Nagpahatid ako kay manong butsoy papuntang Herrera bar. Ano kaya ang dapat kong gawin para hindi makapasok ang mga masasamang pera sa bar. Hayy kailangan kong magmasid!
Sumandal ulit ako sa backrest ng kotse saka nag-isip ng paraan. Hayy ano ba yan walang pumapasok talaga sa isip ko eh. Bahala na nga doon nalang ako mag-isip!
Nakarating kami sa bar around 6:30Pm. Dali-dali akong bumaba sa kotse saka kina-usap si manong butsoy.
"Manong huwag muna akong hintayin.." Kumaway ako sa kanya saka sya tuluyang iniwan. Baka kasi magtanong sya tungkol kay tinkerbell. Baka malaman niyang sumama sa iba si tinkerbell huhuhu. Inayos ko ang sarili ko saka umakteng ng pormal. Nandito ako sa bar at lahat ng nandito ay mayayaman at big time. Iyon ang sabi sakin ni moma eh! Lagi naman ako dito noon. Dinadalhan ko ng lutong bahay si moma noon. Pero lagi niya lang namang binabalik sa bahay. Ewan ko nga kong bakit.
"Goodevening miss eumee.." Ang dalawang bouncer na nasa main door. Taas noo akong humarap sa kanila.
"Goodevening!" Sagot ko saka sila nilagpasan. Bumungad sakin ang malawak na dancefloor at mini stage sa gitna. Ang iilang mang-nginginom sa mesa ay may kasamang mga babae. Tumingala ako sa second floor at may iilang costumer din na nakadungaw mula sa lobby. Tumungo na ako sa counter at tumambad sakin si polly.
"Miss eumee!" Napatayo sya ng matuwid ng mapadpad ang mata niya sakin. Ngumuiti ako ng kunti na para bang striktang ngiti iyon. Pumasok ako counter saka pumalit sa pwesto niya.
"Can you open the drawer for a while!" Taas kilay ko.
"Yes miss eumee.." Dali-dali syang nagpindot sa computer at tinype ang kanyang code sa drawer. Bumukas ang drawer at tumambad sakin ang makapal na pera mula sa 20 hanggang isang libo. Kinuha ko ang pera saka ko sinuri iyon. Kita mula sa gilid ng mata ko kong pano tumitig sakin si polly kaya sumulyap ako sa kanya. Napatuwid ulit ito ng tayo kaya binalik ko ang tingin sa pera. Binalik ko ang pera sa drawer saka iyon tinulak at sinara.
"Wala bang masamang nakakapasok dito?" Tanong ko sa striktang tanong.
"Wala naman po miss eumee. Bantay saradu po lahat ng limang bouncer natin." Sagot niya na ikinunot ng noo ko. Luminga-linga ako sa paligid at mukhang maayos naman ang takbo ng bar. Ang tatlong bartender na gumagawa ng kakaibang trix para maaliw ang umiinom mula sa counter. Binalik ko ang tingin kay polly na ngayon ay nakahalukip-kip.
"Dito ka lang sa counter at magbabantay ako sa maindoor. Huwag na huwag kang aalis dito ng hindi ako dumadating.." Nagulat sya sinabi ko at literal syang natahimik.
"Po? anong gagawin nyo sa bouncer area miss eumee?" Pabalik niyang tanong kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Huwag ka ng magtanong at sumunod ka nalang.." Nagmamalditahan kong sabi kaya yumuko sya. Hayy naku si ateng hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang gagawin ko baka isumbong niya sa mga kasamahan niyang pera dito hehe! Iniwan ko si polly saka ako nagtungo mula sa maindoor. Kailangan kong bantayan ang mga perang pumapasok sa bar at yun ang sabi ni moma.
"Leloy, bernard! Ako muna ang magbabantay dito.." Sabay silang nanlaki ang mata.
"Po miss eumee!" Si bernard na kasing laki ng katawan ni hulk. Nag taas ulit ako ng kilay bilang pigil.
"Sige po miss eumee!" Yumuko silang dalawa saka ito umalis sa kanilang pwesto.
"Doon kayo sa dancefloor magbantay." Nguso kong turo saka sila agad umalis. Taas noo akong luminga-linga sa labas ng bar. Kailangan kong magbantay. Sabi ni moma minsan na syang naluko kaya sa pagkakataong ito ay kailangan kong maging agresibo. Napatuwid ako ng tayo na may naaninag ako ng mga kalalakihang papasok sa bar. Nang makalapit sila sakin ay agad kong hinarang ang aking magkabilang kamay. Literal silang nagulat sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...