Dedicated to: (@ClarissaPaulaAmaro)
CANDY'S point of View..
Dali-dali kong inayos ang aking sarili sa salamin. Mula sa buhok, light make-up at damit. Maganda ka Candys, kahit hindi kana mag-ayos lilitaw at lilitaw parin ang totoo mong ganda.
Huwag ng pumalag.
Kaylangan kong pumunta sa school para bayaran ang balance ko para sa 3rd grading namin. Hindi na ako pumupunta kay papa simula nong awayan namin ni Patricia. Hindi ko alam dahil may pumipigil sakin na pumunta sa doon. Naalala ko kasi si mama dahil para ko narin syang pinahiya sa harap ng pamilya nila Patricia. Nag-sisi na ako ngayon. Tama nga sila, nasa huli ang pag-sisi at nasa huli ang realization.
Suminghap ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Wala si mama at maaga itong nag-bukas ng kalenderya namin. Naawa na ako kay mama dahil hindi niya alam na nawalan ako ng scholarship sa university. Maging si Ella at Eumee ay walang ka alam-alam tungkol dito. Oo, may kaya silang pabalikin ang scholarship ko pero ayaw ko namang maging humble dahil mayayaman ang mga kaibigan ko.
Ang kaylangan kong gawin ngayon ay itago ang tungkol dito.
Dali-dali akong nag-pahatid kay manong kokey sa school. Mabuti nalang at hindi sya nagtanong tungkol sa pagpunta ko sa school. Maliban nalang kong hindi niya sasabihin kay mama na nagpahatid ako sa araw na ito. Bukas na ulit ang simula ng klase. Pagkatapos ng bagong taon ay isang panibagong simula ulit. 2017 na, pero hindi parin ako tumatangkad. 2017 na, pero still single parin ako. Hayy!
"Manong salamat po," Dali-dali akong bumaba saka pumasok narin sa school. May iilang studyanteng nagtatambay sa many forest, playground at bench. Mukhang tinatapos ang kanilang project. 2017 na mga best, pero hanggang ngayon ay hindi parin kayo tapos sa mga project na yan?
Natawa ako sa iniisip ko ngayon. Dumirekta na ako sa cashier. Walang tao mula sa bintana ng cashier kaya minabuti kong tumungo agad doon. Luminga-linga pa ako sa paligid at mukhang wala naman akong kakilala dito.
Sumulyap ako sa bintana na hugis bilog.
"Goodmorning ma'am," Dumungaw sakin ang babaeng mataba na kulot ang buhok.
"Yes anong maipag-lilingkod ko?" Pormal nitong saad.
"Babayaran ko po sana ang kulang ko sa tuition, Candys Zalar from section C-A." Pinapanunuod ko syang halungkatin ang computer. Luminga-linga ako sa paligid na sana walang makakakita sakin ngayon.
"Candys Zalar? Paid kana miss, wala ka ng bayarin.." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Paid? Tika lang. Pano nang-yari 'yon? Sa pagkakaalala ko ay may limang libo pa akong balance.
"Im sorry ma'am, pwede paki double check.." Nag-taas sya ng kilay saka binalik ang tingin sa harap ng computer. Pinapanunuod ko sya at tama naman ang naisulat nito.
Binalik niya ang tingin sakin.
"I already check it twice, at wala kana talagang babayarin.." Pero pano? Wala namang may alam tungkol dito bukod kay Luxx. Pero bakit naman 'yon gagawin ni Luxx?
"Sandali lang po ma'am huh.." Tumango ito saka ko dali-daling hinalungkat ang phone.
Typing..
Hi Luxx, may itatanong lang ako sayo. Ikaw ba ang nag-bayad sa tuition ko? Message sent. ✔
Hawak-hawak ko ang phone ko at hinihintay ang reply niya. Ilang sandali lang ay may reply na sya.
From: Luxx
H-huh? hindi ako ang nag-bayad. Nasan ka ba ngayon? pupuntahan kita.Typing..
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...