EUMEE point of View..
Pagkatapos ng pasko ay balik sa normal ang katahimikan sa buong paligid. Ang mga fire works sa langit ay namimiss ko tuwing gabi. Ang mga nanga-ngaroling sa labas ng bahay ay hinahanap-hanap ng pandinig ko. Nanatili akong nakabulagta sa kama habang nakatitig sa kisame. Maagang pumasok si Phobee sa kwarto kanina para mag-paalam. Bibisitahin niya ang puntod ni popa at 'yon ay araw-araw kong ginagawa pagkatapos ng klase ko. Hindi na ako sumama dahil gusto kong bigyan sila ng oras ni Moma.
Wala akong magawa at hindi ko alam kong ano rin ang gagawin ko huhu. OMG! Mukhang busy rin ang mga kaibigan ko ngayon. Hinilamos ko ang aking mukha! Saan ba ako magsisimula? Pano ko sasabihin kay Phobee ang lahat? Kailangan kong kausapin si Scire. Dapat nanaming aminin kay Phobee.
*Beep*
Bumalik ang diwa ko ng tumunog ang aking phone. Dali-dali kong inabot 'yon sa desk.
Minions Love💓:
Goodmorning baboy.Mahal ba talaga ako ng minions na 'to? Mareplayan nga.
ME: Tseeee!
Minions Love💓: Anong tsee? Hindi ako aso.
ME: Ah hehehe nakalimotan ko, minions ka pala.
Minions Love💓: Ganyan ka ba mag goodmorning sakin?
ME: Ikaw din naman ah! Ginawa mo nga akong baboy, edi gagawin kitang aso. Tsee!
Minions Love💓: Pag ako naasar, kakainin na talaga kita.
ME: Omg...Scire kailan ka lang naging zombie? Waaaaa..Astig!
Minions Love💓: Tsss, kaasar!
ME: HEHEHE!
Minions Love💓: K
K? bakit yon lang ang reply niya? Huhu konektado agad sa dibdib ko ang sobrang sikip. Gusto ko syang replayan, pero sabi ng isip ko huwag dahil baka ang kasunod niya irereplay sa letrang K ay L tapos ang kasunod ay M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. Ayaw ko! Bahala na, hindi ko nalang sya ri'replayan. Binalik ko ang phone sa gilid ng kama ko sabay ng pagtunog nito ulit. Dali-dali ko 'yong inabot! Lumapad ang ngiti ko ng bumungad sakin ang pangalan niya sa screen.
Minions Love💓: Bakit hindi ka nag ri'replay? may katext ka bang iba dyan?
ME: Eh, anong isasagot ko sa K?
Minions Love💓: Ede mag-isip ka kong anong isasagot mo. Hoy baboy ayaw na ayaw kong binabaliwala mo ako huh..
ME: Hindi naman kita binabaliwala eh. Huhu!
Minions Love💓: Dapat lang..Tandaan mo! Akin ka lang Eumee.
ME: Waaaaa...pati 'yong akin? sayo narin?
Minions Love💓: Putang'ena! Ano bang pinagsasabi mo?
ME: Kasi sabi mo, sayo ako. Huhu huwag naman pati ang akin ay aangkinin mo rin. Waaaaa! Scire huwag..
Minions Love💓: HAHAHA! magiging akin din yan, pagdating ng panahon.
ME: Omg...Kaya pala niligawan mo ako? para lang makuha ang akin? Ganon ba? waaaaa..magnanakaw ka noh? sabihin mo sakin! sabihin mo sakin!
Minions Love💓: Tsk! Ang tanga talaga kahit kailan.
ME: Pero minahal mo naman.
Minions Love💓: Tss. Buti alam mo, kaya ikaw mahalin mo rin ako ng sobra.
ME: Mahal na mahal kita Scire.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...