Music on; World off

2.2K 56 6
                                    

"Every after dismissal, sa bahay namin tayo lagi. Except pagfriday, pati pag weekends dapat andito ka para mas mapaganda natin yung project."

Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto ni mokong, siya daw nanalo sa pustahan eh.. Minsan naiisip ko parang ang daya na, lalo na yung weekends ko na dapat asa bahay lang ako kukunin niya pa? Pero para naman sa project kaya okay na rin siguro yun..


Friday morning dahil hindi naman kami magkikita ni mokong para sa project ay naisip kong bumawi kay Chris dahil sa nangyari kahapon. Nang mag break time ay pinuntahan ko siya sa room nila.

"Chris!" Nakita ko siyang kausap yung mga lalaki niyang kaibigan, mga sikat din yung kasama niyang third year students..kaya hindi nako nagtaka kung naging matunog din yung pangalan ni Chris sa school.

Siniko siya ng mga kaibigan niya at nginisian nang makita nila akong nakatayo sa labas ng room nila.

"Oh Aj!" Sigaw ni Chris tapos napalingon din yung iba niyang kklase sa akin.

Agad siyang naglakad palabas ng classroom nila.

"You miss me?" Ngiti niya tapos hinampas ko ng bahagy yung braso niya at nginitian din siya.

"Labas tayo mamaya.." Nakangiti kong sabi.

"Really? Hindi ka na ba ginugulo nung mokong na yun?" Sagot niya sakin.

Natawa ako pagkarinig ko nung mokong na word, yun din pala yung tingin niya kay mokong.. XD

"Hindi niya ako ginugulo Chris, may project lang talaga kami.. So ano? Mamaya?" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Gusto ko sana kaso baka malate ako ng uwi kasi may tune-up game kami mamaya sa basketball." Sagot niya sakin tapos nagpout siya..

"No it's okay, uuwi nalang muna ako tapos I'll text you nalang..dun tayo sa Venice plaza kumain, may nakainan kaming restaurant dun nila pangs gusto ko uli itry." Nakangiti kong sagot.

"That would be great!! Mukang gaganahan akong maglaro ng basketball mamaya kasi makakasama kita after.." Nakangiti niyang sabi sakin..

"Loko ka talaga Chris.. So sige, mamaya nalang ha?" Sabi ko after ko siyang hampasin ulit ng bahagya.

"Wait, aalis kana? Let's eat muna.." Nakapout niyang sabi sakin.

"Tapos na ako, mamaya na ulit okay?" Sabi ko tapos kinurot ko yung ilong niyang napakatangos.. Hindi pa talaga ako kumakain, nahihiya lang ako sa mga kklase niya, kanina pa kasi kami tinitingnan.

After nun ay tinalikuran ko na siya at naglakad palayo, nakakailang steps palang ako ay nilingon ko siya uli.. Nakita ko nalang tumakbo yung mga kasamahan niya papunta sa kanya tapos parang inaasar ata siya, nakatingin din sila sakin kaya binilisan ko yung lakad ko..

"Ms. Go,"

Pababa palang ako ng hagdan ay nakita ko na si sir Jay na umaakyat kaya tumalikod ako agad para makaliko sa kabilang hallway pero huli na ang lahat, napansin niya parin ako..

"Good afternoon po sir." Humarap ako sa kanya, nang matapos niya yung steps ng hagdan ay saka siya nagsalita uli.

"What are you doing here?" Tanong niya sakin.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon