CHAPTER》40

6.9K 244 23
                                    


Pagkatapos kong kumain mag-isa sa cafeteria ay bumalik narin ako sa silid. Kwenento ko kay Sassy ang nang-yari kahapon kaya buti nalang at naniwala naman sya.

May limang minuto pa akong natitira para mag-isip. Naiisip ko kasi si Scire kanina. Ngumuso ako! Hindi ko talaga maintindihan kong anong mali sa sinabi ko eh. Hayy ang babaw ng kasiyahan ni Scire at ganon din kalalim ang pwet niya dahil ang dali-daling mapikon. Humalumbaba ako habang tinitignan si Sassy na nag-kikilay. Sobrang ingay ng classroom. May nag gigitara habang may kumakanta. May nag chichismisan habang may nagtatawanan. Samantalang ako ay gutom nanaman. Hayy, ano kayang masarap kainin mamaya pag-uwi? Hanggang ngayon ay hindi parin kasi tumatawag si Moma. Kumusta na kaya sya sa state? Na e'excite na ako sa pagbalik niya. Nag message pa naman ako sa kanya na bilhan niya ako ng bagong Tinkerbell.

"Eumee," Napalingon ako kay Sassy na nakahalumbaba."Gusto mong kilayan kita?" Taas niya sa kulay kahel na eyebrow. Umiling ako agad.

"Ayaw ko, hindi naman ako sanay sa mga ganyan." Ngumuso sya. Lumapit sya sakin saka sinuri ang kilay ko.

"Maganda pa naman ang kilay mo. Sigurado akong mas gaganda 'yan pag ginuhitan mo nito.." Pakita niya ulit sa eyebrow. Kinaway ko ang kamay ko. Hindi ako na e'engganyo sa mga ganyan eh.

"Hindi ako marunong gumamit niyan eh." Nguso ko. Pang-guhit daw? Naku, hindi nga ako marunong mag pinta.

"Tuturuan kita, masasanay karin nito. Promise!" Sabay taas kamay niya. Umayos ako ng upo saka tinignan ang eyebrow na 'yon.

"Naku, ayaw kong gumamit niyan. Nakakasayang ng oras eh. Limang oras ka na ngang nag-kikilay dyan eh.." Natawa sya sa sinabi ko. Pinisil niya ulit ang magkabilang kong pisnge.

"That's why i really like you eh. You're so much cuter than cute. Ang galing mo pang mag-isip." Halakhak niya. Ngumuso ako ulit. May naalala ako sa sinabi niya eh. Hayy nakakamiss din pala sya. Gusto ko na syang makita at mayakap. Na mi'miss niya rin kaya ako? Hindi na muling nagsalita si Sassy ng dumating na si Ma'am Ca-urong. Ang English teacher namin. Last subjet nanamin ito at buti nalang talaga ay wala si Sir, Ca-gaanan ang Math teacher namin.

"GoodAfternoon Claas," Saad ni Ma'am Ca-urong.

"GoodAfternoon Teacher.." Masaya naming bati.

Ang cute, cute ni Ma'am. Nagmumukhang pancit cantoon ang sobrang kulot niyang buhok. Nakaramdam ulit ako ng gutom eh.

"Anyway, Class. Before we start our discussion. May I welcome your new classmate. He's from the last section. It supposed to be, Kaklase nyo lang sya every my class time." Nag bulong-bulongan ang mga ka klase ko sa sinabi ni Ma'am."Scire Gerone, please come in!" Nanlaki ang mata ko sa dugtong ni Ma'am.

"OMG," Si Sassy na hinampas ang balikat ko sa kilig. Naghiyawan ang mga babae sa pagpasok ni Scire.

"Kilala nyo naman sya diba?" Masayang ani ni Ma'am sabay ng tili ng mga babae ulit.

"Gosh, kaklase natin sya sa English."

"Waaaaaaa. Scire mylove."

"Omoo! Hindi talaga ako a'absent."

"Girl's he's so hot!"


"Okay, That's enough girls." Palakpak ni Ma'am. Tahimik ang lahat. Nasa tabi niya si Scire habang nakapamulsa ito. Ang kanyang kulay dilaw na buhok ay na-alala ko ulit ang mga Minions. "Scire, ikaw na ang mag desisyon kong saan ka uupo. It's up to you if you want here infront or at back.." Wika Ma'am saka luminga-linga si Scire. Napadpad ang tingin niya sakin kaya sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Ngiting asar!

"Thank you," Saad niya kay Ma'am saka ito lumapit sa gawi ko. Dinig na dinig ko pa ang bulong ni Sassy sa kilig. Umayos ako ng upo saka iniwas ang tingin sa kanya. Tumabi sakin si Scire!

Sumulyap ako sa kanya pero agad nitong inilagay ang headphone sa tenga. Tika, hindi ba sya makikinig sa discussion ni Ma'am? 

Sampong minuto nang nagtuturo si Ma'am pero hanggang ngayon ay nakaheadphone parin si Scire. Kanina ko pa sya tinititigan pero hindi parin ito namamansin. Hayy galit parin ba sya sakin? Nagbitaw ako ng hininga saka binaling ang tingin kay Ma'am. Hindi ko talaga alam kong bakit hinihila ang ulo ko pabalik ng tingin kay Scire. Eumee naman eh, huwag mo syang tignan baka bugahan ka ulit ng apoy niyan. Hindi ko talaga kayang pigilan ang ulo ko at kusang lumilingon ito kay Scire. Sa pagkakataong ito ay nahuli ko syang nakatitig sakin.

"Hehehe," Kaway ko sa kanya pero agad itong nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako ulit. Dumaan ang isang oras at hindi parin nag-sasalita si Scire. Sigurado akong galit sya sakin. Lumingon ulit ako sa kanya at nasa leeg na ang headphone nito. Nakatuon ang titig niya sa sinusulat ni Ma'am. Suminghap ako ulit saka napagdesyonang kausap sya.

"Scire," Hindi parin sya lumilingon sakin. Galit talaga sya sakin eh."Sorry kanina huh," Ngayon ay nilingon na niya ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Huwag mong sabihing isa rin sya sa nagpapa highblood sakin? Huhu.

"Tssss.." Ngiwi niya saka ulit ito nag-iwas ng tingin. Sige na nga lang. Hindi ko nalang sya kakausapin. Humalumbaba ako at pinilit ang sariling makinig sa bawat tinuturo ni Ma'am.

"Pss..Baboy!" Agad akong lumingon sa kanya na nakangiti. Matalim niya akong sinamaan ng tingin. Yey, kong ganon hindi na sya galit sakin. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya ng kaunti.

"Im sorry kanina huh, Galit ka ba sakin?" Nguso ko. Hindi niya ako kayang tignan ng diretso. May galit talaga eh. Binalik niya ang tingin sakin.

"Bakit naman ako magagalit? Bukod sa napaka panget mong mukha. Lumayo ka nga!" Itinulak niya ng mahina ang noo ko. Hinimas ko 'yon.

"Galit ka eh." Turo ko sa kanyang mukha kaya hinawi niya ang kamay ko. "O, tignan muna, galit talaga eh." Turo ko ulit sa mukha niya at hinawi niya ulit ang kamay ko.

"Tumahimik ka!" Iritasyon niyang tono. Humamukip-kip ako.

"Baka kasi galit ka dahil nakalimutan ko ang dapat sabihin ko kanina.." Nguso ko. Bahagyang syang lumingon sakon.

"Sabihin? Na ano?" Iritasyon niyang tanong.

"Na," Kinagat ko ang labi ko. Nag-taas ito ng kilay bilang pag patuloy ko sa sasabibin. Mas magagalit yata sya pag hindi ko sinabi. "Na, kamukha mo rin pala ang mga Minions.." Namilog ang mata niya sa sinabi ko. Umusok ang magkabila niyang tenga sa galit. Ang kanyang igting panga ay gumuhit. Napatakip ako sa bibig ko. OMG! May mali ba ulit ako? Huhuhu..

"Anong sabi mo?" Ulit niya. Patay! Tinakpan ko ng mahigpit ang bibig ko.  "Ulitin mo ang sinabi mo, Baboy.." Giit niya habang patalim ng patalim ang kanyang titig. "Kong hindi ka mag-sasalita ay hihilahin ko 'yang dila mo palabas." Pag babanta niya. Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko mula saking bibig. "Pakiulit sa sinabi mo kanina." Umiling ako ng ilang ulit. Hindi niya ba narinig? "Ayaw mo talagang magsalita huh?" Taas kilay niya.

"Scire," Saad ko kaya mas lalong kumunot ang noo niya. Nabigla ako sa paghampas niya sa mesa ko. Bumagsak ang mata ko sa itim na card mula saking desk. OMG! Sumulyap ako sa kanya.

"You're one of my hated list. Goodluck!" Magsasalita pa sana ako sabay ng pagtayo niya at ang malakas na tunog ng bell. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong pinulot ang itim na card sa desk. WELCOME TO HELL, basa ko sa isipan.

Tika? Waaaa. Dali-dali akong tumayo para sundan si Scire pero nakalabas na ito ng silid.

Nag jo'joke ba sya?

Welcome ba ako don sa Hell?


Patay! Goodluck, Eumee..






CONTINUE..

(PS) Bukas ulit. Inaantok na kasi ako. 😪😴

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon