Dedicated to: ( @Miirej_Thor )Tanging pikit lang ang nagawa ko ng marinig ko ang pagbasag ng aquarium at pag talsik ng tubig. Parang naging slowmo ang lahat! Sabay kaming nahulog ng lalake kanina. Iniisip ko palang ang bawat ahas sa ibaba ay mas gugustohin ko pang magutom nang ilang araw.
Dinilat ko ang mata ko sabay nang paglapit sakin ni Scire na dala ang itim na pangtakip kanina sa aquarium. Nauntog ang upoan ko sa may iilang ahas sa ibaba na may tubig pa kaya naiyak ako lalo. Matutumba na sana ang upoan ko sa mga ahas nang agad nakalapit si Scire at ipinulupot saming dalawa ang dala niyang itim na makapal pa sa trapal. Marahan akong pumukit ng maramdaman ko ang mainit niyang katawan sa katawan ko.
Yakap-yakap niya ako habang nasa ilalim kami ng trapal na ito. Sobrang dilim kaya ginala ko ang mata ko na baka nasa tyan na ako ng malaking ahas. Nanindig ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit niyang hiniga sa tenga ko. Nanatili syang nakayakap sakin habang nakaluhod ito. Hindi ko manlang namalayan na tumulo ang luha ko sa takot! Takot na takot ako na baka tuluyan na akong mamatay sa araw na ito. Humagul-gol ako ng iyak.
"Ssss. It's okay you're safe now!" Mas lalong nanindig ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kong pano nakatakbo ang isip ko ng normal sa pagkakataong ito.
"Bakit mo ako hinayaang mahulog! Pano kong natuklaw ako ng mga ahas na yun! Scire naman e-h.." Humikbi ako sa iyak. Dahan-dahan syang humiwalay sa yakap saka humarap sakin. Sobrang dilim pero hindi ko alam kong pano ko sya na klaro ang perpekto niyang mukha. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Niligtas na kita diba?" Kunot noo niya kaya ngumuso ako. Sobrang lapit ng mukha namin.
"Pero nahulog parin ako! Alam mo bang sobrang sakit ng pwet ko. Bakit mo kasi binasag ang aquarium?" Bulyaw ko kaya gumuhit ang iritasyon sa kanyang mukha.
"Nagrereklamo ka? Ikaw na nga itong niligtas? Anong gusto mong gawin ko? Saluin ka? Ang bigat mo kaya.." Bulyaw niya rin kaya ngumuso ako! Sobrang lapit ng mukha namin at tila walang pakialam sa isat-isa.
"E-h nakaya mo ngang patumbahin ang mga lalake kanina, pagsalo pa kaya? Ang sakit-sakit ng pwet ko oh!" Mangiyak-ngiyak kong sabi. Hinilot niya ang kanyang sentidu na para bang mabaho ang hininga ko.
"Edi, iri'replay natin ang pang-yayari para sasaluin kita. Ano okay na ba sayo yun?" Bulyaw niya ulit kaya sumimangot ako. Umiyak ako! Wala na akong maisasagot at tanging iyak lang. Bumagsak ang mata niya sa mga luha kong pumapatak sa pisnge. Hindi ko alam kong bakit nakarating ako sa puntong ito. Marahan syang pumikit saka pinunasan ang mga luha ko sa pisnge. Bahagya akong yumuko. Takot na takot parin ako at tila ayaw tumigil sa pangi-nginig ang tuhod ko.
"Fine, Im sorry.." Padabog niyang sabi kaya binalik ko ang tingin sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kabog ng aking puso ngayon.
Bigla nalang may humila sa trapal na nakapulupot saming dalawa. Napapikit ako dahil sa liwanag.
"Anong ginagawa nyo dyan? Ngayon nyo pa naisipang mag bahay-bahayan.." Boses iyon ni Brick. Tumayo si Scire sabay nang paglapit sakin ni Raevin.
"Baby, Eumee okay ka lang?" Sinikop niya ang magkabila kong pisnge sa palad nito. Ngumuso ako! Bumuhos ulit ang luha ko sa mata.
"Huhuhu! Ang sakit-sakit ng pwet ko.." Naluluha kong sabi kaya natawa sya. Dali-dali niyang tinang-gal ang lubid sa likuran ng upoan. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan ng bumungad sakin ang lalakeng puno ng bola ang kanyang bibig. Ang katawan nito ay namamaga dahil sa mga iilang tuklaw ng ahas. Dumungaw ako mula sa sahig ng tumambad sakin ang mga ahas na wala nang ulo at ang iba ay sunog. Nangi-nginig ang tuhod ko."Anong nang-yari sa mga ahas?" Saad ko kay Raevin.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...