"Baboy kanina pa tayo naghahanap dito sa mall napapagod na ako. Pwede ba umuwi na tayo! Laruan lang naman yun at pwede kang bumili ng bago.." Kanina pa sya nagagalit sakin. Hinanap namin sa buong mall si tink pero hindi ko talaga sya nahahanap huhu. Baka nakipag tanan na yun sa boyfriend niya. Hindi ko alam kong pano natutong lumandi si tinker bell. Waaaaaaaa! "Hoy baboy uuwi na ako, bahala kana sa buhay mo.." Sumulyap ako sa kanya ng palayo na ito sakin. Umiyak ulit ako habang pinapanunuod syang umaalis. Yumuko ako saka suminghap nalang."Fvck..."Inangat ko ang ulo ko at nasa harap na sakin si scire."Hali ka na nga. Hanapin nanatin yang bw*s*t mong laruan." Dugtong niya saka hinila ako sa may braso. Nagpatianod ako sa hila niya at napagtanto kong sa Jollibee kami papasok.
"Scire.." Hila ko saking braso kaya bahagya syang lumingon sakin.
"Ano.....? pwede ba baboy nagugutom na ako. Kumain muna tayo saka natin hanapin yang laruan mo." Hila niya ulit saking braso.
"Scire baka kasi hindi pa nakakakain si tink.." Hila ko ulit kaya umigting ang kanyang panga. Hinawakan niya ako ng mahigpit saka sapilitang pinasok sa jollibee. Pina-upo niya ako sa dulo malapit sa wall glass. Luminga-linga ako sa paligid at nagbabasakaling makita si tink dito na may ka date. Bagsak ang magkabila kong balikat. Pano na yan? pano nawala si tinkerbell? huhuhu hindi pa naman niya alam ang pasikot-sikot dito huhuhu.
"Gosh...Ang hot niya noh?"
"Girl's ang gwapo-gwapo niya kyaaaah!"
"Waaaaaaaaaa omg lumigon sya satin waaaaaaa...."
Napalingon ako sa mga babaeng nagsisigawan at tilian mula sa kabilang mesa. Hindi ko alam kong bakit sila sumisigaw pero naisip ko na baka minaligno ang mga babaeng ito.
"Baboy.." Lumingon ako sa gilid ng nasa napagtanto kong nasa kabilang upoan na si scire.
"Look Girl's..."
"Yuck! Girlfriend niya?"
"Gosh..Baka yaya!"
Sumulyap ulit ako sa mga babae at nahuli ko itong nagtatawanan.
"Tsss kumain kana huwag monang pansinin..." Binaling ko ulit ang tingin kay scire. Nasa harap ko na ang spaghetti, cheeze burger, cokefloat at isang box ton ng fried chicken. Lumapad ang ngiti ko saka agad umayos ng upo."Ang oa'oa kakain din naman.." Sabi ni scire kaya ngumuso ako. Kinain ko agad ang pagkain sa hapag na hindi umiimik.
"Scire..*Munch* Pagkatapos nito *munch* Hanapin natin si tinkerbell huh?*munch* *munch*" Ngumiwi sya habang tinitignan ako ng masama. Ang kanyang titig ay nasa aking bibig.
"Don't talk when your mouth is full." Bulyaw niya kaya humalukip-kip.
"Hindi *munch* pa naman *munch* puno eh! *munch.." Sagot ko kaya tinignan niya ako ng nakakadiri.
"Tss..parang baboy!" Bulong niya na rinig na rinig ko naman. Ngumuso ako saka nagpatuloy nalang sa hapag.
"Scire yung babae kanina.." Lumingon sya sakin habang sumusip-sip ng cokefloat. Nakataas ang kanyang isang kilay habang tinititigan ako."Im sorry scire, hindi ko sinasadya.." Yumuko ako pagkatapos sabihin yun. Nag-iwas sya ng tingin kaya nagpatuloy ako sa hapag.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...