Nang sumunod na linggo pagpasok ko ay saya ang aking nadama nang makita kong okay si mokong.. Masaya siya kausap sila Rick.. Mukang naging maayos naman pala yung paguusap nila, sobra pa naman akong naparanoid nung weekend.. Buti nalang lumabas na yung bagong season ng The Walking Dead, nabaling dun yung atensyon ko dahil sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan. :'((Si baby Glenn ko.. Huhuhu (cast ng The Walking Dead)
Pumasok kami sa room after ng flag ceremony. Wala pa naman si sir Jay kaya mejo magulo pa sa room. Kausap ko si Nina tapos naisip kong silipin yung assignment na ginawa ko, baka kasi may mali dahil hindi kami pareho ng sagot ni Nina.
Pagkaupo ko ay agad kong binuklat yung notebook ko..
Hmm... Tama naman..
Siguro may mali yung kay Nina kaya naisip kong lapitan siya uli para idouble check pero tatayo palang ako ay nakita kong naglalakad palapit sa pwesto ko si mokong. Kausap niya sila Jeron pero iniwan niya itong nakangiti at naglakad palapit.
Mangaasar nanaman siguro to, o di kaya magtatanaong tungkol sa assignment..
Tinaasan ko na siya ng kilay bago pa siya makalapit pero..hindi ata siya sakin nakatingin..
Nanlaki nalang yung mata ko nang tumigil siya sa harap nung isa kong babaeng kaklase.. Si Rosella..
May kung anong kirot akong nadama nang ngitian niya ito. Gusto kong magiwas mg tingin pero yung mga mata ko ay parang napako na sa kanilang dalawa.
"Hi! Eron nga pala ulit." Ngiti ni mokong dun sa babae.
"Rosella din ulit.. Akala ko hindi mo na ako papansinin." Ngiti naman ni Rosella tapos nagkamay pa sila.
Lumalalim bawat paghinga ko. Ano ba to!! Ayoko ng gantong pakiramdam!! Sinubukan kong tumingin sa iba pero bumalik nanaman sa kanila yung tingin ko nang umupo si mokong sa tabi ni Rosella.
Kahit nahihiya pa sila sa isa't isa ay parang pakiramdam ko merong something na nangyayari..at ewan ko ba! Kklase naman namin si Rosella kaya posible naman na magusap sila eh.. Pero kasi, alam kong nilalapit nila Jeron si Rosella sa kanya kaya..kaya hindi maganda tong nararamdaman ko.
"Pangs! Mali nga ako!!" Sigaw sakin ni Nina. Agad akong lumingon sa kanya para hindi mahalata yung pagmamasid ko kila mokong.
Lumapit ako kay Nina dala yung notebook ko, tinuruan ko siya pero yung mga mata ko ay nasa ibang direksyon.
Nagtatawanan naman sila ngayon?! Agad agad close na sila??! Ugh!!!>(
Buti nalang dumating na yung first prof namin kaya kinailangan umalis ni mokong sa tabi ni Rosella para bumalik sa upuan niya.
Buti nga. Grrr
Nang magbreak time ay agad dumating si Rick para sunduin ako. Tumayo ako agad at niyaya din si Nina. Kailangan kong kumain dahil nawala yung lakas ko sa mga nangyari kanina.
"Rosella, sabay ka na sakin." Biglang may nagsalita sa likod ko banda. Asa may tapat na kasi ako ng pintuan at palabas na ng room.
Shit..wag niyong sabihing boses ni mokong yun?!!
"Sure!" Masayang sagot naman ni Rosella.
Pinilit kong lumingon.
At parang naging slowmo ang paligid nang daanan lang ako ni mokong. Kasabay niyang naglakad si Rosella at nakahawak pa ito sa likod niya para alalayan siya palabas.
Dumaan siya sa gilid ko na parang wala siyang nakikitang Aj.. As in wala..
Bumalik ako sa upuan ko tapos kunyari ay may kinuha ako, para naman hindi ako mapahiya.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...