"OMG! Morgan, mukhang nagalit si Scire." Naiiyak kong saad sa kanya. Napailing sa tawa si Morgan. Huhu tinatawanan pa ako oh!
"Follow him!" Iminuwestra niya ang pintoan. Dahan-dahan akong tumayo bago tumango.
Tuluyan kong iniwan ni Morgan sa cafeteria. Dal-dali akong tumakbo palabas ng building. Hingal akong luminga-linga sa paligid. Nasan ba yon? huhuhu..Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa play ground. Sobrang init ng panahon kaya nararamdaman ko na ang hapdi sa balat. Napanguso ako! Ang sikip talaga ng dibdib ko eh. Bagsak ang magkabila kong balikat ng hindi ko mahanap si Scire.
Nanatili akong nakatayo sa gitna ng play ground. Ang init-init pa naman dito, hayy sino ba kasing nagsabi sakin na mag-painit ako dito.
"Hoy baboy, bakit ka ba nagpapa-init dito?" Inangat ko ang ulo ko at bumungad sakin si Scire na ginawang payong ang kanyang bag malapit sakin. Ang kanyang mata ay mas lalong naningkit dahil sa init. OMG! Agad ko syang niyakap agad.
"Waaaaaaa! Scire.. Huhuhu!" Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ang masikip kong dibdib kanina ay gumaan. Inangat ko ang aking ulo at nahuli ko ang nakangiti niyang labi, napawi lang 'yon ng mahuli ko. Dali-daling naging tigre ulit ang mukha niya. "Bakit ka ba umalis agad? Sabay sana tayong kumain sa cafeteria. Kaninang umaga pa ako naghahanap sayo eh!" Nguso ko. Nanatili akong nakayakap sa kanya, habang nasa ulohan naming dalawa ang bag niya.
"Talaga?" Ngisi niya ng kaunti.
"Oo, saan ka ba galing?" Nagmura sya sa tanong ko. Tignan nyo! Nagtatanong lang ako nagmura agad. Minsan itong si Scire ay kaylangang turuan sa pananalita.
"Tsss..Hinahanap karin!" Iwas tingin niya. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti saking labi. Ang kanyang mukha ay kay sobrang sarap titigan. Kaya lang ay naiinis talaga ako sa kulay ng kanyang buhok huhu.
"Yeeee!" Tinusok ko ang kanyang tagiliran kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Na miss mo ako noh?" Tusok ko ulit kaya mas lalong naging tigre ang kanyang ekspresyon. Ang sarap niya kayang tignan pag laging kunot ang noo. "Miss din naman kita, kaya huwag kang mag-aalala hindi ka nag-iisa.." Malapad ko ng ngiti saka sya niyakap ng mahigpit. *Dug dug dug* Hindi ko alam kong bakit sobrang komportable ko sa bisig ni Scire. Parang ayaw ko ng mawalay sa kanya. *Dug dug dug* Pati tibok ng kanyang puso ay dinig na dinig ko.
"Tsss.. Umalis na nga tayo dito! Ang init." Napahiwalay ako sa yakap. Inakbayan niya ako at hinila patungo sa many forest. May iilang studyante sa iilang puno at mukhang nagpapahangin at nagpapahinga. Minsan na ako dito, dahil cafeteria at canteen lang naman talaga ang paborito kong tambayan. Umupo kami sa may bench.
"Nabusog ka ba sa kinain mo kanina?" Agad niyang tanong sa iritasyong tono. Napanguso ako! Pano ako mabubusog eh, hinabol ko sya at hindi pa ako tapos kumain non. Uunahin ko pa ba ang pagkain kesa magalit sya sakin? Huhu ayaw ko!
"H-hindi eh." Nguso ko. Pinapanunuod ko syang may hinalungkat sa kanyang bag sabay ng pag lag-lag ng aking panga. OMG! Isang garapon ng cookies at monde mamon? Waaaaaa! Heaven.
Inilapag niya 'yon sa harap ko.
"Dinalhan sana kita ng pagkain, kaya lang ay kumakain kana pala, kasabay ang iba." Napapangiti ako sa sinabi ni Scire. Dahan-dahan niyang binuksan ang dalawang garapon habang ako ay nakatulala. Nanatili akong nakatitig sa kanya na nakahalumbaba. Inilagay ko ang aking magkabilang kamay sa baba. Sumulyap sya sakin na kunot ang noo. "O-oh? bakit ganyan ka makatitig?" Taas kilay niya pero wala parin akong narinig. Nakangiti akong tinititigan sya ngayon. *Dug dug dug* Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Pag di ka tumigil sa kakatitig dyan ay hahalikan na talaga kita.." May sinasabi ba sya? Parang wala kasi akong naririnig dahil busy ako sa kakatitig sa kanya. Parang naging slowmo ang lahat sa paningin ko. Nabigla ako dahil sa paglapit ng kanyang mukha sakin. Namilog ang mata ko at agad napatuwid ng upo. "Kanina ka pa tulala dyan. Oo, gwapo ako kaya pati laway mo tumutulo.." Huh? dali-dali kong pinunasan ang aking bibig.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...