Kanina pa iyak ng iyak si Sassy habang inaalis ang mga iilang spaghetti sa ulo ko. Hinahayaan ko lang syang gawin 'yon. Naiiyak narin ako, at mukhang nahawa na ako sa pagiging dramatik niya ngayon. Siguro ay iniiyakan niya ang carbonara at mango juice niya kanina. Kahit na nga ako, sobrang nakakaiyak!
R.I.P FOODS!
Hinawi ko ang luha ko saking mata.
"Sassy tahan na, bibilhan nalang kita ulit ng carbonara at mango juice." Napahinto sya sa ginagawa niya saka ito umayos ng upo.
"Eumee, hindi naman kasi 'yon makatarungan eh. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Sana lumaban ka," Dahan-dahan niya ulit pinunasan ang ulo ko ng tissue. Natahimik ako sa sinabi niya.
"Mas nakakaawa 'yong mga pagkain eh!" *Sniff * sniff* Para na akong sisiponin sa kakaiyak. Ramdam na ramdam ko na ang pamamaga saking mata. Kabibihis ko lang, tapos may mantsa ulit ang uniporme ko. Wala na akong oras para umuwi dahil malayo-layo 'yong bahay namin. Narinig ko ang buntong hininga ni Sassy.
"Alam mo, Ini'idolo ko sana ang lima, kaso mukhang ayaw ko na sa kanila. Kahit gwapo, hot, at sikat sila sa University. Nangingi-babaw parin ang masama nilang ugali!" Busangot niya. Natahimik ako lalo sa sinabi niya. Kawawa naman si Sassy! Inabot ko ang kamay niya saka niya ako tinignan.
"Sassy, alam mo mabait naman sila eh." Masaya kong sabi. Ayaw ko kasing ma descourage sya sa lima.
"Mabait? Mabait ba 'yon? Mukhang hindi eh.." Kunot noo niya. "Tignan mo nga 'yong ginawa sayo. Pinahiya ka sa buong campus, saka binubully ka nila sa maling paraan." Iritasyon niyang sabi. Halos hindi ma drawing ang mukha ni Sassy dahil sa galit.
"Basta mabait ang lima." Nakangiti ko paring sagot kaya ngumiwi sya. Mukhang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Mabait naman talaga ang lima eh. Naalala ko pa nga noon kong pano nila ako pinapabusog ng mga pagkain. May kasabihan nga mabait lang sila, pag may pera ka. Pero para sakin, nababaitan ako sa isang tao pag nagbibigay ito ng pagkain sakin. Ganon talaga eh, Food is my life and without food no life Hehehe. Ang astig kaya!
Inubos namin ni Sassy ang natitirang minuto para tumambay sa garden sa likod ng school. Medyo gumagaan narin ang pakiramdam ko dahil sa masarap ng simoy ng hangin dito. Hindi nakapunta si Ella at Candys dito at mukhang may tinatapos na project. Laking gulat ko ng umamin si Sassy na crush na crush niya si Scire. Napapagkitaan ko nga na bagay sila dahil pareho ang letra ng simula ng kanilang pangalan. Ang sweet tuloy paking-gan hehe!
"Eumee, diba sila 'yong summer band?" Napalingon ako sa sinabi ni Sassy. Oo, nga. Mukhang mag di'ditch sa klase. Umikot sila sa likod ng saphire building saka isa-isa silang tumalon sa mataas na parel. Mukhang may lahing mga unggoy yata.
"Naku, ang ba'bad naman pala at nag cu'cutting classes yata.." Dugtong ulit ni Sassy. "May kakilala ka ba sa grupo nila?" Lumingon ako kay Sassy. Aba, mukhang interesado ah.
"Si Brexzel lang 'yong kilala ko. Ka klase ko sya non sa Music and Arts. Ang sabi ay inilipat sa last section
." Sagot ko! Titig na titig parin si Sassy sa parel kahit wala na dun ang summer band. OMG! Huwag mong sabihing na i'eng-ganyo syang mag ditch!"Ah ganon ba?" Ngumuso sya saka ito kinagatan ang cheeze burger. Titig na titig ako kay Sassy. Hayy di bale na nga, kailangan ko itong bantayan mamaya baka kasi gagayahin niya 'yong ginawa ng summer band.
*Riiiiiiiiiiiiing*
Bell, para sa last subject namin sa math.
"Tayo na Eumee.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sassy. Hawak-hawak niya ang kamay ko kaya agad ko 'iyong binawi. OMG! huwag mong sabihing? "Eumee, Tayo na.." Inabot niya ulit ang kamay ko kaya mas lalo akong kinabahan. OMG! Tama ako ng hinala, tomboy si Sassy? Tumayo saka bahagyang umatras. Naningkit ang mata niya sa ginawa ko. "Eumee, may problema ba?" Kunot noo nito. Napalunok ako! Pano ko ba ito sasabihin? Waaaaa.. OMG!
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...