CHAPTER》8

7.6K 265 7
                                    

EUMEE point of View..

Hawak-hawak niya parin ang braso ko habang naglaban kami ng titig. Ang daming gumuguhit na iritasyon at galit sa mukha ni scire.

"Baliw na baboy nakikinig ka ba?" Bumalik ang diwa ko ng sinigawan niya ako malapit sa mukha. OMG!

"Scire? anong ginagawa mo dito?" Normal kong pag-iisip na tanong. Binitawan niya ang braso ko saka sya bahagyang umatras.

"Nagtatanong ka pa? eh napilitan lang akong pumunta dito dahil kay ella. Pano kasi may kaibigan syang baliw, baboy at bubo pa!" Mahinahon niyang sabi saka ako tinignan head to toe. Sinundan ko sya ng tingin.

"K--asi.." kati ko saking batok saka ito sumulyap sakin. Bumalik ang masama niyang tingin.

"Alam mo baboy, nasasayang ang oras ko ng dahil sayo. Bakit ka kasi sumama kina marina? ano bang pumasok sa utak mo?" Sigaw niya ulit sakin. Humalukip-kip ako saka yumuko. Bakit sya nagagalit? wala naman akong ginagawang masama eh.

"Wala namang pumapasok sa utak ko eh! Hindi ko alam na may pintoan pala ang utak ko.." Mas lalong umuusok ang tenga niya sa sinabi ko. Ginulo niya ang kanyang buhok saka ito sumigaw ng ilang ulit. OMG, huwag mong sabihin na may kuto na si scire.

"Agh. Ang slowmo! ang panget-panget mo pa ang hina-hina pa ng utak mo.. Bw*s*t!" Ginulo niya ulit ang kanyang ulo sa iritasyon.

Lumapit ako sa kanya!

"Scire kailangan nating kunin ang mga kuto sa ulo mo baka dumami.." Nagsimula na akong humiman sa ulo niya ng bigla niya akong tinulak.

"Agh." Kati niya ulit sa kanyang ulo. Naku, mukhang madami-dami ang kuto ni scire. Ano ba yan ang gwapo-gwapo pero ang dami namang lisa at kuto."Mas mabuti pang umalis na tayo dito.." Tinalikuran niya ako agad saka sya nagtungo sa pintoan. Hayy siguro ay pagsasabihan ko si ella para naman sya mismo ang kukuha ng mga alaga ni scire sa ulo nito hehehe. Sumunod ako sa kanya ng napagtanto kong nakatayo parin ito sa pintoan.

"Oh..Bakit nakatayo ka pa dyan?" Dahan-dahan syang lumingon sakin na igting panga.

"Nakasara.." Saad niya. Oo nga nakasara nga yan. Hayy minsan talaga ito si scire kay galing mag joke.

"Edi buksan natin.." Tinulak ko ang pintoan pero hindi ito mabuksan. Tinulak ko ng ilang ulit pero hindi talaga. OMG!

Huwag mong sabihing???????

"Scire mukhang kailangan ng password.." Mas lalong nagalit ang mukha niya kaya ngumuso-nguso ako.  Malay naman kasi natin eh. Yun kasi ang nakikita ko sa mga TV.

"Tanga.." Bagsak boses niya saka ulit tinulak-tulak ang pintoan."FUCK!!!!!!!!!" sipa niya sa pintoan ng ilang ulit."Buksan nyo to!" Sipa-sipa niya sa pinto."Buksan nyo to sabi..... Kong malaman ko lang kong sinong nagsara nito ay malalagot talaga sakin." Sinipa nya ulit ang pintoan saka ito sumulyap sakin."Oh ayan baboy ng dahil sayo ay mananatili tayo dito.." Sigaw niya sakin ulit saka nagtungo sa kinauupoan ko kaninang upoan. Ngumuso ako saka sinubukang itulak ng ilang ulit ang pintoan.

"Huhu bakit ayaw bumukas? Waaaaaaa..Please buksan nyo ang pinto..." Tinulak-tulak ko iyon ng ilang ulit pero ako lang ang nasasaktan. Lumingon ako kay scire at may tinatawagan ito sa phone niya.

"Shit! walang signal dito.." Mura niya saka lumingon sakin."Kasalanan mo ito baboy. Kong sana hindi ka tanga edi sana nasa bar ako ngayon at umiinom.." Sigaw niya. Ngumuso ako ulit!

"Sino ba kasing nagsabi sayo na pumunta ka dito?" Bumalik ang diwa ko kaya literal syang nagulat. Sinamaan niya ako ng tingin bago ito umiwas ng titigan. OMG, nagalit ko yata sya. Nagtatanong lang naman ako eh!

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon