CHAPTER》3

11K 371 26
                                    

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiing*

Oh please inaantok pa ako.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Waaa...mamaya na please five minutes lang..

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Alarm clock. Wala ka bang manners? Natutulog pa yung tao eh..

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Agh. Maturuan nga paminsan-minsan itong alarm clock kong pano gamitin ang manners..

*Tok tok tok tok*

"Miss eumee! Kakain na raw..."


Mabilis pa sa alas kwatro ang pagdilat ng aking mata. Kakain na raw? tika lang. Sumulyap ako sa gilid ng aking kama ohmygosh.. 7:30? Huhuhu alas otso magsisimula na ang klase. Dali-dali akong tumayo sa kama. Nagtungo agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang kulay bughaw kong uniporme. Nanunuod ba kayo ng Sakura? eh ganon ang uniporme namin. Isang long sleeve hanggang siko habang may malaking ribbon sa leeg. Kulay bughaw na palda hanggang tuhod. Alam nyo kong anong itsura ko ngayon? hehehe cute, para mas madali. Ayaw ko ng ipaliwanag sainyo kasi baka hindi pa kayo maniniwala kong sasabihin ko sainyo na sobrang ganda ko hahaha.

"Eumee naghihintay na ang moma mo.." Dali-dali kong binuksan ang pintoan at bumungad sakin si yaya magna na nakapamewang."Ang bagal-bagal mo naman bata ka.." Sermon ni yaya.

"Hehehe" Tanging nasagot ko saka bumaba agad. Dumiretso na ako sa dinning area, mag-isang kumakain si moma habang may binabasang magazine sa isang kamay."Moma, goodmorning po.." Lumapit ako sa kanya saka ako humalik sa kanyang pisnge.

"Anong oras na?" Taas kilay niya sakin. Sumulyap ako sa palapulsohan niya at may suot naman itong relo. Hayy naku moma, minsan kasi ay tinatamad tignan ang kanyang relo.

"7:30 nong nagising ako. Limang minuto akong naligo, tapos Dalawang minuto naman akong nagbihis. Pagbaba ko dito ay mga sampong segundo at mukhang late na ako hehehe.." Diretsahan ko kaya agad syang nag-taas ng kilay.

"Oo late ka na tapos nagagawa mo pang tumawa?" Bulyaw niya sakin kaya agad akong sumimangot. Siguro ay dinatnan ulit si moma kaya bigla-bigla nalang nagagalit.

"Hehehe.. Sige po alis na po ako.." Tumayo ako saka humalik sa kanya ulit.

"Hindi ka kakain?" Mahinahon niyang tanong. Umiling ako agad!

"Hindi na po, late na po ako moma hehehe babyee." Dali-dali akong lumabas ng dinning area. Bagsak ang magkabila kong balikat sa gutom. Huhu pano kasi eh, mukhang may regla si moma kaya iiwas nalang ako. Naniniwala kasi ako sa kasabihang magbiro ka sa taong gising huwag lang sa nirereglang bading. Pss! Oo, tama kayo ng nabasa bading si moma. Bestfriend sya ni tita monica.

"Manong butsoy dumaan tayo sa jollibee please!.." Seryoso kong saad. Sumulyap sya mula sa rear mirror.

"Miss eumee, hindi po kayo kumain?" Tanong niya. Naku si manong talaga ang hina ng utak. Kaya nga dadaan dun dahil nagugutom ako huhu..

"Hindi manong, gusto ko lang silipin si Jollibee, baka kasi nanga-ngawit na ang kanyang paa sa kakatayo sa labas." Nakangiti kong sagot kaya narinig ko ang mahina niyang tawa. Tignan mo? tumatawa pa talaga eh seryoso ako dito.

Dumaan kami sa jollibee. Dali-dali akong lumabas ng kotse. Napahinto ako saglit sa gilid ng resto dahil sa nakatayong stunt ni jobee. Hehehe sinulyapan ko pa sya ng ilang ulit saka ko tinusuk-tusok ang kanyang tiyan..

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon