CHAPTER》75 THE ENDING:

9.5K 311 70
                                    

PHOBEE point of View..

Titig na titig ako kay Moma habang umiiyak sya. Ang kanyang mata ay namamaga at halos sumingkit ito sa kakaiyak. Sobrang sakit na makita syang ganito. Minsan ko ng makita si moma na ganito kaseryoso at halos hindi hindi nagsasalita. Palagi syang tulala at wala rin akong lakas na loob para kausapin sya. Nagkamali ako, kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kong sana ay naprotektahan ko si Eumee ay hindi sana nang-yari sa kanya ito.

Nagbuga ako ng hininga bago napagpasyahang lumapit kay Moma. Bit-bit ko ang isang tray na may pag-kain para sa kanya. Kaylangan niyang kumain dahil ilang buwan na syang ganito. Dalawang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon ay nag-hihintay parin si Moma ng miraglo. Inaamin ko hindi ako naniniwala sa mga miraglo na yan. Pero simula nong nang-yari kay Eumee ay palagi kong dinadasal na sana ay magkakatotoo ang miraglo na inaasam namin.

"Moma, kain na po kayo." Sumulyap sya sakin na may luha sa mata. Kinirot ang puso ko at tila nahahawa ako sa mga luha ni Moma. Alam kong nasaktan sya ng lubusan dahil sa nang-yari kay Eumee.

"Wala akong gana," Sagot niya bago nag-iwas ng tingin. Bagsak ang mag-kabila kong balikat.

"Patawarin nyo ako moma. Kasalanan ko ang lahat kong bakit nang-yari ito kay Eumee," Isa-isang tumulo ang luha ko sa sakit. Sumulyap sakin si moma na walang ekspresyon ang mukha.

"Walang may gusto sa nangyari kay Eumee. Kong sinisisi mo pa ang sarili mo hanggang ngayon, kalimutan muna dahil ayaw na ayaw ni Eumee 'yan." Wika ni moma. Dahan-dahan akong tumango bago nag-punas ng luha. "Magpahinga kana. Ako na ang mag-babantay kay Eumee.." Tumango ako bilang sagot. Binaling ulit ni moma ang kanyang tingin kay Eumee.

Nasasaktan ako sa sitwasyon niya ngayon. Ang iilang machine at dextros na nakalabit sa ibang parte ng kanyang katawan. Sorry Eumee. Alam kong nahihirapan kana at gusto munang mag-pahinga. Patawarin mo kami dahil ayaw naming sumuko. Hindi ka namin isusuko twinny.

Bumulagta ako sa kama na may luha pa sa mata. Sobrang nahihirapan na si moma at hanggang ngayon ay umaasa syang mabubuhay si Eumee. Dalawang buwan na syang comatose, at tanging makina lang ang nag-papatibok ng kanyang puso.

Na-aalala ko pa kong pano gumuho ang mundo ni Scire.

                   [FLASHBACK]

Humagul-gol si moma habang hawak-hawak ang kamay ni Eumee. Nasa iisang kwarto kaming lahat. Si Tita Monica at tito Justin. Nandito rin si Scire, Ella, Morgan kasama si Candys at Raevin. Halos alingaw-ngaw ang iyakan ang bumabalot sa private room ni Eumee.

"Kaylangan naming umalis," Biglaang sambit ni moma sa lahat. Hawak-hawak ni Zake ang kamay ko bilang pakalma.

"Besty...pag-usapan naman natin ito oh," Si Tita Monica. Tinignan sya ni moma na walang ekspresyon ang mukha.

"Ano pa ang pag-uusapan natin? Madam... buhay ng anak ko ang nakataya dito. Anak ni Joe, na ipinangako kong aalagaan ko. Narinig nyo naman ang sinabi ng doctor diba? Patay na si Eumee at tanging machine lang ang nag-papagana sa puso niya. Kong tatanggalin ang makinang 'to ay tuluyan ng mawawala samin si Eumee. I'm sorry madam..pero kaylangan naming pumunta ng state.." Mas lalong nag-iyakan ang mga kaibigan ni Eumee. Si Scire na halos sinabi na pag-mumura sa buong mundo.

"Ninang sasama ako," Nakuha ni Scire ang aming attensyon. Umigting ang panga ni moma.

"Para saan pa Scire? H-indi nakakabuti sayo si Eumee. At ikaw naman ang may dahilan ng lahat ng ito diba? bakit ka pa sasama?" Natahimik ang buong paligid sa sinabi ni moma. Tila natakot at walang sinoman ang gustong sumambit. "Pasensya kana Scire. Ayaw ko ng makita ka pa ni Eumee. Lalayo kami dito para iwasan ang mga gulo na nagawa nyo. Huwag nyo ng damayin ang anak ko. Hindi na kami babalik dito!" Huling sabi ni moma saka ito nag-lakad palabas. Hinabol sya ni tita Monica at hinila ito sa may braso.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon