CHAPTER》34

6.6K 224 11
                                    

EUMEE  Point of View..

Naalimpongatan ako ng may iilang boses akong naririnig. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata at nang tumambad sakin ang mga paa sa harap ko. Nakahiga ako sa sahig na nakatagilid habang nakatali ang dalawang kamay sa likod. Ginala ko ang mata ko nang napagtanto kong nasa isa bodega ako. Humagol-gul na boses ng kalalakihan ang sumagip sa tenga ko. Aakmang magsasalita ako ng may packaging tape ang bibig ko. Umungol ako ng ilang ulit saka pumipiglas kahit na alam kong hindi ito uubra.

"Pare, gising na yata ang prinsesa!" Inagat ko ang ulo ko at bumungad sakin ang dalawang lalake. Hindi ko sila maklaro dahil sa iilang kaltas ng buhok ko sa mukha. Hinawi nang lalake ang buhok ko sa mukha!

"GoodMorning prinsesa, Kumusta ang tulog mo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad akong sumulyap sa bintana mula sa ulohan ko at madilim na ang kalangitan. Ang bobo pala nang lalakeng to. GoodMorning? e, gabi na kaya!

"Hmhmhmh!" Umungol ako saka pilit kumawala sa nakataling lubid. Nagtawanan ang dalawa at umalingaw-ngaw ito sa likuran.

"Mukhang bagay yata sayo itali sa kawayan saka li'letchonin.." Nagtawanan ulit sila kaya nakagat ko ang ngipin ko. Nararamdaman ko na ang gutom!

"HAHAHA! Hindi ako makapaniwala na girlfriend ito ni Scire. Kailan lang sya pumatol ng hayop? HAHAHA!" Ani nang isang lalake. Patuloy parin ang likis ko. Hindi ko kayang bumangon dahil nakatali din ang dalawa kong paa. Natatakot ako! Bakit ako nandito? At sino sila? May namumuong luha sa mata ko sa takot at kaba.

Patuloy parin amg tawanan nila sabay nang pag-bukas ng malaking sa harap. 1, ,2 ,3 ,4 ,5 ,6 , 8, 9, 10. Sampong lalake ang pumasok at may dala itong tubo. Dali-daling lumapit sa dun ang dalawa kanina saka ito nag bow.

"Natawagan nyo na ba si Scire?" Bagsak boses ng lalake na may malaking katawan. Hindi ko alam kong ito na ba ang boss nila, dahil ibang-iba itong kumilos.

"Itine'xt namin boss, pero mukhang walang numero ang babaeng ito kay Scire. Kaya sa kaibigan niya namin e'sinent!" Pormal na sagot nito kaya gumuhit ang iritasyon sa mukha ng lalake.

"Niluluko mo ba ako?" Bulyaw nito kaya bahagyang yumuko ang dalawa.

"Hindi po boss, Hinalungkat nanamin ang phone niya pero wala talaga itong numero ni Scire. Hindi ko nga po alam kong bakit boss." Eksplenasyon agad ng lalake kanina. Naramdam kong nakatitig sakin ang lalake kaya rinig ko ang yapak nito palapit sakin.

"Sigurado ba kayong ito ang girlfriend ni Scire?" Bulyaw nito kaya natataranta ang dalawa. Lumapit ito sakin saka hinablot ang buhok ko rason kong bakit umangat ang ulo ko sa ere. Tinititigan niya ako!

"Boss, sigurado po kami! Hindi po kami nagkakamali. Sya talaga yung nasa larawan. Nabigla nga kami dahil medyo mataba ito sa personal!" Dugtong pa nang isang lalake. Hindi niya parin inaalis ang tingin sakin. Hindi ko sya kilala kaya bawat ang-gulo ng kanyang mukha ay pinag-aralan ko. May hikaw ito sa kabilang tenga at pormang bungo. Parang pamilyar sakin! Hindi ko matandaan kong saan ko na kita.

Binitawan niya ang buhok ko rason kong bakit nauntog ako sa sahig. Napapikit ako sa sakit. Pinapanunuod ko siyang pumindot sa kanyang phone. Nakatuon ang tingin niya sakin habang nasa tenga ang cellphone nito.

"Hello, boss! Nakuha nanamin ang babae. Oo, boss..Pero may problema tayo boss." Sumulyap ulit ito sakin. Umiwas ako ng tingin saka ginala ulit ang mata sa buong paligid. Hindi ko alam kong nasan ako! "Medyo may kalakihan kasi ang babaeng ito. Oo, boss hindi kami nagkakamali ito talaga ang girlfriend ni Scire. Siguradong sigurado kami boss. Sige boss, Areglado!" Binaba niya na ang phone saka ito lumapit ulit sakin. Sinenyasan niya ang dalawang lalake saka ako inalalayang umupo. Nakayuko ako!

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon