Bumuhos ang luha ko nang makalapit sakin ang lalake. Sinamaan ko ng tingin si Scire. Hahayaan niya lang ba akong mahulog sa Aquarium? Humagul-gol ako ng iyak.
"Ready boss," Ang lalakeng nasa likuran ko at handa nang sipain ang upoan. Sumulyap si Scire sakin na wala paring ekspresyon ang mukha. Umuungol ako at tila nang-hihingi nang tulong kahit malabong may makakarinig sakin.
"Sige, itulak mo na yan!" Mas lalong nanlaki ang mata ko. Ramdam ko na ang pwersa nang lalake mula sa likuran at handa na akong sipain. Pumikit ako! Ito na ang kataposan ko. Hindi manlang ako nakakain kahit sa huling pagkakataon.
"Subukan mong ihulog ang baboy na yan' kundi makakatikim ka sakin." Naramdaman kong tumigil ang lalake. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hinubad ni Scire ang kanyang sombrero saka ito itinapon sa sahig."Ang babakla nyo! Ang lalake ng katawan nyo ang papanget pa ng mga mukha nyo." Asar na wika ni Scire kaya nagkatinginan ang mga lalake.
"Bakla pala ah!" Sinenyasan ng boss nila ang dalawang lalake saka ito sumugod kay Scire. Nababaliw na ako sa kinauupoan ko ngayon dahil ito ang unang pagkakataong makakita ako ng rumble. Kitang-kita ko sila mula dito sa ibabaw.
Sumugod ang isa saka aambang ihahampas ang tubong dala nang inuhan ito ni Scire sa pag-sipa sa kanyang tyan. Napaluhod ang lalake, saka sumugod ang isa pa! Hinampas niya ang tubo at umilag si Scire pa atras. Hinampas niya ulit ang tubo kaya sinalo iyon ni Scire sa isang kamay lang saka hinila ang kamay ng lalake patalikod at inikot niya iyon rason kong bakit sumigaw ito sa sakit. Sinipa ni Scire ang likod nito kaya nasub-sob ito sa sahig. Literal na natahimik ang lahat.
"Ang hihina nang mga taohan mo!" Bagsak boses ni Scire. Umungol ako at umiling. Hindi sya dapat nandito. Kailangan niya ng umalis.
"Kayong tatlo, Itumba nyo ang hambog na yan!" Lumapit ang tatlong lalake na mas malaki pa ang katawan nito. Iminuwes'tra nila ang tubong dala saka pumwesto sa pag atake. Natawa si Scire!
"Humanda ka!" Sabay nang tatlo saka ito sumugod. Sabay nilang inihampas ang tubo at isa-isa itong inilagan ni Scire. Sinipa niya sa tuhod ang isang lalake saka ito sinuntok sa mukha. May aakmang hahampas sa ulo niya ng agad syang yumuko saka sinipa ang tuhod ng lalake kaya natumba ito. Nakahiga si Scire nang sumugod ulit ang isa kaya gumulong sya kaya ang natamaan ay ang sahig. Dali-dali syang tumambling nang pahiga saka sinuntok ang lalake sa panga. Bagsak ang tatlo!
Hingal na hingal si Scire na humarap sa kanila. Bawat hininga niya ay may tensyon at galit. Umungol ulit ako at gusto kong umalis na sya. Hindi niya kailangang gawin ito.
"Yun lang ba? Sisiw.." Hambog nitong sabi saka inayos ang jacket niyang suot. Umigting ang panga ng boss nila saka sinenyasan ulit ang apat! Nanginig ang tuhod ko ng may dala itong kabelya at mas malalaking tubo. Umiyak ako sa takot!
"Scire, Please! Umalis kana! Hayaan muna ako dito.. Scire!" Sigaw ko sa isipan. Bumuhos ang luha ko! Natatakot ako para kay Scire. Bakit mag-isa syang pumunta dito.
"Tignan natin kong kaya mong labanan ang apat kong taohan!" Natatawang saad ng kanilang boss. Humalakhak si Scire at walang bahid na takot ang mukha nito.
"Sige lang, dahil sisiguradohin kong pagkatapos nito ay ikaw ang isusunod ko.." Awtoridad na sambit ni Scire saka walang pag alinlangang sumugod sa apat. Nagulat ang apat sa biglaang pagsugod ni Scire. Inihampas ng lalake ang dala niyang kabelya saka ito sinalo ni Scire at hinila sya. Ipinulupot niya ito sa leeg na agad ikinasugod ng isang lalake para hampasin si Scire, nang hinarang niya ang lalakeng hawak niya at iyon ang natamaan ng tubo. Napaubo ito ng dugo. Itinulak ni Scire ang lalakeng nakapulupot sa kabelya saka niya inagaw ang tubo ng lalakeng kanina saka niya ito hinampas sa ulo. Bumulagta ito sa sahig na agad ikinasugod nang dalawa. Bawat hampas nila ay iniilagan ni Scire. Bitbit niya ang tubo at mukhang naghahanap ng tsempo para humigante. Nasa kanan ang isa at nasa kaliwa naman ang isa. Hinimas ni Scire ang kanyang labi saka hinampas ang nasa kanan na agad ikinasugod ng isa kaya natamaan sya sa likod. Napayuko si Scire, kaya hinampas ulit sya ng lalake nang isinalo niya agad ito at sinuntok ang tubo sa mukha. Napapikit ako dahil ramdam ko ang sakit sa bawat nakikita.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...