This is it! Today is the day! I mean, the night pala.. Sunday night kasi kami aalis sa Manila para pumuntang Baguio, 12 midnight para 5 or 6 a.m. ay nasa Baguio na kami.Wala akong kasama ngayon sa bahay, bukas pa kasi ng hapon dating nila dad and mom. Akala din ni dad na magpapasundo ako kay Chris kaya kampante siya..pero ang totoo niyan, hindi naman talaga ako nagpasundo kay Chris.. Magtataxi lang ako..
Hinakot ko lahat ng gamit ko, dalawang bags lang naman tapos isang maliit na bodybag. Lumabas ako at nilock ang gate. Mejo kinabahan ako sa paligid dahil sobrang tahimik tapos wala na talagang katao-tao.. Inaabangan ko na lang yung mga nagrorondang guard para mawala yung kaba ko pero hanggang ngayon wala parin sila.. Nagsimula akong maglakad dala dala yung nga gamit ko.. Malamang sa Venice plaza pa ako makakuha ng taxi o kung hindi naman, sa labas pa ng village. Ugh.. :(
Naiisip ko tuloy kung bakit hindi ako nagpasundo kay Chris..:(
Nakakailang hakbang palang ako nang maramdaman kong parang may nakatingin sakin. Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala akong nakitang tao. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Napacreepy naman pala kasi dito samin pag gabi, pano kasi ang tataas ng walls ng bawat bahay kaya wala kang ibang makikita kundi gate, halaman, at poste ng ilaw.
Naglakad nanaman ako at mga ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nakarinig ako ng yapak. Nagsimula nanaman yung kaba ko. Nung tumigil ako sa paglalakad ay nawala yung tunog ng yapak, kaya naisip ko baka guni guni ko lang yun dahil sa kakanuod ng horror movies. Huminga ako ng malalim at naglakad uli pero sa pagkakataong ito may yapak nanaman akong narinig tapos mas lumakas pa! Hindi na ako pwedeng magkamali, yapak talaga ng tao yung naririnig ko. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko kung saan ko naririnig yung mga yapak.
Laking gulat ko nang may isang matangkad na lalaki ang nakatayo hindi kalayuan sa likuran ko. Hinarap ko siya ng buo at nanginginig ako sa takot. Madilim kasi yung mukha niya dahil nakatalikod siya sa poste ng ilaw.
Nakita kong lumalapit siya sakin.
Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagsimula akong magdasal.
Pero parang walang epekto dahil patuloy parin siya sa paglapit. Hanggang sa mas bumilis yung lakad niya, unti unti akong napaatras. Atras ako ng atras pero parang kahit konti ay hindi ako nakakalayo sa kanya, hanggang sa umabot siya papunta sakin at saka inangat ang mga kamay niya para hablutin ako.
"Aaaaaaaaaaaaah!!!!!!!" Napapikit ako at naibagsak ko yung mga gamit ko. Sumigaw ako ng sobrang lakas pero agad niyang tinakpan yung bibig ko. Nakatakip yung kaliwang kamay niya sa bibig ko sa mantalang yung kanang kamay naman ay nakapalupot sa katawan ko para hindi ako makagalaw.
Nagpumiglas ako pero ang lakas niya! Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Naiiyak nako dahil pakiramdam ko katapusan ko na.
"Aj..Aj.." Nagaalalang bulong nung lalaki.
Kilala niya ako?
"Aj.. Wag kang sisigaw." Dahan dahan akong tumango para linlangin siya pero ang nasaisip ko ay tatakbo agad ako ng mabilis kapag pinakawalan niya ako. Bahala na yung mga gamit ko, kunin na niya kung gusto niya.
Dahan dahan niya akong pinakawalan at pagkalis palang niya ng kamay niya sa katawan ko ay agad akong tumakbo.
"Hey!" Sigaw niya at agad din siyang tumakbo.
Namalayan ko nalang nakayap na siya uli sakin.
"Let me go!!! Aaaaah!! Help! He-" tinakpan niya uli yung bibig ko.
"Aj! It's me!! Stop shouting!!" Pabulong na sigaw sakin nung lalaki.
Dahan dahan kong tingnan yung mukha niya.
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...