CHAPTER》43

6.8K 219 17
                                    


Kanina ko pa hinihila ang palda ko pero hindi talaga ito natatang-gal.

Lumingon ako sa labas at hindi pa nakakabalik si Sassy. Bakit ang tagal niya? Huhuhu!

"Hoy, upuan bitawan mo ang palda ko," Hinampas-hampas ko pa ang upuan sa galit. Napapagod na ako sa kakahila at wala na akong lakas pa. Humalumbaba ako saka napagdesyonang umupo. Sobrang tahimik na ng room at natatakot na ako. Gusto kong abotin ang bag ko pero na sahig ito at nahulog.

Gusto kong umiyak at sumigaw. Natatakot na ako dahil unti-unti ng dumilim ang paligid. Dilim talaga ang weaknesses ko eh, ayaw na ayaw ko talaga sa dilim huhu. Ipinatong ko ang ulo ko sa desk ng upoan! Hihintayin ko nalang si Sassy.

"Eumee," Dali-dali kong inangat ang aking ulo ng tumambad sakin si Morgan. OMG! Ito nanaman 'yong *Dug dug dug* na naririnig ko huhu. Lumapit sya sakin kaya halos hindi ako makagalaw.

"Why are you still here?" Nakapamulsa itong lumapit sakin. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Sasabihin ko ba sa kanya?

"E-h kasi," Nakalapit na sya sakin at nanatili itong nakatayo sa harap ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! OMG, ang highblood ko!

"Mag gagabi na hindi ka pa ba uuwi?" Kunot noo niya. Pinulot niya ang bag ko sa sahig saka niya 'yon binigay sakin. Bakit ba ang sarap tignan ng mukha ni Morgan? parang hindi ko maiwasang matulala pag nagsasalita sya. Luh, huwag mong sabihing may kapangyarihan si Morgan na bigla-bigla ka nalang matutulala."Eumee, are you okay?" Bumalik ang diwa ko ng mas lalo syang lumapit sakin.

"Kasi Morgan, Huhuhu!" Ngiyak-ngiyak ko kaya mas lalong kumunot ang noo niya. Ayaw kong sabihin sa kanya na gustong dikwatin ni upoan ang palda ko huhu. Lumapit pa sya lalo sakin saka inabot ang bag ko. Kumalabog ang puso ko ng inabot niya ang palapulsuhan ko.

"Ihahatid na kita!" Hinila niya ako patayo sabay ng pag angat ng upoan. Napalingon ulit sya sakin na kunot noo. Bumalik ako ng upo! "Eumee, may problema ba?" Umiling ako ng ilang ulit. Hinila niya ako ulit sabay ng pag-angat ng upoan. Para na akong pato sa itsura ko ngayon. Naglalakad ako habang nakadikit ang upoan sa may pwet! Hindi pa kami nakakalabas ng silid aya agad kong binawi ang kamay ko. Nagulat sya! Napadpad ang tingin niya sa likod ko kong saan ang upuan. Sumilay ang kanyang ngiti."Eumee, bakit di mo sinabing.." Tawang-tawa sya habang hawak ang kanyang tiyan. Huhu! Ang bully talaga oh.

"Kasi, Huhuhu!" Ngiyak-ngiyak ko. Lumapit sya sakin saka tinignan ang nakadikit kong palda sa upoan.

"Wait," Hinila niya ang palda ko sa upoan pero hindi parin ito natatanggal! Umuungol sya bilang pag hugot ng lakas pero ayaw paring matang-gal. Sumulyap sya sakin kaya natamaan ang braso ko sa baba niya. OMG! Bakit nanghihina ang tuhod ko? "Pinagtripan ka yata ng mga ka klase mo ah!" Tawang-tawa niya paring saad. Ngumuso ako! "May gunting ka ba dyan?" Tumango ako bilang sagot. Hinalungkat niya ang bag ko saka hinanap ang gunting.

"Guguntingin mo ang palda ko?" Nguso ko. Lumapit ulit sya sakin na walang reaksyon.

"Ito lang ang tanging paraan." Nag-simula na syang guntingin ang palda ko. Nanga-ngawit na ang tuhod ko sa posesyon kong ito ngayon. "Don't move!" Saad niya kaya ang ginawa ko ay nag manequin style ako. OMG! Ang palda ko huhuhu. Naramdaman ko nalang na gumaan ang pwetan ko at mukhang natang-gal na 'yon. Nanlaki ang mata ko dahil sa malaking butas ng palda ko sa likod. Humalakhak ng tawa si Morgan! Nangi-nginit ang pisnge ko, parang nanindig ang balahibo ko sa kahihiyan. Niyakap ko ang sarili ko habang ngumunguso. Mas lalo syang natawa.

"I find you're cuteness HAHA!" Umalingaw-ngaw ang halakhak ni Morgan sa silid. "Wait," Pinapanunuod ko syang hinubad ang kanyang polo. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. OMG, niyakap ko lalo ang sarili ko. Napalunok ako ng ilang ulit. Huwag mong sabihing. Oh my gosh! Bubog-bugonin niya ako. Tapos, tapos, mag ri'resling kami dito at ipa gulong-gulong niya ako sahig na parang banana roll. Waaaaa!

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon