CHAPTER》70 The Finale 1:

7.1K 260 47
                                    



Dali-dali kaming pumasok ng school ng makarinig kami ng putok ng baril. Kinakabahan ako habang hila-hila ako ni Scire.

Sana walang nang-yaring masama.

Paulit-ulit na bulong ko. Nang makapasok kami sa school ay tumambad samin ang nag-kukumpolang stydante sa gitna ng playground.

"Scire, anong nang-yari?" Napasulyap si Scire sakin na walang ekspresyon ang mukha. Hindi niya ako sinagot at hinila ako palapit mula sa ground. Tila namamawis ang kamay ko sa takot ngayon. Hinahanap ng mata ko si Phobee. Nasan na 'yon? hindi ko mapigilang hindi mag-alala sa kakambal ko.

"Tabi," Bulyaw ni Scire sa iritasyong tono at isa-isang umalis ang mga studyante sa dinadaanan namin. Napahawak ako sa braso ni Scire.

Namilog ang mata ko sa lalakeng duguan ang kamay. Umiiyak sya sa iyak habang hawak-hawak ang kanyang kamay.

"Kawawa naman..."

"Ayan kasi ang tigas ng ulo,"

"Buti nga sayo,"

Bulong-bulongan ng mga studyante sa paligid. Nanatiling tahimik si Scire habang nakatuon ang titig sa harap.

"Students! Go back to your classroom now,"  Si Mr. Principal Diego at may kasama itong dalawang nurse.

Nag-mamadaling umalis ang mga studyante sa kani-kanilang classroom.

"Let's go," Hinila ako ni Scire paalis. Lumingon pa ako mula sa likuran at panay iyak ng lalake. Binuhat sya ng dalawang nurse.

Binalik ko ang tingin kay Scire.

"Scire, anong nang-yari dun? bakit may sugat ang kamay niya?" Sumulyap sakin si Scire na may ngiti. Luh.. nag-tatanong lang naman ako eh, tapog bigla-biglang ngumiti?

"Tsss.. nagpaputok ng bawal na paputok. Kaya ayun sa kamay tumama!" Eksplenasyon niya habang hila-hila parin ako.

Nag-paputok daw? diba tapos na ang pasko? anong trip ni kuya? aah baka belated! Hayy akala ko pa naman kong ano. Hindi na ako nag-salita paat hinayaan nalang na hilahin ako ni Scire. Patungo kami sa classroom ko at napagtanto kong ihahatid niya ako.

"Huwag mo na akong ihatid hindi naman ako bata eh," Sumulyap si Scire sakin na may galit sa mukha. Ngumuso ako saka tumahimik nalang! Bakit ba sya nagagalit?

Huminto kami ng makalapit kami sa may pintoan ng classroom ko. Humarap sya sakin na nakangiti. Hindi ko talaga alam kong bakit ganito ang mga ngiti ni Scire ngayon. Parang masiyahin na hindi ko alam!

"Puntahan mo ako sa classroom mamaya, hihintayin kita." Huli niyang sabi saka ako tuluyang iniwan. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko. Sobrang saya ko ng dahil kay Scire. *Dug dug dug* Sya ang dahilan ng bawat tibok nito. Mahal na mahal kita Scire at hinding-hindi kita isusuko.

Tumulak na ako sa loob at unang nahagilap ng mata ko ay si Phobee na katabi si Brika at Arianne. Napanguso ako! Kaylan lang sila naging close? sa pag-kakaalam ko ay may galit sya sa wings club. Ang titig sakin ni Phobee ay hindi ko maguhit. Nakikita ko sa mata niya ang sakit at hinanakit.

Napanguso ako!

Tumungo na ako sa tabi ni Sassy na ngayon ay panay ngiti sakin.

"Masaya ako para sayo," Bulong niya ng ikina-ngiti ko. Masaya sya para sakin? aba dapat ako rin.

"Masaya din ako para sayo," Bulong ko kay Sassy. Natawa sya sa sinabi ko. Syempre gaya-gaya puto maya hehehe.

"Goodmorning Class," Si Ma'am Casim-siman. Sabay kaming tumayo saka narin bumati sa kanya. May nag-bago kay ma'ma at mukhang bagong rebond ang buhok niya. Wow si ma'am, bagong taon bagong style ng buhok. "So how's your christmas and new year? masaya ba?" Masayang tanong ni ma'am. Sabay silang sumagot nang "Yes ma'am". Ako? ewan ko dahil hindi pa ako pinapansin ni Phobee. "So anong ginawa nyo nong newyear?" Dugtong ni ma'am sa masayang-masayang tono.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon