CHAPTER》7

7.8K 280 8
                                    


MICHAELLA  point of view..







"Class, you need to describe and  make a more techniques about this expressionism. I need all of you to express one's inner feelings in this creative work with use of different painting media techniques. Make an artwork in the manner and style of expressionism. Do you understand?"











"YES MA'AM CAORONG.."











"Okay class dismiss.."










"Yeheeeeeeey...."










Omy, Class is over. Kanina pa ako na'aatat makita si eumee. Nag-aalala na ako sa kanya ngayon. Ano kayang ginagawa ng babaeng yun. Kinakabahan ako para sa kanya. Sobrang kalat na sa buong campus ang nangyari. Kasi naman ito si eumee eh, umaandar ulit ang pagiging tanga. Minsan talaga ay ang sarap isaing sa kawali ang babae'ng yun. Dali-dali kong nipigpit ang gamit saka ako dali-dali ding lumabas.



Hindi ko maiwasang kabahan kasi kilalang-kilala ko ang wings club. Baka ano nang masamang ginawa nila kay eumee. Kailangan kong puntahan si candys. Tumatakbo ako sa corridor habang yakap-yakap ang iilang libro. Sigurado akong nasa klase pa si candys ngayon. Tama nga ako, pagdating ko sa silid ay nasa loob pa ang math teacher nila. Napagpasyahan kong sumandal nalang sa lobby. Nahuli ko syang nakatitig sakin at agad ko itong sinenyasan gamit amg mata. Hindi ako mapakali baka kasi umaandar ulit ang tupak ni eumee. Iba pa naman ang takbo ng isip non pag walang kain. Oo, kaya nga ayaw na ayaw kong pagutomin yun pag magkasama kami kasi baka mahawa ako sa kabaliwan niya. Alam nyo matino namang kausap si eumee pag may pagkain sa harap niya.


Omy, bakit hindi pa sila pinapalabas ng teacher nila. Ilang sandali lang ay dinis'miss na sila ng teacher. Dali-daling lumapit sakin si candys na nakangiti.





"Oh? bakit hindi ka pa umuwi?" Tanong niya.



"Kailangan mo akong samahan sa saphire, kailangan nating puntahan si eumee.." Agad ko syang hinila ng walang pag-alinlangan. Hindi ko alam kong pano kami nakatakbo ni candys ng mabilis. Dumaan pa kami sa gitna ng ground dahil nasa kabila pa ang saphire building. Hingal-hingal kaming huminto ni candys sa intrance ng building.




"Tika lang ella. Ano bang nangyari? bakit gusto mong pumunta dito eh mukhang isa-isa ng nag silabasan ang mga studyante dito.." Luminga-linga ako sa paligid at tama nga si candys. Bawat studyante sa mga silid ay isa-isa ng nagsilabasan.





"Nag-aalala lang kasi ako kay eumee. Pano kong may ginawa ang wings club sa kanya?" Literal syang nagulat sa sinabi ko.




"Omy, let's go kailangan natin syang puntahan sa last subject niya.." Kabaliktaran ang nangyari at si candys na muli ang humila sakin. Sabay kaming tumakbo sa corridor. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sana mali ang kutob ko sana ay walang ginawang masama ang wings club sa kanya. Kasalanan namin ito ni candys, kong sana hindi namin sya inutosang ibigay kay kuya scire ang sulat edi sana hindi sya pag-uusapan ng mga studyante dito.

Pagdating namin sa room nila eumee ay agad kaming pumasok. Tanging dalawang studyante ang naiwan sa silid.





"Excuse me miss.." Bahagya silang lumingon samin habang may isinusulat ito sa blackboard.




"Bakit?" Taas kilay ng dalawa.



"Nakita nyo ba si eumee?" Literal silang umirap saka nagtawanan. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit.




Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon