CHAPTER》54

8K 242 61
                                    


Nanatili akong nakayakap kay Morgan. Hindi ko mapigilang umiyak, bakit ko nga ba nararamdaman ito. Bakit ba kay lakas ng impact sakin ng sinabi ni Scire. Minsan naiisip ko, nagiging assumera na siguro ako gaya ng sinabi ni Marina. Baka kasi char-char lang yong sinabi niya sakin. Baka joke-joke lang 'yong mga pinapakita niya saking motebo. Pano ako maniniwala eh, alam na alam ko kong sino ang hinahanap niya.

"Anong nanyari?" Si Morgan. Dahan-dahan akong humarap sa kanya na luhaan. Ang puso koy nagsimula ulit kumabog. Nanatili akong humagol-gul. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisnge. Napapikit ako sa ginawa niya! "Tell me, binully ka ba ulit?" Iritasyon niyang tono. Umiling ako agad. Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko rin alam kong ano ang isasagot. Dahan-dahan akong huminahon. "Anong nang-yari dito?" Nagulat ako sa biglaan niyang pag-taas ng aking braso. Ngumuso ako!

"Hindi ko alam, pag-gising ko kanina ay may sugat na ako sa braso.." Pagsisinungaling ko. OMG! Sana effective. Sana! Sinuri niya ng ilang ulit ang braso ko.

"Eumee, sugat ito sa kuko.." Iritasyon niya ulit. Bahagya akong yumuko. Narinig ko pa amg buntong hininga niya. Dahan-dahan niya akong binitawan. "Samahan na kita sa clinic.." Inabot niya ang kamay ko saka ako hinila pababa. Nagsimula ulit tumalon ang puso ko. *Dug dug dug* Nakakabingi pero kay sarap pakinggan.

Nasa likod niya lang ako nakasunod habang hawak ang kamay ko. Hindi ko magawang magsalita. Panay bulong at napapatingin narin samin ang mga iilang studyante sa iilang palapag ng building. Napapadungaw sila sa ibaba! Ngumuso ako.

Dumirekta kami sa clinic ng school. Pag-bukas ni Morgan ay tumambad samin ang baklang nurse. Biglaan syang napatayo habang natatarantang lumapit samin.

"Goodmorning Sir Morgan.." Agad niyang bati. Sumulyap sakin si Morgan saka niya iminuwestra ang puting kama sa gilid. Tumungo ako doon saka umupo sa gilid.

Nag-usap sila ng baklamg nurse. Hindi ko alam kong bakit namumula ang pisnge ng bakla. Humalukip-kip nalang ako saka nilibang ang tingin sa clinic.

"Okay ka lang?" Agad akong napasulyap sa gilid ng napagtanto kong nasa tabi ko na si Morgan. Sobrang lapit niya sakin. Bumagsak ang mata ko sa First Aid Kit sa ibaba.

"Wala naman akong sakit eh," Nguso ko kaya natawa sya! Pinapanunuod ko syang naglagay ng alcohol sa bulak, inabot niya ang braso ko. Tinupi niya ang dulo ng uniporme ko sa may braso! Para akong na statwa sa kinauupoan ko ngayon. Napangiwi ako ng idinampi niya ang bulak sa braso ko.

"Im sorry, mahapdi ba?" Inangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang mga mata namin.

"Tinatanong mo? Ikaw kaya ang lagyan ko niyan huhu!" Sarkastiko kong sagot kaya tumawa sya ulit. Tignan mo, tinatawanan pa ako eh!

"Huwag kang mag-alala, sa umpisa lang naman masakit!" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Humalakhak sya ng tawa kaya natatamaan ang mukha ko sa mainit at mabango niyang hininga. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko sya maintindihan! Natahimik sya sa kakatawa saka ako sinulyapan. Biglaan kaming binalotan ng katahimikan. Patuloy parin ang pagdadampi niya sa braso ko. Naglagay sya ng betadine, saka niya rin nilagyan ng puting tape. Para akong maduduling sa sobrang lapit niya. Pina swing-swing ko ang magkabila kong paa sa ibaba pam pa-ibsan ng kaba.

"Salamat Morgan huh!" Ginulo niya ang buhok ko. Ngumuso ako sa ginawa niya.

"Walang ano man, Eumee. Nextime! Matuto kang lumaban huh? Hindi sa lahat ng oras, panahon ay palagi kang nagpapa-api." Natahimik ako sa sinabi niya. Binalik niya sa ayus ang uniporme ko. Bahagya akong lumingon ulit sa kanya. Ngayon ko pa nasilayan si Morgan na ganito kalapit. Ang kanyang makapal na pilik mata ay kay sarap tignan. Hindi ko maiwasang hindi sya titigan ng ganito kalagkit. Bumalik ang diwa ko ng inabot niya bigla ang kamay ko. Mas lalong nag-gulo ang sistema ng katawan ko. "Eumee, nagkagusto ka na ba sa isang lalake?" Namilog ang mata ko sa tanong niya. Sumulyap ako sa bakla at mukhang nakikinig ito sa usapan namin. Aba, ang chismosa ng baklang to ah! Dahan-dahan akong lumapit kay Morgan saka ako bumulong.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon