CHAPTER》51

6.8K 251 68
                                    

Humagul-gol ako ng iyak sa harap ng katawan ni Morgan. Sa dami-dami ba naman ng tao sa mundo, bakit sya pa? Bakit?

Hawak-hawak ko ang bibig ko sa kakaiyak. Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng mamatay sya. Ang bait-bait nga niya sakin tapos tinulongan niya pa akong tang-galin ang palda ko sa upoan huhu!


"Morgan bakit ikaw?" Patuloy parin ang iyak ko.

"Eumee, tumayo ka dyan.." Si Ella saka ako tinulongang tumayo. Hindi ko sila magawang tignan dahil patuloy akong umiiyak.

"Eumee, tama na!" Hinimas-himas ni Candys ang likod ko. Hindi ko rin alam kong bakit ako napaiyak eh, naramdaman ko nalang ang pananakit ng aking dibdib.

"Si Morgan, wala na sya huhu! Wala na si Morgan.." Hilumagul-gol ako ng iyak. Sobrang sakit ng dibdib ko. Pano ang apat? Sigurado akong isa sila sa masasaktan ngayon huhu..


"Kilala mo ang kapitbahay namin?" Huh? Agad akong sumulyap kay Candys sa sinabi niya. Ang luha kong tumutulo sa mata ay tila naging yelo.



"Anong nangyari dito?" Agad kong inangat ang aking ulo ng tumambad sakin si Morgan at Scire. Literal akong nagulat. Narinig ko ang tawanan nila Ella at Candys sa gilid ko. Para akong nabuhosan ng malamig na yelo. Ano? Panong?


"Hoy baboy bakit ka umiiyak?" Si Scire na nakapamulsa. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang kaninay mabigat kong nararamdaman ay biglang binalotan ng kahihiyan. Kong ganon?

"Waaaaaa! Morgan buhay ka..Waaaa!" Dali-dali kong niyakap si Morgan. Hindi ko alam kong sinong tumulak sakin para yakapin sya. Naiiyak akong yumakap sa kanya. Naririnig ko pa ang tawanan nila Ella at Candys.

"Bakit? patay na ba ako?" Halakhak ni Morgan saka ako niyakap pabalik. Huhu! Ang sakit-sakit kaya ng dibdib ko kanina. Waaaa! Akala ko pa naman patay na sya.


"Tss, baliw na baboy.." Bumitaw ako sa pagkayakap saka sumulyap agad kay Scire. Nagkasalubong ang kanyang kilay habang tinitignan ako ng masama. Ngumuso ako saka binalik ang tingin kay Morgan.

"Iiyak ka ba talaga pag nawala ako?" *Dug dug dug* Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa katanongan niya. Sumulyap ako sa dalawa kong kaibigan at literal itong natulala.

"Oo," Sagot ko na ikinangiwi ni Scire. Anong problema ng isang to? "Kasi naman eh," Isa-isa kong pinunasan ang luha sa mata. "Sabi kasi ni Candys ikaw 'yon.." Turo ko sa lalakeng duguan. Natawa si Scire! "Bakit ka tumatawa Scire?" Bulyaw ko saka sya tinignan ng masama.

"Ka-si ang panget mong umiyak. Tulo pa sipon mo. Tss! Kaasar.." Iritasyon niyang sabi saka kami tinalikuran. Ngumuso ako! Binalik ko ang tingin sa tatlo.

"Maiwan ko muna kayo huh! I have to talk my parents.." Si Morgan. Sumulyap sya sakin saka ginulo ang bubok ko. "Huwag kang mag-aalala, hinding-hindi ako mawawala.." Kindat niya saka kami tuluyang iniwan. Natulala ako sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinapanunuod syang lumapit kay tita at tito.

Ilang sandali kami sa labas ng University ng napagpasyahan naming pumasok na sa school. Kapitbahay pala 'yon ni Candys at lasing'gero daw 'yon. Kahit nakainom ay namamasahero pa talaga ng motor. Ang anak non ay nagtratrabaho bilang  kasambahay sa bahay nila Ella. Kaya umiiyak si Tita Mary kanina dahil kotse niya ang nakabang-ga sa motor ng lasang'gerong 'yon. Hayy akala ko talaga eh si Morgan. Bakit ba kasi pare-pareho ang mga pangalan ng mga tao dito sa mundo. Ewan ko lang talaga huh!

Nakabusangot ako habang nakikinig sa discussion ni Ma'am Casim-siman. Sumasagip parin sa isipan ko ang nang-yari kanina. Kinabahan ako tuloy! Buti nalang talaga eh, buhay pa si manong lasang'gero. Humalumbaba ako!

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon