EUMEE point of View..
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Phobee, ilang araw nadin akong hindi nag-papakita kay Scire. Palagi akong wala sa bahay at mas gusto ko pang tumambay sa puntod ni popa. Alam kong galit na galit na sakin si Phobee at moma kaya nahihiya akong humarap sa kanila! Ano ba ang dapat kong gawin? Nakakailang katok na ako sa kwarto ni Phobee pero hindi niya parin ako pinagbubuksan.
Nanatili akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Balik skwela nanaman kaya wala akong ganang pumasok. Ano kayang gagawin ko? Kakain? halos araw-araw na nga akong walang kain eh. Halos napabayan ko na ang sarili ko. Walang ganang kumain at lalo na't hindi ako bumababa para kumain. Nahihiya akong makasalubong si moma o kaya si Phobee.
*Knock knock*
Napalingon ako sa pintoan ng marinig ko ang iilang katok. Dahan-dahan iyong bumukas at tumambad sakin si yaya Magna. Bumangon ako saka umupo!
Tumabi sya sakin.
"Anak, ayaw mo bang pumasok?" Umiling ako bilang sagot. Hindi ko alam kong papasok ba ako dahil sa pagkakaalam ko ay kaklase ko si Phobee.
"Yaya ang sakit-sakit ng pisnge ko.." Isa-isang tumulo ang luha ko ngayon. Hindi ko mapigilang umiiyak. Ang hapdi at sakit saking magkabilang pisnge ay ramdam na ramdam ko pa. Tatlong sampal kay Phobee at isang sampal galing kay moma. Ibig sabihin, I LOVE YOU TOO!
Hinawakan ni yaya Magna ang pisnge ko. Hinimas niya 'yon.
"Anak, pano kayo mag-kakaayos ni Phobee kong panay iwas mo sa kanya? Pano kayo mag-kakausap niyan kong nagtatago ka lang dito sa kwarto mo." Napanguso ako sa sinabi ni yaya. Tila natamaan ako sa sinabi niya. Huhu! "Alam mo bang nandito kagabi si Scire at hinahanap ka! Hindi ko na sya pinapasok dito sa kwarto mo, dahil alam kong tulog kana. Na mimis ka ng tao anak.." Biglaang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni yaya. Nakakailang tawag at text na sakin ni Scire ay hindi ko magawang sagotin. Napasinghap ako bago sinulyapan si yaya.
"Yaya masama ba akong tao?" Nag-buntong hininga si yaya. Umusog sya palapit sakin habang hinimas-himas ang likod ko.
"H-hindi ka masamang tao anak. Ang bait-bait mong bata at alam kong hindi mo sinasadya ang lahat. Minahal mo lang si Scire at sa nakikita ko ay hindi masama 'yon. Walang mali sa pag-mamahal at mas lalong walang masama kong susundin mo ang puso mo, hanggat wala kang tinatapakan na tao." Natahimik ako sa sinabi ni yaya. Hinawi ko ang luha ko saka sya niyakap ng mahigpit. Pano kaya kong nakilala ko ang tunay kong magulang? pano kaya kong buhay pa sila ngayon. Mararamdaman ko siguro ang tunay na pag-aruga ng isang magulang.
Humiwalay ako sa yakap.
"Salamat yaya, maliligo muna ako saglit," Dali-dali akong tumayo saka tumungo sa banyo. Nilibang ko ang aking sarili sa tubig. Kaylangan kong kausapin si Phobee pati na si Scire. Kahit paulit-ulit pa akong mag-mamakaawa sa kanya ay gagawin ko 'yon. Ang gusto kong mang-yari ay mag-kaayos kami. kong ano man ang naiisip kong disesyon ngayon ay kaylangan kong panindigan.
Pagkatapos kong maligo ay dumirekta na ako sa ibaba. Bumungad sakin si yaya Magna na nag-hahanda ng pag-kain. Bumagsak ang magkabila kong balikat dahil wala si moma at maging si Phobee.
Lumapit ako sa kanya!.
"Yaya si Phobee?" Tanong ko. Dahan-dahan akong umupo sa highchair. Mas gusto ko pa dito kesa dinning area.
"Naunang pumasok anak..Pero nandyan na si manong Butsoy mo," Sagot niya na ikinanguso ko. Sa pagkakataong ito ay nawalan ulit ako ng ganang kumain. Pinag-lalaruan ko ang pag-kain gamit ang tinidor. Nakahalumbaba ako. Hindi niya ako hinintay para sabay kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...