Minabuti kong patago-tago at umiwas sa mga studyanteng nadadaanan ko ngayon. Takot na takot ako sa sinabi ni candys at ella kanina.
》FLASHABCK《
"Eumee, kailangan mong umiwas sa mga fangirl ni kuya baka kasi pagtripan ka, lalo na ang wings club." OMG, pag tripan daw? waaaa hindi kaya pipilitin nila akong pagamitin ng druga. No, ayaw ko pang makulong. Baka hindi masasarap ang pagkain sa kulongan.
"Pag nakita nila yang pagmumukha mo, baka kataposan muna.." Si Candys na natatakot.
》END OF FLASHBACK《
Pumapasok parin sa isipan ko ang sinabi nila sakin. Pag makita daw nila ang mukha ko ay kataposan ko na? Ano nang-gagawin ko? Nakatago parin ako sa bodega at tila iniisip kong anong dapat gawin. Ayaw kong tumikim ng druga kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Tinaas ko ang noo ko saka nagsimulang mag-iisip.
Hindi dapat nila makita ang mukha ko.
Hindi dapat ako magpapakita sa kanila. Pero kailangan kong pumasok sa P.E subject ko eh.
Hmmhmm
Tama!
Oo kailangan kong gumawa ng maskara.
Pero kaninong mukha?
Hmhmmh! Luminga-linga ako sa bodega at napad-pad ang tingin ko sa mga sirang libro mula sa isang silid. Dali-dali akong pumasok saka hinalungkat ang iilang libro. Naku, hindi ito pwede baka multohin ako ng mga bayaning to. Dr.Jose rizal, Emilio Aguinaldo, at kong sino-sino pang bayani..
Hmmhmhmhmhm...
Aba tama!
Ito nalang kaya..
Ang talino ko talaga oh hehehe.
Kinuha ko ang puting bond paper saka ko iyon sinulatan. Ang galing ko talaga, sigurado akong hindi nila ako makikilala nito. Binutasan ko rin ng maliit mula sa mag kabahaging gilid. Buti nalang at may rubber akong dinadala palagi.
This is it!
Kailangan ko ng pumasok sa last subject ko.
*****************************
"HAHAHAHAHAHA"
"BWAHAHAHAHAHAHA shittey anong trip yan?"
"Grabe! mukhang may tupak na yata ang babae'ng yan.."
"BWAHAHAHAHA mukhang kailangan ng isugod yan sa mental hospital."
Sobrang lakas ng tawanan ng mga studyante sa lobby. Naka halukip-kip ako habang naglalakad, hindi ko alam kong bakit sila tumatawa. Hehe siguro ay hindi nila ako nakikilala at akala nila bagong studyante ako. Tama!
Dali-dali akong nagtungo sa silid..
"Hoy Eumee.." Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sakin. Patay nakilala nila ako?
"HAHAHA Girl's look at her, she's crazy.." Tawanan ng iilang babae sa harap ko. Kilala ko ang mga boses na ito.
"Hindi ako si eumee.." Sagot ko sa kanila. Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko. Halos umalingaw-ngaw ito sa lobby.
"Kahit takpan mo pa yang pagmumukha mo, ay makikilala ka namin dahil dyan sa bil-bil mong uma'alog-alog.." Si Marina at ang mga kasama niyang ka band. Sila ang wings club. Si Arianne, Marina, Brika, katalia, at Trillia. Kinuha ni marina ang papel sa mukha ko saka niya iyon binasa ng paulit-ulit.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...