CHAPTER》59

7.3K 233 79
                                    

EUMEE point of View..

Bakit ganon?

Bakit ang sakit?

Hindi ko magawang tignan si Scire at Phobee na nag-uusap sa may garden. Pero hinihila talaga ako ng mata ko para silipin sila mula sa ibaba.

Nakakainis naman si 'tong si puso eh. Ayan tuloy nadamay ang mata ko at bigla nalang akong umiyak. Kanina pa ako nakatayo dito sa bintana habang sinisilip silang dalawa.

Hinalikan lang naman ni Phobee si Scire bakit biglang tumulo ang luha ko? Ikaw naman kasi luha wala namang nagbigay sayo ng permisyo na lumabas ka saking mata. Nakakainis ka! Ang sakit-sakit tuloy ng dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa nararamdaman ko. Ang sikip at ang hapdi ng puso ko. Ganito pala kasakit magmahal noh?

Humihikbi ako ng iyak. Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang pinapanunuod silang magkayakap. Parang nawawasak ang puso ko. Parang nawawalan ako ng ganang kumain.

Mariin akong pumikit! Ang sakit talaga eh.

"Kasalanan mo 'to puso eh, dinadamay mo pa ako ayan tuloy nasasaktan ako!" Sinuntok ko ang aking dibdib. Sana nalang pala ay kinalimutan ko nalang ang nararamdaman ko para kay Scire. Sana nalang pala ay sinunod ko nalang ang isip ko na iwasan at kalimutan sya.

Parang nag away-away ang iilang parte ng katawan ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.

PUSO: Mahal na mahal ko talaga sya!

UTAK: Oo, alam ko sobra pa nga diba?

PUSO: Alam mo pala eh, bakit hindi ka nalang umiwas.

UTAK: Kasi ayaw na kitang masaktan! Palagi nalang kasi ikaw ang nasusunod kaya hinayaan nalang kita. Dyan ka masaya diba?

STOMACH: Oo nga puso, pati ako wala ng laman. Hindi pa kumakain si Eumee.

LUNGS: Ako din, nahihirapan ng huminga sa kakaiyak ni Eumee ngayon.

PULSO: Basta, huwag nyo akong isali dyan. Kundi patay tayong lahat!

HEART: Pasensya na talaga guys huh? Ito talaga ang function ko eh. Ang magmahal!

Pumapatak parin ang luha ko! Kanina pa ako punas ng punas pero ayaw namang huminto, ewan ko sayo luha hahayaan nalang kitang tumulo dyan hanggan sa mapuno ka sa kwarto ko! Huhu.

*Tok tok tok*

Dali-dali kong inayos ang aking sarili ng makarinig ako ng ilang katok galing sa pintoan. Pinunasan ko ang huling botel ng aking luha. Dali-dali akong humarap sa likuran at bumungad sakin si Moma. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya sakin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na kinakabahan.

"Moma," Saad ko sa nginig na boses. Ang kanyang mata ay iginala niya sa kwarto ko. Tinignan niya ang iilang larawan sa desk, ang mga painting ni Ella na idinikit ko sa pader. At ang malaking larawan namin ni Popa. Lumingon sya sakin na walang ekspresyon ang mukha.

"Bakit kayo magkasama ni Scire?" Bagsak boses niya. Bahagya akong yumuko habang pinaglalaruan ang dulo ng aking kamay.

"Christmas ball kasi namin ngayon Moma. Inihatid lang ako ni Scire.." Sagot ko agad na ikinatitig niya. Nagbitaw ako ng hininga! Sa unang pagkakataon ay nagsinungaling ako sa kanya. Umupo sya sa kama ko habang hinimas-himas ang bahaging parte sa likod niya.

"Kumusta ang party?" Tanong niya ulit. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti ko saka dali-daling tumabi sa kanya.

"Alam mo Moma, ang gaganda ng mga suot nila. Tapos, ang daming dekorasyon mula sa christmas tree maging sa disco light!" Ngumisi sya sa sinabi ko. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil nakikita ko syang ngumingiti sa harap ko. Biglaan kaminng binalotan ng katahimikan.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon