EUMEE point of View..Kanina ko pa hinahanap kong saang banda ang lima. Luminga-linga ako sa paligid at hindi ko sila makita. Hayy sa sobrang lawak ba naman ng bar ni moma! Ang dami kasing tao sa paligid at halos mapuno na ang bar. Ang malakas na musika ay siguradong mabibingi ka. Umikot ulit ako sa dancefloor!
"Nasan na ba ang lima!" Bulong ko saka pilit itinaas-taas ang noo para hanapin sila. Hayy nakakagutom pa naman maghanap. Buti nalang talaga ay kumain ako ng marami kanina. Baka mamamatay ako sa gutom sa kakaikot dito. OMG! ayun!
Dali-dali akong lumapit ng mahagilap ng mata ko ang lima. Nasa malayo palang ako ay kitang-kita kona ang bawat ngisi nila. Ang kanilang tawanan at pagmumura ay naririnig ko pa dito. Kumaway ako ng bahagya sabay nang pagtayo ni Morgan. Ano ba yan si morgan may pag ka eng-eng. Kumaway lang naman ako eh, Ang assumera talaga ng lalakeng ito. Anong akala niya tinawag ko sya? Hayy minsan turuan ko si morgan sa ibat-ibang klasi ng pag-kaway ng kamay.
Palapit sya sakin kaya ngumisi ako. Laking gulat ko ng bigla niyang sinikop ang mag-kabila kong pisnge.
*Dug dug dug*
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tinititigan niya ako. Ang kanyang malumanay na mata ay kay sarap tignan. Mas lalo akong nabigla ng idinampi niya ang kanyang labi sa gilid ng labi ko. OMG! Bakit hindi ako makahinga? Nangi-nginig ang magkabila kong tuhod sa kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mahihimatay na ako sa sobrang lakas ng kalbug ng dibdib ko. OMG!
"Don't move a little muscle!" Bulong niya sa gilid ng labi ko. Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginit ng magkabila kong pisnge. Hindi ko magawang gumalaw! Ilang segundo kaming magkadikit saka niya napagpasyang humiwalay. Literal akong na out of earth! Parang nasa ibang mundo ang utak ko."Im sorry, Eumee!" Huli niyang sabi saka ako nilagpasan. Bahagya akong lumingon sa kanya saka ito pinapanunuod lumabas ng bar. Narinig ko ang mga pamilyar na boses na papalapit sakin kaya binaling ko ang tingin mula ron. Papalapit sakin ang apat. Ngumiti ako kay scire pero nasa ibang direskyon ang tingin nito.
"Scire!" Lumapit ako sa kanya ngunit nilagpasan lang ako nito saka ako binang-ga sa balikat. Aray! Ang sakit huh! Tika lang? Anong problema non. Tinignan ko ang tatlo at panay tawa parin nito.
"Baby, Eumee. How's the first kiss?" Si brick na bigla akong inakbayan. Ngumuso ako! Kiss? Anong ibig niyang sabihin?
"Correction! Second kiss!" Sambit ni raevin. Second kiss? First kiss? Anong ibig nilang sabihin? Kong ganon? Waaaaaaaaa! Ang galing! Honorable pala ang kiss na yan. Nakaka amaze naman pala. Hehe!
"What do you mean dude?" Si brick na nagtatakha! Tumawa ng malakas si zake.
"Huli kana pala sa balita?" Bulong ni zake. Huli? Hala! Ang chismoso ng tatlong to. Hayy naku maturuan nga sila kong pano magtikom ng bibig.
"Okay ako na ang walang alam!" Si brick na may iritasyong tono. Tinapik ni zake ang balikat ni brick saka ito tumawa ng nakakaasar.
"Tika lang ano bang pinagsasabi nyo?" Putol ko sa kanilang usapan. Hayy gutom pa naman ako huhu!
"Wala baby, Eumee! Uuwi ka na ba? Hatid na kita!" Si raevin. Tinignan ko ang relo's ko at mag aalas dose narin.
"Siguro kailangan ko ng umuwi, may pasok pa tayo bukas eh!" Nguso ko! Inakbayan ako ni raevin.
"Mauna na kami sainyo guy's.." Tuluyan akong hinila ni raevin palayo sa dalawa. Lumabas kami ni raevin habang nakaakbay parin sya sakin. Panay ngiti niya kaya hindi ko maiwasang magtaka. OMG! Baliw na yata si raevin.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...