Doomed

1.9K 64 27
                                    


After ng ilang araw na pag-gagala sa Japan ay hinanda ko na yung sarili ko para sa pagbalik sa Pinas at pagpasok uli sa school. Third year na kami kaya for sure mas mabigat na yung mga gawain. Konting push nalang din at ggraduate na kami. Though it will be a little different this year, wala na kasi si Chris sa school dahil graduate na siya. Kaya first day palang, kitang kita ko na yung lungkot sa mukha ni Nina.

Hindi naman kami nawala sa tabi niya para icomfort siya.. Yun nga lang, hindi palagi dahil hindi kami magkakaklase this year. Tatlo yung section ng Third year and unfortunately, nahati kaming tatlo dun.

Isa lang naman ang nagpasaya sakin.. Kasama ko nanaman uli si mokong.. Bigla ko tuloy naisip na, baka meant to be talaga kaming dalawa.. :">

Siya yung nagsundo sakin sa bahay dahil sinabi niyang miss na miss na niya ako and umaga palang ay gusto na niya akong makasama. Sabay kaming pumasok na agad namang nakita nila Rick kaya agad hindi naging maganda yung mood ni Rick.. Hindi naman yun bago dahil yun naman lagi yung nangyayari kapag nakikita niyang magkasama kami ni mokong eh..

Isa pa palang good news, hindi ko na rin kklase si Rosella.. I'm free from her kaartehan.. Salamat naman.. Yun nga lang, si sir Jay nanaman yung adviser ng section na napuntahan ko. Ugh. -.-

Naging tahimik at mapayapa ang mga unang araw ko sa school. Ang masasabi ko lang ay mas tumindi yung tensyon sa pagitan ni Rick at mokong. Mas naging maeffort din si Rick, simula nung second day lagi na niya akong binibigyan ng isang pirasong rose..walang mintis, as in araw-araw talaga.. Pero napansin kong laging sumasama sa kanya si Rosella kapag malayo siya sakin.. Ayoko sanang isipin pero sana naman walang ginagawang masama si Rosella.. Iba kasi talaga yung pagtingin niya sakin saka kay Rick sa tuwing nagkikita-kita kami kapag break time eh.. Mas naging madikit din siya maski kila Shane kaya binura ko nalang yung kutob ko, siguro gusto niya lang talaga makipag-friend sa kanila.

Isang araw habang pauwi kami ay nakita ni Rick na hawak hawak ni mokong yung rose na binigay niya sakin. Pinahawak ko lang naman yun sa kanya dahil may kukunin ako sa bag ko eh.. Pero agad nag-init yung ulo ni Rick at sinugod si mokong. Mabuti nalang at nandun sila Brix para pigilan siya. Nainis nanaman ako sa kanilang dalawa, kahit si Rick yung laging naguumpisa ay nadadamay na si mokong sa inis ko, baka kasi dahil sa ginagawa nila ay mapagalitan pa kaming tatlo at masuspend. Bawal na bawal sa school ang makipagsuntukan lalo na sa loob pa mismo ng school. Umalis ako at nagtaxi nalang pauwi para makapag palamig ng ulo.

Walang text si mokong sakin kinagabihan. Tanging si Rick lang at humihingi siya ng tawad. Gustong gusto ko nang itext or tawagan si mokong pero inatake ako ng pride ko at hindi yun ginawa. Sa kakaantay ng text niya ay nakatulog nalang ako.

Kinabukasan naman, wala pa rin siyang maski isang text sakin.. Tapos hindi niya rin ako sinundo sa bahay.. 5 minutes nalang ay malalate na ako kaya hindi ko na pinagpatuloy yung pag abang sa kanya sa may kanto ng street namin at pumara nalang ako ng taxi.

Isa ako sa mga naglead ng flag ceremony kaya huli akong nakabalik sa room. Asa may pintuan pa lang ako pero upuan na agad ni mokong yung hinanap ko. Nandun na siya!! Ngumiti ako pero nagiwas ako ng tingin. Nagtatampo pa rin ako noh! Hindi na nga siya nagtext, hindi pa siya nagsundo!

Umupo ako sa upuan ko at saka tumingin sa labas. Ilang saglit pa ay naramdaman ko yung paglapit niya at ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Baby girl.. Sorry kung hindi kita nasundo.." Malambing niyang sinabi sakin.

Dahan dahan ko siyang nilingon para pagalitan pero laking gulat ko nang makita ko yung mukha niya. May bandage siya sa may bandang cheeks, may pasa malapit sa mata, may sugat sa may bandang lips.. Muka siyang bugbog sarado..

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon