CHAPTER》45

6.3K 221 23
                                    

Nanatili parin akong nakaupo sa sahig. Pag-katapos niyang bog-bugin ang mga lalakeng 'yon ay nag-uunahan itong nagsitakbohan palabas ng gym. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nakatalikod ito habang kuyom ang magkabilang kamao. Hindi ko kayang gumalaw sa pagkakataong ito. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng galit.

Dahan-dahan syang lumingon sakin. Halos hindi ko sya makita dahil sa iilang botel ng pintora at putik na nasa buhok ko. Hindi ko mabasa kong anong ekspresyon ay meron sa mukha niya dahil blanko lang ito. Bahagya akong yumuko habang patuloy ang agus ng aking luha. Parang bumabalik ako sa sariling pag-iisip.

Naramdaman ko ang init nang awra niya sa balat ko. Inangat ko ang ulo ko at nasa harap na sya sakin. Igting panga niya akong tinititigan.

"Tumayo ka dyan.." Ma awtoridad niyang sabi. Tinignan ko lang syang bagsak ang magkabilang balikat. Hindi ko magawang tignan sya ng diretsahan sa mata. Ngayon alam ko na, galit ako! galit na galit ako sa kanya. "Sabing tumayo ka," Bulyaw niya. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Pano ako tatayo? Eh, ang bigat-bigat ng nararamdaman ko."Hoy, baboy naririnig mo ba ako? Ang sabi ko ay tumayo ka dyan.." Bulyaw niya sa iritasyong tono.

"Ayaw ko.." Mahinahon kong saad. Umiwas agad ako ng tingin. Sobrang sakit ng katawan ko, tapos patatayoin niya ako. Upakan ko kaya sya huhu.

"Anong gusto mo? Buhatin kita? Mas malaki ka pa nga sakin kaya huwag ka ng umambisyon na bubuhatin kita.." Inangat ko ang ulo ko saka sya sinamaan ng tingin. Nang giit ako sa galit. Hindi ko alam pero parang nag-iinit ang katawan ko. Marahan akong pumikit.

"Bakit, sino bang nagsabi sayo na buhatin mo ako? Oo, malaki ako at anong pakialam mo huh! Kong ayaw kong tumayo dito wala kang pakialam, kong gusto kong manatili dito, wala kang pakialam. Pwede ba Scire, huwag kang umakteng na naaawa dahil ito naman talaga ang gusto mo diba? Ito ang gusto mong mang-yari. Ang ma bully ako at mahirapan ako. Ano na?" Hindi ko namalayan na isa-isa nang tumulo ang luha ko sa sakit. Dahan-dahan akong tumayo kahit alam kong hindi ko kaya. "Masaya kana? Natutuwa kana dahil ito ang napala ko." Turo ko saking sarili. Halos hindi ko sya makita dahil sa patak ng aking mga luha ngayon. Humihikbi ako sa sakit na nararamdaman ko. Hinahayaan kong tumulo ang luha ko. "Congratulation, Scire. Ang galing mo. Sorry huh, ang tanga-tanga ko. Hindi ko naman sinasadyang sabihin sayo na mukha kang minions. Sana naisip mo rin na hindi ako nagagalit pag tinatawag mo akong baboy. Salamat, dahil first time kong maligo ng putik at pintora. Salamat dahil pina'experience mo sakin lahat ng 'to. Salamat!" Isa-isa kong hinawi ang mga luha ko sa pisnge. Sobrang bigat ng damdamin ko. Sa buong buhay ko ay ito ang unang pagkakataon na nasaktan ako ng todo. Ewan ko kong bakit. Nanatili syang nakatayo sa harap ko. Ang guhit ng kanyang mukha ay walang ekspresyon. Ang kanyang titig ay diretso sa mata ko.

Agad ko syang tinalikura. Nag pa ikang-ikang ako sa paglalakad dahil sa sakit ng buong katawan. Tumulo ulit ang luha ko na hindi ko alam kong bakit.

"Eumee, wait.." Napahinto ako. Humarap ako sa kanya!

"Bitawan mo ako!" Pagbabanta ko.

"Eumee, H-hindi.." Utal niya.

"Bitawan mo ako Scire.." Ulit ko sa iritasyong tono.

"Eumee, H-hindi.." Utal niya ulit.

"SABING BITAWAN MO AKO EH!" Ngayon ay sumigaw na ako sa galit. Hindi ko mapigilang magalit.

"Eumee, Hindi kita hawak.." OMG! Namilog ang mata ko. Binagsak ko ang mata ko sa kamay ko sa ibaba. Akala ko, OMG! nakakahiya. Akala ko ay hawak niya ako. 'Yon kasi ang nakikita ko sa mga palabas. Magagalit si girl tapos mag wa'walk out at agad naman syan hihilahin pabalik ni boy. Natahimik ako.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon