"HAHAHAHAHAHAHAHA..."
"Ang ganda ng boses..."
"Ang galing Eumee, napakagaling..."
"Clap clap clap"
Sobrang lakas ng tawan nila kaya umalinga-gaw ito sa loob ng classroom. Oh diba sabi ko sainyo eh, ang galing kong kumanta. Kayo naman kasi ayaw nyong maniwala sakin. Taas noo akong ngumiti sa kanila, sumulyap pa ako kay morgan at nakatitig lang ito sakin na walang ekspresyon ang mukha..
"Thankyou classmate.." Kumaway-kaway pa ako sa kanila isa-isa. Sumulyap ako kay maam at tila hindi ito makapag-salita. Tignan nyo na, pati si maam eh hindi umimik dahil sa maganda kong boses. Dumiresto na ako sa upoan saka humble na umupo.
"Grabe...nakakabasag pinggan ang boses.."
"Mataba na nga, panget pa tapos wala pang talent.."
Bahagya akong sumulyap sa gilid ng napagtanto kong may pinag-uusapan sila. Naku, kawawa naman yung pinag chichismisan nila. Wala naman akong narinig na panget ang boses ngayong araw.
*Kriiiiiiiiiiiing*
"Okay, we will continue this tomorrow. Goodbye class.." Isa-isa ng tumayo ang mga kaklase saka ako tumayo narin. Lumabas na si morgan kaya agad akong sumunod.
Sigurado akong sa cafeteria sya didiretso. Nakasunod lang ako sa kanya mula sa likuran. Bawat nadadaan niyang studyante ay kinikilig. Tika lang? may super power ba ito si Morgan?
"Eumee...." Napahinto ako sa paglalakad at bahagyang lumingon mula rin saking likuran.
"Cafeteria ka ba pupunta? Sabay na kami sayo.." Si candys.
"May sasabihin kasi si candys sayo, kaya pinilit akong isama.." Si Ella.
Naging kaibigan ko si Candys ng dahil kay Ella. Palagi nila akong pinupuntahan dito sa saphire building. May ibat-ibang pangalan kasi ang bawat palapag at building ng school na ito. First year kong tawagin ay silver, Second year ay kong tawagin ay gold. Third year ay kong tawagin ay diamond. At dito sa palapag namin ay saphire. Siguro kong pwede lang nakawin ang bawat pangalan ng building dito sa University. Sigurado akong yayaman ang magnanakaw hehe.
Sabay kaming tumungo sa cafeteria. Sobrang dami ng studyante kaya wala nang halos mesa at upoan. Luminga-linga ako sa paligid at wala pa ang lima..
"Wala ng upoan.." Simangot ni Ella na ikinalingon ko. Gutom narin ako kaya wala na akong choice kundi umupo sa private table ng lima.
"Doon nalang tayo.." Hila ko sa dalawa kaya hinila ako pabalik.
"Huwag dyan, diba kina kuya scire lang yan." Hay naku si ella, minsan may pagka eng-eng.
"Oo nga baka maisulat pa tayo sa hate list ng BB band.." Pigil ni Candys. Isa pa ito, ang hina talaga ng utak ng mga ito.
"Basta hali na kayo. Gutom na kaya ako.." Hila ko sa kanila ulit kaya kalaunan ay nagpatianod na ito. Bawat titig samin ng mga studyante ay nasa amin.
"Anong ginagawa nila?"
"OMG, anong kabaliwan ang ginagawa ng mga babaeng yan.."
"Humanda sila sa lima. Sigurado akong malalagay sila sa hate list ng bb band"
"Walang makakaupo sa tambayan nila. Dahil sila lang at wala ng iba pa."
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...