EUMEE point of View..Inihinto ni Morgan ang kotse niya sa gilid ng bahay. Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko talaga alam at bakit sa tuwing nakikita ko sya ay kumakalabog ang puso ko.
"Ah salamat sa paghatid morgan huh.." Bahagya syang ngumiti.
"Sige, pumasok kana dahil mag gagabi narin. Goodnight, Eumee." Saad niya. Bawat bitaw na salita ni Morgan ay sobrang sarap pakinggan. OMG! Hindi kaya? Nag D'dj sya sa isang radio station? O di kaya nag ca'call center sya? Hayy ang bait naman palang anak ni Morgan. Kahit mayaman sila ay nagagawa niya pang mag-trabaho. Ang swerte-swerte ni Tito Zin, at Tita Mary.
Pagkatapos ng maikling usapan namin ay pumasok na ako sa loob. Bumulagta agad ako sa kama pagkatapos maligo. Hawak-hawak ko ang polo na ipinahiram ni Morgan. Parang hinihila ang ilong ko para amoyin ang polo. OMG! Hindi ko sinasadyang dalhin ang polo niya sa ilong ko.
*Sniff* Sniff* Waaaaa.. Bakit ang bango? Parang.. *Sniff* Sniff* OMG!amoy araw. Hehe! Joke, Inamoy ko ulit habang nakapikit. *Sniff* Sniff* Luh, ang bango-bango talaga eh. Parang nakakaadik amoyin. Bawat amoy ko sa polo niya ay para akong kiniliti sa dibdib. Hindi ko alam kong ano ito. Basta ano, makiliti sya. Parang ano! parang may paru-paro sa dibdib ko. Waaa! Kong ganon, may nakapasok na paru-paro sa dibdib ko?
OMG!
Water melon, Water melon, papaya, papaya..
Banana, banana, banana, banana.
Fruit salad, fruit salad.Bumalik ang diwa ko ng tumunog bigla ang phone ko. Dali-dali ko 'yong inabot sa desk. Laking gulat ko ng bumungad sakin ang pangalan ni moma.
Moma Calling....
Sinagot ko agad. Syempre pagkatapos ng ringtone hehe!
[Hello Moma.] Sobrang laki ng ngiti ko. Miss na miss ko na sya. Nakakalungkot pa namang mag-isa dito sa bahay.
[Eumee, nasan ka?] Yeee, si Moma nag-aalala sakin eh. Siguro ay miss na miss niya rin ako.
[Nasa kwarto ko Moma. Kumusta na po kayo dyan? Kailan nyo balak umuwi?] Tumahimik ang paligid sa kabilang linya. Bakit para sobrang bigat ng damdamin ko? Hindi ko alam pero parang may mali eh.
[Eumee,] Buntong hininga niya. [Hindi pa ako makakauwi..] Marahan niyang sagot. Natulala ako habang pinapanunuod ang paa sa sahig na pina swing-swing ko. Nagbitaw ako ng hininga.
[Ganon po ba? Sige Moma, okay lang naman ako dito. Tawagan nyo nalang po ako pag may time.] Nakagat ko ang labi ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang tahimik ng kabilang linya.
[Sige, kailangan ko ng umalis! Sya nga pala nabili ko na ang pinabibili mong stuff toy. Hindi sya masyadong kamukha ng luma mong laruan na si Tinkerbell, pero maganda naman ito. Sigurado akong magugustohan mo..] Ang kanina'y puso koy kay bigat ay biglang gumaan. Gumuhit ang ngiti saking labi.
[Talaga po? Yehey! Thankyou, Moma..] Tumalon-talon pa ako sa kama sa tuwa. Hindi ko man nahanap si Tinkerbell, sigurado akong masaya na sya ngayon kong saan mansya.
[Eumee, I have to go. May gagawin pa akong importante...Babye!]
[Moma, wait..]
*Totot*
Napasinghap ako ng naputol agad ang tawag. Bumalik ulit sa pagkabigat ang dibdib ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nanalo ako sa Tagisan ng talino. Sayang naman, sigurado akong matutuwa sya.
BINABASA MO ANG
Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]
Fanfiction-S E A S O N [1]- Isa lang akong Simpleng babae, as in sobrang simple.. Natural beauty.. √ Magandang katawan..√ Kinahangaan ng buong bayan..√ Sobrang sexy..√ at syempre super pretty.. √ Pero ang totoo,char-char lang yan.Hehe isa lang yan sa mga imah...