"Okay class, answer page 24." Sabi nung professor namin sa math, si ma'am Earl short for Earlinda Sungit.Ilang linggo palang ang nakakalipas nung pumasok ako pero eto, tutok na tutok na kami sa pag-aaral. Buti nalang sinisipag ako..siguro kasi hindi gaya dati, mas magaan na yung pakiramdam ko ngayon.. :>
Pano ba naman kasi, pinapansin na niya ako na parang gaya ng dati.. Hindi nga lang ganun kadalas pero para sakin sapat na sapat na yun.. Nafeel ko bigla na small things matter talaga..
Malapit nang matapos yung tinakdang oras ng prof namin nang ipasa ko yung papel ko. On the spot, nagcheck agad si ma'am Earl tapos maya maya pa ay isa isa na niya sinabi yung score namin.
Kinabahan kaming lahat.. Hindi na maipinta yung mukha ng iba. :\
"Aj, 50/50" tamad niyang sabi tapos saka nagpalakpakan yung mga kaklase ko.
Agad gumuhit yung ngiti saking mga labi.
Himala ata yun ah? Hindi ko naman talaga sigurado yung mga sagot ko eh..
Yung iba kong kklase ayaw nang ipasabi yung scores nila.. Alam niyo na kung bakit..
"Eron? Lumapit ka nga dito!" Sigaw nung prof namin..mejo uminit yung ulo niya.. Halos lahat ay nakalingon kay mokong na tamad naglakad papunta sa prof namin.
Sinusubukan naming makinig sa sinasabi ni ma'am Earl pero pabulong niya lang kinausap si mokong. Ang nakita ko lang ay ang nakakunot na noo ni ma'am at ang pagwagayway niya ng papel ni mokong.
Natahimik kaming lahat. Yung iba naman nagbubulong bulungan.
"Aj, come here." Biglang nabaling sakin yung tingin ng mga kklase ko nang marinig nila na tinawag ako ng masungit naming prof.
"Ma'am?" Sabi ko habang tumatayo.
Shet..bakit ako nadamay dito? Nangopya ba siya sakin? Parehas ba kami ng score? Pero ang layo naman niya sakin ah? At Sigurado naman akong hindi ako nangopya sakanya!:(
"Mamaya turuan mo siya kung paano gawin yung seatwork. Ipaliwanag mo sa kanya yung naging sagot mo okay?" Tamad na sabi sakin nung prof nang makalapit ako.
Nakangiti lang sakin si mokong kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Ako ma'am?" Tinuro ko pa yung sarili ko.
Lumingon sa kaliwa't kanan yung prof namin.
"May iba pa ba akong kausap?" Sarakastikong sagot niya sakin.
Muntik nang matawa si mokong kaya inapakan ko yung sapatos niya! Bwisit na yan.
"Okay po mam.." Sagot ko sa kanya.
"Bukas, tatanungin kita Eron..kapag wala ka paring nasagot at zero ang ipapakita mo saking score uulitin ni Aj yung pagtuturo niya sayo. Ako gusto ko, ako mismo yung magturo sayo but unfortunately, I'm a busy person and it's your responsibility na magaral. Pero tutal naman perfect ang nakuha mo Aj, magsacrifice kana muna para jan sa kaklase mo." Mahabang paliwanag nung prof namin.
Wala akong ginawa kundi ang tingnan siya, walang reaksyon sa mukha ko.
"Bakit? May gagawin ka ba after class?" Nakataas na kilay na tanong sakin nung prof.
Agad akong umiling iling.
"Wala po ma'am.." Sagot ko.
"Yun naman pala eh. Osige you may take your seats." Tamad niyang sagot sakin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi.. Oo gusto ko siyang makasama pero..ayokong magtutor huhuh tapos math pa! -.-
***
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
Teen FictionBakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong puso, ay gusto mo pa ng higit sa meron ka. As for Aurora June, hindi sapat para sa kanya ang "muntik" na pag-ibig. Lintik lang dahil sa toto...