CHAPTER》 74 The Finale 5:

7.1K 264 55
                                    

WAGE point of View..

Masakit man isipin na wala kana, pero kaylangan naming tang-gapin 'yon. I'm sorry for what i've done. Ginawa ko lang 'yon para lang din naman sayo. Patawarin mo sana ako! Alam kong masaya kana sa langit Luxx. Alam kong masaya kana kasama si Keira.

Sobrang sikip ng dibdib ko.

Nakakabading pero kusang tumulo ang luha ko sa sakit. Nakakabading, dahil kanina pa umaagos ang luha ko sa lungkot. Pinsan, kaibigan at minsan ko ng naging kuya. I know you can't forgive me, Luxx. I know i betray you for a years. Pero nagawa ko lang 'yon dahil pinatay mo ang mga magulang ko. Bakit mo nagawa sakin 'yon? Sana hindi ako nakipag-sabwatan kina Scire. Sana ay masaya parin tayong nag-aaral sa University ng normal.

Hinilamos ko ang aking mukha!

Naikuyom ko ang aking kamao. Mariin akong pumikit habang nakatingala sa langit! Ang bawat hampas ng hangin saking balat ay nakakakilabot. Siguro pinapanunuod ako ni Keira at Luxx ngayon. Sana mapatawad nila ako! Sana ay maiintindihan nila ang ginawa ko.

Naalala ko pa ang nakaraan kasama si Luxx at Keira.

                      
                    [FLASHBACK]

Titig na titig ako kay Kiera habang nilalaro niya ang gameboy ko. Napakalumang laro, pero tila naaadik sya nito. Nasa kwarto ko sya at ganito sya tuwing sabado at linggo. Palaging nang-aasar at nang-didisturbo sakin dito sa kwarto. Kapatid ni daddy ang mommy ni Keira kaya ganito kami ka close.

"Keira...Umuwi kana," Bulyaw ko habang nakapikit. Ang ingay-ingay mag-laro nakakaasar!"Keira, I said get out of my room. Umuwi kana baka hinahanap kana ng kuya mo." Dugtong ko sa iritasyon. Padabog syang lumapit sakin na nakapamewang.

"Bakit ba ang sungit mo. Eh gusto kitang makasama eh huhu.." Agad syang pumaibabaw sakin at niyakap ako ng mahigpit. Putang'ena! Anong trip nito.

"Hoy Keira umalis ka nga dyan. Baka pumasok si mommy at daddy at kong ano pa ang isipin nila satin. Hoy! Walang'eya," Tinulak-tulak ko sya ngunit mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Shit! Kalama Wage, pinsan mo ang babaeng 'to. "Keira!" Pag-babanta ko na agad niyang ikinatayo. Anong trip ng babaeng ito?

"Wage naman eh..nag-lalambing lang naman ako huhu." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Nag-lalambing? sa ganong paraan? bahagya akong umupo sa kama habang sya ay nanatiling nakatayo.

"Umuwi ka na nga.." Bugaw ko na ikinanguso niya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya agad ko syang tinulak.

"Okay...I love you Wage," Huli niyang sabi at aakamang lalabas ng kusang bumukas ang pintoan sa kwarto ko. Namilog ang mata ko! Shit...si Luxx.

"Kuya," Agad yumakap si Keira kay Luxx. Nanatiling nakatitig sakin si Luxx na may iritasyon.

"Umuwi kana," Bagsak boses nito. Ngumuso si Keira at agad lumabas ng silid ng walang imikan.

Napakati ako sa batok.

"Ang kulit ng kapatid mo," Pag-mamaktol ko na ikinataas niya ng kilay. "Oh? anong iniisip mo dyan? Walang'eya ka Luxx mag-pinsan tayo, hindi ko magagawa kay Keira yan.." Eksplenasyon ko na ikinahalak-halak niya.

"Sira-ulo....wala akong masamang iniisip. Salamat sa pag-intindi sa kapatid ko. Sige na alis na ako, sinundo ko lang si Kiera." Natatawa niyang sabi saka ako tinalikuran nito. Yari na...ako lang pala ang nag-iisip ng mali. Napahiga ako sa kama at agad pumikit.

Five Bad Boy's Meet the Chubby Chix [COMPLETED SEASON1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon