EUMEE point of View..Kanina ko pa pinapanunuod si Phobee na isinusukat niya sakin ang iilang damit na binili niya para sakin. Kararating lang nila ni Moma galing Mall. Tuwing linggo ay ganito naman ako lagi, whole day makikipag-laro kay Tinker bell.
"Twinny, bagay sayo 'to oh!" Idinikit niya sa katawan ko ang isang kulay blue na dress. Kanina pa ako nakaharap sa salamin at tinitignan ang sarili mula roon. Medyo pumayat nga ako, maliban sa bil-bil kong hindi ako iniiwan. Pano kasi pagkatapos kumain ay agad uupo, o kaya hihiga. "Ito pa twinny, kaylangan mong suotin ito huh? You're so pretty with the blue one, hmhmhm but I think mas puputi ka sa pink dress." Hawak-hawak niya ang dalawang dress. Nasa kaliwa ang blue, at nasa kanan ang pink. Hayy nahihilo na ako sa pinag-gagawa ni Phobee. Sumulyap sya sakin na nakangiti. "What do you think?" Paulit-ulit taas kilay niya. Pink or blue? Hayy parang sa beauty and the beast lang.
"Pwede both? Wala akong mapili eh.." Nguso ko kaya natawa sya. O kaya pwede kong isabay isuot yan.
"Twinny hindi pwede, hmhmhm okay, let's try this blue one." Ibinigay niya agad sakin ang kulay blue na dress. "Dali-dali mag-bihis kana." Itinulak-tulak niya ako papasok sa banyo. Huhu ginawa akong barbie ni Phobee. Kanina pa niya ako binibihisan.
Isinuot ko ang dress. Paglabas ko ay bumungad sakin si Phobee na nakasuot din ng kulay blue na dress. OMG! Dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Phobee, ang ganda mo. Bagay sayo!" Umikot-ikot sya sa harap ko.
"Tulad ng ginagawa natin noon diba? Terno ang sinusuot natin." Masaya niyang saad. Biglaang bumigat ang damdamin ko. Hindi ko alam pero sobrang sarap sa pakiramdam dahil sa mga ngiti niya ngayon. "Oh, i forgot." Dali-dali niya akong pinaupo sa kama. Hinalungkat niya ang kanyang bag saka ako sinimulan ayusan. Mula sa kilay, mata at labi. Mga limang minuto akong inayusan ni Phobee saka namin napagpasyahang umalis.
Pumunta kami sa Mall. Ang dami naming ginawa ni Phobee. Kumain, naglaro sa hiro's, namili ng mga damit at syempre bumili narin ako ng mga damit ni Tinker bell. Syempre 'yong sukat pang baby. Ganong damit kasi ang lagi kong binibili sa kanya Hehehe! Minsan nga naisip ko, bilhan ko kaya sya ng new born? o kaya clubs? Sigurado akong bagay na bagay kay Tinker bell 'yon. Kaya lang malaki na sya, hindi na sya bata. Hayy! Di bale nalang swimsuit nalang 'yong bibilhin ko para sa kanya.
"Twinny, mag pa photoshot kaya tayo?" Sumulyap ako kay Phobee. Sobrang lapad ng kanyang ngiti. Photoshot? Mukhang nakaka-engganyo.
"Sige, para may bago tayong larawan. Tsaka, para narin ma display natin sa bahay.." Masaya syang tumango-tango. Hinila niya ako agad papasok sa photomaker. Nagpakuha kami ng maraming larawan. Sobrang lungkot ko dahil simula nong umalis si Phobee ay lagi akong mag-isa sa kwarto. Pero nong bumalik sya ay hindi narin ako nag-iisa sa pagtulog dahil simula kagabi ay tabi na kami sa kama. Miss na miss ko na ang kambal ko. Kahit minsan ay hindi kami nag-away, kahit minsan ay hindi ko sya narinig na nagrireklamo sa mga kabaliwan ko. Sa tuwing pinapagalitan ako ni Moma ay nandyan sya para ipag-tanggol ako. Lalo na sa mga ka klase naming nambubully sakin noon.
Nag-simula akong tumaba ay nong nawala si Popa samin. Pag palagi akong umiiyak ay pagkain ang nasasambit ko. Sa tuwing nasasaktan ako ay pagkain ang hinahanap ko. Dahil sa pagkain ay gumagaan ang pakiramdam ko, dahil sa pag-kain lang ako natutong sumaya.
Sampong minuto kaming naghintay para sa mga kuha naming larawan. Hawak-hawak ni Phobee ang kamay ko habang tinitignan namin ang lalakeng nag e'edit saming larawan. Hindi ko maibsan ang mga ngiti ko ngayon. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam.
Matapos ma photo'copy ay binigay na samin ang larawan. Mga higit sampu siguro ang mga larawang 'to.
"Gosh, Im so excited! Dali buksan muna ang envelop.." Si Phobee na excited na excited. Dali-dali kong binuksan ang envelop. Bumungad samin ang iilang larawan naming dalawa. OMG! Ang ganda namin. "Wow.." Mangha niya habang sinusuri ang larawan. "I think were gonna put this one, to the office of Moma." Pinakita niya sakin ang magandang larawan namin. Hawak kamay kami sa larawan habang nakabahagyang nakatalikod. "Ano sa tingin mo?" Sulyap niya sakin. Dahan-dahan akong tumango.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...