(Dedicated to: @ASULDIBLUE )
Nakatitig parin sakin si morgan habang hawak niya parin ang braso ko. Kinakabahan ako sa binitawan niyang salita!
Hindi ko sya maintindihan, at hindi ko alam kong anong pinag-sasabi niya.
"Morgan, anong pinag-sasabi mo?" Binawi ko ang braso ko saka bahagyang umatras. Umigting ang panga niya sa galit!
"Eumee, bakit mo ginagawa ito?" Marahan syang pumikit!
"Ang ano? Wala naman akong ginagawa a-h!" Ano ba naman itong si morgan, tinatanong kong anong ginagawa ko eh! Nakatayo lang naman ako dito. Minsan nag bulag-bulagan eh. Lumapit sya sakin ng kaunti!
"Why don't you just be yourself!" Mahina pero may pagbabanta. Hindi ko sya maintindihan.
"Morgan," Saad ko kaya pumikit ulit sya. Kumalabog ang puso ko. Ang kanyang pilik mata ay mas lalo kong nasilayan dahil sa pa ulit-ulit niyang pag-pikit.
"Im sorry! Wala pala akong karapatang kwestyonin ka. Im sorry, Eumee." Hinawakan niya ang braso ko saka ako dahan-dahang tumango. Tika lang?
"Morgan, itigil muna ang kakanuod ng drama sa tv huh, kasi pati sakin ina'apply mo yang ka dramahan mo eh!" Natawa sya sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok ko ng ilang ulit. Tignan nyo na! Pati ang buhok kong nananahimik ay dinadamay niya pa.
"Uuwi kana? Ihahatid na kita." Agad akong umiling sa saad niya.
"Nandyan na si manong butsoy sa labas hinihintay ako." Eksplenasyon ko saka ito tumango.
"Sige, I have to go! Mag-iingat ka sa pag-uwi." Kumaway ako saka niya ako tuluyang iniwan. Napakapit ako ng mahigpit saking dibdib. Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Para akong mahihimatay sa bawat kalbug nito.
Suminghap ako ng ilang ulit! Muntikan na.
Inayos ko ang sarili ko saka bumaba na sa hagdanan. Nasa second floor kasi ang room namin!
Napahinto ako sa paglalakad ng biglaan akong tinawag ni ma'am Casim-siman. Hinahanap ng mata ko kong saan siya banda. OMG, kasama niya si Mr. Principal. Kinakabahan ako! Baka kasi mag sta'study kami ngayon eh, gutom pa naman ako huhu!
"Miss, Flores!" Napatuwid ako ng tayo. Nasa harap ko ang pinaka nirerespitong kataas-taasang tao sa university. Ang kanyang tindig ay kabaliktaran kong pano sya nirerespito. Sobrang pandak! Ang salamin niyang pang nerd at ang buhok niyang panot at pwede na yatang landinganan ng Airplaine.
"Goodafternoon Mr. Principal!" Nag bow ako ng ilang ulit sa harap niya.
"Miss Flores, we need you!" Nanlaki ang mata ko sa diretsahan niya. OMG! Bakit? Huwag mong sabihing palilinisin nila ako sa buong campus. Oh, No! Napasabunot ako sa buhok ko.
"Miss, Flores!" Bulyaw ni ma'am Casim-siman saka ako nag suma'lute. Ay mali! mali! Saka ko nilagay ang kanang kamay sa dibdib. (LUPANG HINIRANG) "What are you doing?" Bulyaw ulit ni ma'am.
"Im sorry ma'am!" Kinati ko ang batok ko sa kahihiyan. Nahihiya kasi ako kay Mr. Principal eh!
"Tss! Mr. Principal i think we need to tell her directly, baka aandar ulit ang topak ng batang ito." Sumimangot ako sa wika ni ma'am. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila.
"Miss Flores, Ikaw ang napili naming sumali bukas sa Tagisan ng talino. You have to prepared!" Napatakip ako ng bibig sa gulat. OMG! Ako? waaaaaa!
"Po," Gulat ko parin. Ang utak ko kailangang sumalang sa isang patimpalak? Wow ang astig!
"Miss Flores, no choice kami! Nag-kasakit ang isa sa pinakamatalino rin sa university. Kaya ikaw ang napili namin, total matalino ka naman diba?" Irap ni ma'am Casim-siman. Talaga? Ako matalino? Bakit hindi ko alam? Hehe!
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...