-END OF IMAGINATION-
"Hoy, Eumee nakikinig ka ba?" Biglaang pinitik ni Candys ang noo ko kaya bumalik ako sa diwa. Tinignan ko ang dalawa na wala sa isip.
"Ano na? Kanina pa kami nag-hihintay sa isasagot mo. Nasan ka ba kahapon huh?" Si Candys ulit. Nakati ko ang batok ko. OMG! kong ganon ay isa lang pala yung imahinasyon ko. Hayy salamat akala ko pa naman ay nasabi ko na sa kanila huhuhu.
"Eumee, we're so worry about you! Gabi na nga akong nakauwi sa bahay dahil hinahanap ka namin sa buong campus." Mahinahong saad ni Ella. Ngumuso ako! Isip Eumee, mag-isip ka. Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari kahapon dahil kundi li'letchonin ka ni Scire. OMG! Saan nga ba ako kahapon? Amnesia please gumana kana.
"Eumee, may tinatago ka ba samin?" Si Candys sa takhang-takhang tono. Ngumuso ako!
"A-h! Im sorry Ella, Candys. Ang totoo niyan ay--" Bahagya silang nag-taas ng kilay. Nakakahiya pero wala na akong maisip na paraan. Lumapit ako sa dalawa saka ko sila binulongan.
"Omy! HAHAHAHAHAHA!" Sabay nilang tawa habang hawak ang mga tiyan nito. Ngumuso ako! Hayy ang panget yata ng palusot ko.
"Kaya pala hindi ka nagpakita kahapon pagkatapos ng camprock! OMG, buti nalang at walang naka amoy.." Si Candys. Sobrang laki ng bunga-nga niya sa tawa at tila nasisisyahan sa sinabi ko. Hayy uto-uto talaga naniwala naman.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Edi sana ay nasamahan ka namin!" Si Ella. Isa pa itong uto-uto oh! Hayy bahala nga silang dalawa.
"Sorry huh..Nahihiya kasi ako sainyo eh. Kaya umuwi nalang ako." Nguso ko kaya natahimik sila sa tawanan. Sinabi ko kasi sa kanila na nakapopo ako sa undies huhu! Wala na akong ibang maisip eh. Yun nalang para siguradong hindi na sila magtatanong pa.
"Okay lang Eumee. Sa susunod ay mag text ka samin kong nasan ka. Pinapa-alala mo kami eh!" Si Ella. Bumusangot ako.
"Hindi na mauulit Hehehe.." Peace sign ko.
"O, sige na kailangan nanaming pumasok." Naki beso-beso sakin si Candys at Ella.
"Sige Eumee, kita nalang tayo this breaktime..Babyee." Tuluyan nila akong iniwan saka bahagya akong kumaway. Nakalusot ako don ah! Buti talaga.
Masaya akong nagtungo sa saphire buliding. May 20minutes pa ako para kumain ulit hehe. Siguro ay didiretso na ako sa canteen. First subject pa naman ang Music and Arts.
Naiisip ko lang ang nangyari kahapon. Oo, sobra akong natakot. Pero gumugulo parin sa isipan ko ang mga lalakeng yun. Lalo na kay Scire. Malaki ang kinalaman ni Scire sa boss nila? Sino kaya ang boss na sinasabi nila. Hala ka, huwag mong sabihing may malaking utang si Scire sa kanila. OMG! Siguro ay sinisingil si Scire tapos hindi nagbabayad. Ito talaga si Scire, akala ko ba ay mayaman sya. Bakit sya nangu-ngutang sa iba? Naku, nku, kailangan kong makausap si Scire. Dapat ay nagbayad sya sa boss ng kumid'nap sakin. Nadadamay tuloy ako eh.
"Eumee," Bumalik ang diwa ko ng may dalawang lalake ang lumapit sakin. Napahinto ako sa paglalakad mula sa maindoor ng saphire building. OMG! Si Wage at si Luxx.
"Wage, Hi Luxx." Kaway ko. Mag ka klase kasi kami ni Luxx sa Music and Arts.
"Hello, Eumee." Si Luxx.
"Eumee, nanuod ka ba kahapon sa Camp rock?" Si Wage. Sobrang lapad ng ngiti niya. Bakit ba ang gwapo niya?
"A-h.. Oo, hehehe ang galing galing nyo nga eh." Palakpak ko ng ilang ulit.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...