yun." Nakangiti naman niyang sabi tapos tinapik tapik niya pa ako sa balikat.
Tumango ako bilang sagot tsaka ko siya tinalikuran para makabalik na sa room.
"Aj," tawag niya sakin.
"Yes po sir?"
"Can I have your number? Para maupdate kita later kung may changes sa plans." Nakatitig lang ako sa kanya.
"How about yung telephone number namin sir?" Sagot ko naman, umaasang wag na niyang guluhin pati private life ko.
"Well it would be better kung cellphone number, hindi naman ako lagi malapit sa telephone." Pagdadahilan niya.
"Okay sir.." Tamad kong sagot, alam ko namang hindi siya magpapatalo.
Pumasok siya loob ng room namin at agad ko siyang sinundan. Pagpasok ko nakatingin sakin sila pangs at yung iba naming classmate na girls. Inikot ko yung mata ko sa kanilang lahat. May nakita akong mga mata na sobrang lalim ang tingin samin ni sir Jay... Mga mata ni mokong. Agad akong nagiwas ng tingin sa kanya.
Tinuro ni sir Jay yung isang maliit na notebook niya, doon ko daw dapat isulat yung number ko, pero hindi siya nagsalita, sumenyas lang siya na doon ko isulat.
Nang magbreak time ay agad lumapit sakin sila pangs.
"Pangs, ano nanaman yun?" Tanong sakin ni Cathy.
"Wala pangs, may sinabi lang siya about dun sa program na kasama ako.. Tapos kinuha niya rin yung... Yung number ko.." Tamad kong sagot.
"What?!" Sigaw ni Nina.
"Tapos binigay mo naman pangs" sabi ni Cathy.
Tumango ako bilang sagot pero hindi ako nakatingin sa kanila.
"Ouch!" Sigaw ko pagkatapos akong batukan ni Nina.
"Nahihibang kana bang panget ka?" Dagdag niya pa,
"Wala naman akong choice pangs eh, hindi naman yun nagpapatalo.." Malungkot kong sagot.
"That stupid jerk!" Nagclench ng fist si Nina habang sinasabi yun. After nun ay hinug nila akong dalawa..
Pero habang sobrang higpit ng yakap nila sakin ay nakita ko si mokong naglalakad palabas ng room namin. Hindi ko pa siya nakakausap simula nung Saturday and hindi ko na rin pala nareplyan yung last text message niya!
"Eron!" Agad napabitaw sila pangs sa ginawa ko. Ginrab ko na yung chance na yun para makatayo at makalad palapit sa kanya.
Tumigil siya Sa paglalakad at hinarap ako.
"Yung about sa-" hindi niya ako pinatapos sa halos pabulong kong pagsasalita.
"Why? Miss mo na ako?" Sabi niya sabay ngiti...
"You wish!" Sabi ko pero pabulong pa din tapos sinenyasan ko siya na hinaan yung boses niya kasi alam kong nakatingin samin sila pangs. Napangiti lang siya sa ginawa ko at hindi man lang sinunod yung favor ko na hinaan yung boses niya. :(
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...