(A/N)
Hey Lovely readers Im really sorry sa mga bawat wrong typos ko sa ibang chapter. Tinatamad kasing basahin ni Author pagkatapos isulat hehehe. Pero nag papasalamat ako dahil sa malawakan nyong pag-iisip hehehe.
Enjoy Reading by the way.
"Hoy, baboy mag order kana.." Bulyaw nya sakin habang naka number four ito ng upo.
"E-h ano ba ang gusto mo?" Tanong ko kaya naging seryoso ang kanyang titig. Bahagya syang ngumiti mula sa gilid ng kanyang labi.
"Ikaw," Iwas tingin niya na ikinalaki ng mata ko. OMG! Bakit ang lakas ng kalbug ng puso ko. Kailan lang kumain ng tao si Scire?
"Ako?" Turo ko saking sarili. Naningkit ang mata niya."Scire, hindi ako pag-kain.." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Ngumiwi sya na para bang nandidiri sakin.
"Ang kapal ng mukha mo baboy, Ang sabi ko IKAW, ikaw kong anong gusto mo 'yon narin ang kakainin ko. Kadiri ka!" Bulyaw niya at agad nilagay sa magkabilang tenga ang headphone nito. Humalukip-kip ako. Hindi kasi kino'kompleto eh. Sumulyap ulit sya sakin. "Lakad na, ang bagal gutom na ako.." Bulyaw niya ulit.
Ang galing! Mag papalibre na nga, sya pa itong atat na atat. Nahiya naman ako sa utang niya sa mga lalakeng nangdukot sakin.
Pumila ako sa cafeteria. Nililingon ko pa si Scire. Ang daming nag papa cute sa kanyang mga babae, pero hindi niya ito pinapansin. Ang snobero talaga.
Tumitingin-tingin ako sa stunt. Hayy ano kaya ang gusto ko? Kasi sabi niya kong ano ang kakainin ko, 'yon narin ang kakainin niya. Aba, matindi itong si Scire. Puto maya gaya-gaya!
Umorder ako ng dalawang fries, dalawang humburger, dalawang sphagetti at dalawang slice ng marshmallow cake. At syempre 'yong paborito kong pineapple juice. Ayan, para sakin yan lahat. Syempre iba sa kanya.
Umorder ako ng inorder ko kanina, pero tig isa-isa hehe.
Nahihirapan akong bit-bitin ang tray patungo sa mesa. Nilapag ko ang tray sabay ng pag-angat ng pag kunot ng noo nito.
"Akin yan lahat?" Bulyaw niya ulit. Ang kapal talaga ng mukha oh.
"Hindi noh," Pinaghiwalay ko ang kanya at akin. Ayan! "Yan lang sayo." Nakapamewang ko. Umayos sya ng upo saka narin ako umupo sa kabilang upoan.
"Ito lang ang kakainin ko." Inabot niya ang isang cheeze burger at pineapple juice. Wow, nahiya naman ako! Nag papang-gap na nahihiya eh ang totoo gusto niyang angkinin lahat ng pag-kain.
"Bakit yan lang? Mabubusog ka ba niyan?" Tanong ko habang may spaghetti sa bibig. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi ako katulad mo. Patay gutom!" Ngiwi niya saka kinagat ang cheeze burger. Ngumuso ako!
"Edi sabi mo eh," Nguya ko. Ang arte talaga ng Scire na ito. Bawat kagat niya sa cheeze burger ay sobrang liit. Tinititigan ko sya ng mariin.
"Alam kong gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan." Saad niya saka ako sinulyapan. Sumandal sya sa upoan habang inikot-ikot ang can ng pine apple.
"Ka-si," Kagat labi ko.
"Kasi ano? May gusto ka sakin? May pa sulat-sulat ka pang nalalaman. Nakakadiri ka! Alam mo baboy hindi ikaw ang tipo ko kaya kalimutan mo na 'yang nararamdaman mo para sakin." Iritasyon niyang tono. Humalukip-kip ako.
"Hindi rin ikaw ang tipo ko noh!" Nagulat sya sa sagot ko. Hehe gusto ko lang kaya syang gayahin. Sumubo ulit ako ng spaghetti.
"Wow, hiyang-hiya naman ako sa malaki mong katawan. Ako pa talaga?" Natatawa niyang sabi. "Ako hindi mo tipo? E, sa gwapo kong ito ay may kaya kapang sabihing hindi ako ang tipo mo? Ang sexy mo naman pag ganon.." Halakhak niya. Halos na samin lahat ng atensyon ng mga studyante sa cafeteria. Totoo naman eh. Hindi sya ang tipo ko dahil hindi naman sya pag-kain. Loyal kaya ako kay foods. Bubusogin pa ako, at hindi pa ako sasaktan.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...