CHAPTER》67

5.9K 215 43
                                    

EUMEE point of View..

Ramdam na ramdam ko ang pananakit at hapdi ng aking pisnge. Sinampal ako ni Phobee at hindi ko alam kong bakit. Hawak-hawak ko ang pisnge ko, kong saang bahagi niya ako nasampal. Hindi ko nalang namalayan na isa-isang tumulo ang luha ko. Ang sakit at tila namanhid ang katawan ko!

Hinayaan kong tumulo ang luha ko sa nararamdaman ko ngayon.

"Phobee, bakit mo ako sinampal?" Namamaos ang boses ko. Nanginig narin ang kamay ko sa pagkakataong ito. Habol-habol ni Phobee ang kanyang hininga.

Hindi ko sya maintindihan!

"Bakit di mo sinabi sakin? bakit mo itinago sakin ang lahat? Kailan mo pa ako trinaydor twinny. Hindi mo alam kong gano ako nasaktan sa ginawa mo, you betray me. You hurt me! How could you do this thing twinny, you're liar!" Isang panibagong sampal ang natamo ko sa kamay niya. Tumagilid ang mukha ko sa pangawalang pag-kakataon. Ang luha kong patuloy ang agus, at halos hindi ko na sya makita.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya!

"Phobee, hindi kita maintindihan.." Paos parin ang boses ko. Hawak-hawak ko ang dibdib ko. Ang ulo ko'y nag-simulang sumakit.

"Ang galing mong umakteng huh? Ang galing mo, napakagaling mo." Tinuturo-turo niya ako sa dibdib. Napaatras ako sa ginawa niya. Pareho kaming umiiyak! Ang bawat anggulo ng kanyang mukha ay sobrang galit.

Hinawi ko ang luha ko!

"Phobee," Tanging naisagot ko. Sa pagkakataong ito ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. Kasalanan ko! Oo, kasalanan ko ito.

"Ang daya mo naman twinny," Umagos ang luha niya habang sinasabi 'yon. "Pati mahal ko, minahal mo." Mas lalo akong napaiyak sa mga luha ni Phobee. Nasaktan ko sya, wala akong kwentang kapatid. "Alam mo namang mahal ko si Scire diba? pero bakit mo nagawang agawin si Scire sakin. Bakit? ang sakit twinny, ang sakit-sakit.." Tinulak-tulak ni Phobee ang kanyang dibdib.

"Phobee," Lumapit ako sa kanya ngunit umatras lang ito. Bumuhos ulit ang luha ko. "Phobee, Im sorry.." Humagul-gol ako ng iyak. Hindi ko alam kong anong isasagot dahil kasalanan ko. Dapat ako nalang ang umiwas, dapat kinalimutan ko nalang ang nararamdaman ko para kay Scire.

"Sorry?" Tinulak niya ako. "Sorry? para saan?" Tinulak niya ulit ako sa balikat. Bawat tulak sakin ni Phobee ay ang mga luhang patuloy ang agus sa sakit. "Mahal ko si Scire, Eumee. Gustong-gusto ko sya, pero anong ginawa mo? Inagaw mo sya sakin. Sinamantala mo ang pagkakataong wala ako dito, at malayo ako para kay Scire. How dare you!" Tinulak-tulak niya ako sa balikat. Hindi ko mapigilang humagul-gol. Hindi ko magawang lumaban. Tama lang siguro ito para sakin. "Anong klaseng kapatid ka Eumee," Mas lalo akong nasaktan dahil sa pagtawag niya saking pangalan. Ito ang kauna-unahang tinawag niya ako sa pangalan. "Bakit ayaw mong mag-salita huh? Bakit? dahil malandi ka Eumee, malandi ka!" Naikuyom ko ang aking kamao. Napapikit ako sa sakit! "Wala kang kwentang kapatid, ang sabi ko sayo bantayan mo si Scire, hindi ko sinabing landiin mo sya. Mang-aagaw ka!" Sigaw niya bago ako tinulak ng napakalakas. Napaupo ako sa sahig rason kong bakit ako mas lalong naiyak! Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko.

"Jesus, anong nang-yayari dito?" Tinulongan ako ni yaya Magna tumayo. Hindi ko na maramdaman ang pananakit saking pwet dahil mas nangi-ngibabaw sakin ang pananakit sa dibdib. Hindi ko mawari ang mga luha na patuloy parin ang agus.

"Phobee, hindi ko inagaw sayo si Scire.." Sagot ko na ikinalakhak niya kahit naluluha. Maging si yaya Magna ay nagulat.

"O-h really?" Halakhak niya. "What are you trying to say? na isa kang matinong babae? nakikipag yakapan sa labas ng school? nagyayakapan sa sport bucks habang nag bo'bowling? Huh? ganon ba?" Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Sobrang sakit ng pinagsasabi niya. Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon